May reaksiyon si Maricel Soriano sa himutok ng seasoned actors pagdating sa mga kabataang artista na hindi man lang marunog bumati.
Sabi ni Maricel, hindi pa niya ito nararanasan, pero nasaksihan niyang dinaanan lang ng isang newbie actor ang isang batikang artista.
Nauunawaan daw ni Maricel kung bakit sumasama ang loob ng mga beteranong artista.
“Kami noon, pudpod yung lips namin sa kakahalik sa kanilang lahat. Kasi iyon ang training namin,” ani Maricel kay Ogie Diaz sa YouTube vlog nito, May 19, 2023.
“Nakagisnan namin iyon, yung magbigay-pugay ka. Kaya kahit nasa dulo pa ng ano iyan, pupunta ako don saka sasabihan, ‘Tita, nandito na po ako,’ saka, ‘Ako po si Marya.’”
Pero hindi raw isyu kay Maricel kung sakaling sa kanya mangyari ito.
“Sinabi ko sa sarili ko, ayokong ma-stress sa ganyan. Number one, hindi ko naman kayo kilala. Bakit ko naman i-stress-in ang sarili ko?
“Now, if you come to me and you tell me who you are, ganyan-ganyan, and then I will entertain you.
“But then, in the meantime, if you are not coming to me and say, ‘Hello,’ e di, wala ka rin mapapala sa aking, ‘Hi.’”
Payo ni Maricel sa mga batikan, “Wag mo nang dibdibin. Wag na. Hindi worth it. Mga bata iyang mga iyan, e. Hindi nila alam ang ginagawa nila.”

Sa karanasan daw ni Maricel, siya ang laging lumalapit at nagpapakilala kapag hindi ipinapakilala sa kanya ang isang baguhan.
“Walang gustong mag-introduce sa amin, ‘Hi, I’m Marya,’ Ganon na lang.”
May ginawa raw siyang isang proyekto at makaka-eksena ang isang aktor na gaganap bilang asawa niya.
“So hindi ko kakilala. Walang nagpapakilala sa amin.”
Lumapit daw si Maricel at nagpakilala.
“Sabi niya, ‘Gusto ko nga po kayong lapitan para batiin kaya lang nahihiya ako.’
“Sabi ko, ‘Next time, wag ka na mahihiya.’”
Read also:
- (UPDATED) Kinukuwestiyon: anak ng tricycle driver at tindera with PHP104M scholarships from US, UK schools
- VIRAL: Tricycle driver, pinagsabay ang driving at loving-loving
- Kuwentong TOTGA ng two senior citizens na nagkitang muli after 60 years
MARICEL’S ADVICE TO ASPIRING ACTORS
Kung may maipapayo si Maricel sa mga baguhan, ito ay ang huwag gawing laro ang pag-aartista.
Paliwanag pa ng Diamond Star, hindi ito madaling trabaho.
“Sabi ko, dapat alam niyo yung pinasok niyong industriya. Dapat malaman niyo kung sino itong mga tao behind bago pa lang kayo pumasok dito.
“Saka hindi ito laro. Ito ay trabaho,” ani Maricel.
“Trabaho na gagampanan mo ang bawat role na ibibigay sa yo. At itong tinatawag nating trabaho, hindi ito personal.
“Ito ay trabaho na kailangan mong mahalin, respetuhin.
“Kasi, alam mo, kapag minahal mo at nirespeto mo itong trabaho na ito, babalik naman sa yo ito nang bonggang-bongga.”
Sabi pa ng seasoned actress, “Kung nakikita ninyo na parang ang dali lang, hindi totoo iyon, nabubulagan lang kayo.
Kaya nagmumukhang madali kasi mahal namin ang ginagawa namin. Meron kaming respeto sa craft namin.
“At saka sana yung interpretation ninyo sa pagiging isang artista ay lawakan pa ninyo.
“Kasi kung ang tingin ninyo, laro ito, nagkakamali kayo. Wag kayong pumasok dito sa industriyang to. Maglaro na lang kayo sa Manila Zoo, kung saan niyo gusto.
“Pero hindi ito yung lugar ng laro. Ang tawag dito pagmamahal sa trabaho. Kaya lang mukhang ang dali-daling tingnan pag ginagawa namin.”
