Espesyal ang pagdiriwang ng advanced celebration para kay Supestar Nora Aunor ngayong Sabado, May 20, 2023.
Si Ate Guy ay magiging 70 years old ngayong Linggo, May 21, 2023.
Samantala, momentous ang birthday celebration ng Superstar na ginanap sa Seda Vertis North sa Quezon City.
Para sa kaarawan niya, dumating ang lima niyang anak—sina Lotlot de Leon, Ian de Leon, Kiko, Kenneth, at Matet de Leon.

L-R: Kiko de Leon, Matet de Leon, Lotlot de Leon and husband Fadi El-Soury and Ian de Leon with his two boys
Hindi lingid sa showbiz ang pagkakaroon ng love-hate relationship ni Ate Guy sa kanyang mga anak, partikular kina Lotlot at Matet.
Pero puno ng pagmamahal ang mga mensahe ng anak sa birthday girl.
Sabi ni Lotlot, "Mamahalin kita hanggang kailanman." Halos ganundin ang sinabi ni Matet, "Forever, mommy, we love you so much," habang nag-recite naman ng poem si Ian. Halos hindi naman nakasalita si Kiko, at naghagikgikan silang mag-ina. Ang bilin niya, "Basta, Ma, ingatan niyo lang lagi sarili mo." Si Kenneth ay camera shy, kaya hindi nagpa-picture at hindi rin nagbigay ng message.
Gayunpaman, ang pagdalo ng kanyang mga anak ay testamentong nagkaayos na silang mag-iina.
Sabi ni Lotlot, ang huling beses na nagkasama-sama silang mga anak ay noong magkasakit si Ate Guy.
Naging abala kasi sila sa kani-kanilang buhay.
Unang dumating si Matet, na “thriving” ang gourmet tuyo business.
Matatandaang nagkaroon ng hidwaan sina Matet at Nora dahil sa kanilang gourmet business late last year.
Read:
- TUYO WARS? Matet de Leon calls out mother Nora Aunor for directly competing with her gourmet tuyo business
- Matet de Leon deeply hurt by adoptive mother Nora Aunor's "betrayal": "Ang lakas makaampon nung ginawa nila."
- Matet de Leon on rift with adoptive mother Nora Aunor: "Hindi ko na siya kakausapin ulit."
Pero malinaw na isinantabi na ng mag-ina ang kanilang di pagkakaunawaan.


L-R (Seated) Mickey Estrada and wife Matet (Standing) Ian, Nora, and Kiko
Sa katunayan, kasama si Matet sa ipo-prodyus na pelikula ni Nora, ang Sa Puso ng Isang Anak.
Bida rin dito sina Ian at Kenneth, pati sina Snooky Serna, Bembol Roco, Irma Adlawan, Winwyn Marquez, Beverly Salviejo, at Dexter Doria.
Samantala, sa birthday ni Ate Guy ay nanalo pa ng PHP500 si Ian sa Bring Me game, kung saan hiningi ang old photo ng Superstar.
Kasama rin ng mga anak ni Nora ang kani-kanilang pamilya.
Kitang-kita naman ang saya sa kanilang mga mukha ngayong nagkaayos at nabuo na silang mag-iina.
Hindi naging visible si Kenneth sa pictures dahil ayaw daw nitong makunan ng larawan.
With additional text by Bernie Franco
