Naging ritual na sa mga players ng National Basketball Association (NBA) ang pakikipag-swap ng ginamit na jersey pagkatapos ng laro.
Pinipirmahan din ang jersey bilang pagpapakita ng respeto sa nakaharap na kapwa player.
Kakaibang swap ang nangyari sa pagtatapos ng second round ng NBA Playoffs, kung saan tinalo ng Los Angeles Lakers ang Golden State Warriors sa Game 6.
Marami ang nagulat nang ibigay ni Stephen Curry ng Warriors ang kanyang suot na jersey kay Lonnie Walker IV ng Lakers nang matapos na ang serye.
Read also: VIRAL: Hiram na sablay na isinuot ni Fil-Am sportswriter Pablo Torre sa isang gala
Bukod sa kanyang pirma, nilagyan din ni Curry ang jersey ng dedication na: “To Lonnie, Keep Building! All Love. Will never forgive you for Game 4...!”

Read also: "A bit off!" Nancy Binay, pinuna ang campaign ad ng Pilipinas sa London; DOT reacts
Matatandaang sa Game 4 ng serye kung saan nagwagi ang Lakers ay umiskor si Walker ng 15 points sa fourth quarter, at karamihan sa puntos ay dahil sa pag-atake kay Curry.
Naging deciding factor sa serye ang Game 4 win ng Lakers dahil nakuha nila ang 3-1 advantage.
Tuluyan namang nakapasok ang Lakers sa Western Conference Finals matapos talunin sa playoff series ang Warriors sa Game 6.
Dahil sa ganda ng laro ni Walker, nakuha niya ang respeto ng two-time Most Valuable Player na si Curry.
Read also: Boxer Kenneth Egano, 22, dies four days after collapsing in ring

Ibinahagi ni Walker sa kanyang Instagram account ang photo ng jersey na ibinigay sa kanya ni Curry.
Walang binanggit ang dalawang player kung ibinigay rin ni Walker ang jersey niya kay Curry.
Pero para sa mga collectors ng NBA memorabilia, sakaling ibenta ang jersey na isinuot ni Walker sa tinaguriang “Game 4,” mas mataas ang magiging value nito kumpara sa jersey na isinuot ni Curry dahil sa kanyang “incredibly resilient performance in this series.”
Naging game-deciding hero kasi sa Game 4 si Walker kahit pa bench player lang siya sa rotation ng Lakers.
Read also: This gym instructor reveals he used to pick on Vice Ganda in college: “Sorry. Sorry.”
Bukod sa jersey ni Curry, kasamang nai-post ni Walker sa kanyang Instagram ang ilang larawan sa Game 4, kasama ang touching na eksena kung saan niyakap siya ng kapwa players na sina LeBron James at Anthony Davis.
Nilagyan niya ang kanyang post ng caption na: “Losses turn into pain, then they become advantages.”
Pinuri naman ng kanyang mga followers ang pagiging real sport ni Curry.
Read also: Siargao surfer John Mark Tokong, unang Pinoy na sasabak sa World Surf League Challenger Series
