#FDCPScandal No.4
May basbas ng mga miyembro ng Film Development Council of the Philippines ang pagkuha kay Ice Seguerra sa events nito.
Ito ang sagot ni Liza Diño nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang proseso sa pagpili kay Ice upang magbigay ito ng serbisyo sa FDCP.
Sabi ni Liza: "Just like how we reach out to various filmmakers and artists as mentors, speakers, resource persons for our programs and events, I reach out to Ice Seguerra, one of the top entertainment icons of the country, to help the agency mount our events and perform.
"And because he would always do it for pro bono (for free) as a way of giving back to the industry, we usually tap him to save on costs.
"I think there were few occasions where we gave him an honoraria during the pandemic.
"But this was all presented and reported to the Council."
Ang honararium, ayon sa merriam-webster.com, ay payment bilang pagkilala sa "special service" at ang takda ng presyo ay hindi pinagkakasunduan.
Posibleng minimum fee ang ibinayad kay Ice sa mga pagkakataong kinuha siyang performer sa mga events ng FDCP.
Tulad ng sabi ni Liza, kilala at respetadong singer si Ice sa OPM scene.
May 35 taon na sa showbiz si Ice—na unang nakilala bilang Aiza Seguerra—at sa loob ng panahong iyon ay nakagawa siya ng pangalan bilang singer-actor.
film industry INSIDERS' COMPLAINT AGAINST LIZA AND ICE
Sa PART 4 ng SPECIAL REPORT OF PEP ON FDCP, inalmahan ng industry insiders ang anila'y madalas na pagkuha kay Ice bilang performer/director/album producer ng FDCP.
Hindi raw katanggap-tanggap ang dahilang makakatipid ang FDCP kung si Ice ang kukuning performer.
Napakarami raw performers sa Pilipinas—na kasing galing o mas magaling pa kaysa kay Ice at handa ring magbigay-serbisyo—na maaaring kunin ng FDCP.
Kinuwestiyon din ng industry insiders kung paano nangyaring mula sa "out of love" na pagbigay-serbisyo ni Ice ay "may bayad na" kalaunan.
"Out of love" ang isinasagot ni Liza sa mga nagtatanong sa loob ng Council kung bakit kasama si Ice sa FDCP projects.
Tingin ng insiders, inabuso ni Liza ang kapangyarihan nito bilang chair ng FDCP sa pagpabor nito sa partner na si Ice pagdating sa paying jobs sa FDCP.
Sa ilang dokumento ng FDCP na nasuri ng PEP.ph, tinawag na "service agreement" ang mga kontratang pinirmahan ni Ice para sa 10 FDCP projects na nilahukan niya mula November 2019 to July 2022.
May isang beses namang pumirma si Ice para sa "honararium" na ibinigay sa kanya ng FDCP nang dumalo siya sa Guanajuato International Film Festival noong 2019.
Nagkakahalaga ng "PHP960,000" ang total na service fees na natanggap ni Ice para sa mga nabanggit na proyekto, base pa rin sa mga dokumento ng FDCP.
Sina Liza at Ice ay sampung taon nang magkarelasyon. Ikinasal sila sa California, USA, noong December 8, 2014.
E-MAIL EXCHANGE WITH LIZA
May 16, 2023 nang padalhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng e-mail at text message si Liza upang hingin ang panig niya sa mga isyu noong siya ang chair ng FDCP. Hiningan din namin siya ng interbyu.
Kinabukasan, May 17, pinadalhan uli ng PEP ng e-mail si Liza.
Miyerkules, May 18, sumagot si Liza sa e-mail ng PEP. Ipinaliwanag niyang siya ay nasa Cannes, France, para sa 76th Cannes Film Festival, na nagsimula noong May 16 at matatapos sa May 27.
Ang mga sagot daw na maibibigay niya ay ibinase niya sa mga tanong na ipinadala ng PEP. Handa raw siyang sagutin ang iba pang katanungan sa kanya.
Nagpadala ng additional questions ang PEP kay Liza noon ding May 18, pero hindi pa niya ito sumasagot sa ngayon, kinagabihan ng May 20.
Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ni Liza at iba pang personalidad na nabanggit sa Special Report ng PEP tungkol sa FDCP.
RELATED STORIES:
- #FDCPISSUE NO.1: Insiders troubled by ex-chair Liza Dino's "sole control" of millions for filmfests, events, grants
- #FDCPISSUE NO.2: Liza Diño reprimanded by Tito Sotto for messing with rules and regulations
- Liza Diño refutes "one-woman rule" charge
- #FDCPISSUE NO.3: Insiders say Liza Diño's term marked by "crazy," "lavish" spending of millions in public funds
- Liza Diño "surprised" by probe on her chairmanship; says expenses go through check and balance
