Kung may payo si Miss Univese 1969 Gloria Diaz kay Michelle Dee pagdating sa kanyang mga kritiko, ito ay huwag silang bigyan ng atensiyon.
Si Michelle ay kinoronahang Miss Universe Philippines 2023 noong Mayo 13, 2023.
“Nakita ko lang that she was crowned. Very nice and Mimi was so proud,” pagtukoy ni Gloria kay Miss International 1979 Melanie Marquez, ina ni Michelle.
Nahaluan ng kontrobersiya ang pagkapanalo ni Michelle sa national pageant dahil kanya-kanyang manok ang pageant fans.
Strong contenders din kasi ang iba pang titleholders ng gabing iyon, tulad ni Pauline Amelinckx (Miss Supranational Philippines) at Krishnah Gravidez (Miss Charm Philippines).
Sabi ni Gloria, maging siya man ay kinuwestiyon noong koronahan siyang Miss Philippines 1969.
“When I won Miss Philippines, they said it was ‘lutong Macau’ some, one or two people, etc. Pero I didn’t even know what lutong macau,” ani Gloria sa interview ng GMA 24 Oras.
Lutong Macau ang tawag kapag dinaya ang resulta ng kumpetisyon. Ngayon ay binabansagan itong “luto.”
Patuloy ni Gloria, “Then afterwards, when I won Miss Universe, nag-faint nga sila [bashers].
“Ang punong nagbubunga, siyempre, babatuhin nila iyan.
“But just do your best. Enjoy. Just pretend they don’t exist,” ani Gloria para kay Michelle.
Si Michelle ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe 2023 pageant na gaganapin sa El Salvador.
ON TRANS WOMEN, MARRIED AND MOTHERS JOINING MISS UNIVERSE
Samantala, tinututulan ni Gloria ang pagpayag sa transgender na sumali sa malalaking pageants for women.
“I am not really for it. I always feel they have to join their own competition, kasi baka matalo kaming mga babae.
“Kasi maraming mga male-turned-female na super ganda. In fact, even in sports, that’s a big confusion and a little bit controversial,” sabi ng former Miss Universe.
Dagdag niya, “I’m not saying stick to the old. You can expand a little, pero hindi masyadong controversial.”
Nilinaw rin niya na LGBTQ supporter siya.
“People don’t realize how close I am to LGBT. They don’t realize that I love them,” sabi pa niya.
Nauna nang naulat dito sa PEP.ph na sinabi ni Gloria na hindi rin siya sang-ayon na mapasali ang mga married at may anak sa Miss Universe.
Read: Miss Universe 1969 Gloria Diaz, hindi pabor sa pagsali ng mga misis sa Miss Universe
