Below average ang intelligence quotient (IQ) ng mga Pinoy, ayon sa 2023 study na inilabas ng World Population Review.
Ang average IQ ng Pinoy ay 81.64, na below 100 na itinuturing na average IQ score.
Ang World Population Review ay isang “independent organization without political affiliations,” ayon sa website nito.
Ang organization na ito ay naglalabas ng easy-to-understand complex demographic information ukol sa population sa iba-ibang bansa.
Sa study, ang Pilipinas ay nasa ika-111 puwesto sa listahan ng 199 countries ng Top Countries With The Highest IQ.
Sa listahang inilabas, makikitang Asian countries ang nangunguna sa mga may pinakamataas na IQ.
Narito ang listahan at ang IQ average ng bawat bansa:
- Japan - 106.49
- Taiwan - 106.47
- Singapore - 105.89
- Hong Kong (China) - 105.37
- China - 104.10
- South Korea - 102.35
- Belarus - 101.60
- Finland - 101.20
- Liechtenstein - 101.07
- -11. Netherlands & Germany (tie) - 100.74
Read:
- Oxford student speaks in 11 languages, including “perfect” Tagalog
- Tricycle driver and vendor's son gets PHP104-M scholarship offers from US and UK schools
Kapansin-pansin ding hanggang Top 12 lamang ang mga bansang umabot sa 100 na may average IQ score. Nasa Top 12 spot ang Estonia na may score na 100.72.
Mula No. 13 hanggang 199 ay below 100 na ang IQ score ng mga sumunod na bansa.
Nasa No. 16 ang Canada with 99.52, No. 17 ang Australia with 99.24, No. 20 ang United Kingdom with 99.12, at No. 29 ang US with 97.43.
Ang IQ ay pagsukat sa reasoning capability ng isang tao o kakayahan niya sa paggamit ng information at logic sa pagsagot ng tanong, ayon sa mga health websites.
Ang pinagbasehan ng World Population Review ay ang 2019 study ng researchers na sina Richard Lynn at David Becker sa publisher-sponsor na Ulster Institute for Social Research.
Ang sabi naman ni Lizamarie Olegario, associate professor ng UP College of Education, hindi nakakagulat ang ranking ng Pilipinas dahil 2018 pa mababa ang resulta ng IQ test ng Pinoy.
Matagal na raw problema ang quality of education sa bansa kaya kahit sa national achievement test ay mababa ang score ng estudyante.
HOW TO IMPROVE ONE'S IQ
Samantala, may paglilinaw ang clinical psychologist na si Fab Calipara ukol sa inilabas na pag-aaral.
“Whenever we try to measure yung IQ ng isang tao, hindi lang siya naka-focus doon sa average kasi meron din siyang iba't ibang klase—kumbaga multiple intelligence,” ani Calipara sa ANC interview.
“So we should not only focus on that, but ang important naman hindi naman fixed ang IQ ng isang tao, na actually nai-increase pa natin.
“Nakadepende ito sa stimulations we do for the brain.”
Binanggit din ni Calipara ang digital dementia na nangyayari dahil sa sobrang paggamit ng gadgets at teknolohiya na nakaaapekto sa intellectual capacity ng isang tao.
Malaki rin ang epekto ng tamang nutrition para sa mas mataas na IQ ng isang bata.
Pahayag ng Department of Health, importante na makapag-provide ng tamang alaga gaya ng tamang nutrisyon, habang nasa sinapupunan ang isang sanggol.
Malaking tulong din ang activities na nakapagsi-stimulate sa brain function, tulad ng pagbabasa, at exposure sa sensory at learning materials tulad ng puzzles.
