Muling sumabak sa Miss Universe Philippines 2023 competition ang Top 18 candidates para sa pageant.
Ito ay matapos magkaroon ng short break nang ihayag ang Top 10 finalists na dapat sana'y pasok na para sa evening gown competition.
Inanunsiyo ng pageant host na si Xian Lim ang hindi inaasahang kaganapan sa pag-compute ng scores ng mga kandidata.
Anunsiyo ni Xian: "To everyone watching here tonight and to eeryone watching at home via online streaming we have an announcement to make.
"This is gonna make tonight a little interesting.
"Due to technical issues, we've resulted to manual tallying, which means, our Top 18 candidates will go through the evening gown and compete for the Top 5."
Ibig sabihin, diretso na sa Top 5 pagkatapos irampa ng Top 18 candidates ang kanilang evening gowns.
Ang nanalo para sa Best in Evening Gown ay si Michelle Dee ng Makati.
READ: Miss Universe Philippines 2023 Top 18 candidates
