Si John "Sweet" Lapus daw ang tipo ng direktor na hindi magagalitin.
“Hindi talaga, e! Kasi na-experience ko bilang artista ako bago ako nagdirek, artista ako for twenty five years, yung negativity na brought about by a director, na biglang sumigaw, nagmura, nagtatatalak, na puwede namang hindi.
“And one thing I realized, same result pag tumalak ka, sa sinabi mo nang maayos. Same din yung magiging result, so might as well huwag ka ng sumigaw, huwag ng tumalak.
“Oh my God! I’ve seen directors, nagsisisigaw, galit-galit, mura nang mura, inatake, e!
“May certain negativity talaga. At least ako, alam ko yan, yung buong araw ang pangit na ng mood ng lahat, yung mga staff nagkakaroon na ng…
“I want to be respected because of my work and my relationship with the actors and the staff, and not because rerespetuhin ako dahil takot sila sa akin.
“Ayoko ng ganun. Napaka-old school,” lahad niya.
DIREK SWEET CHOOSES BETWEEN ACTING AND DIRECTING
Kahit aminado siyang mahal pa rin niya ang pag-arte, mas naka-focus ngayon si Sweet sa pagdidirek.
Ang latest na proyekto niya bilang direktor ay ang Jack And Jill Sa Diamond Hills, ang TV5 sitcom nina Jake Cuenca at Sue Ramirez
Kilala ring komedyante si Sweet sa pelikula at telebisyon, kaya tinanong namin siya, kung sakaling may sabay na offer na dumating sa kanya, ang isa ay bilang artista at ang isa ay bilang direktor, ano ang tatanggapin niya?
“Oh my God, sabay io-offer?
“Anyway, artista pa rin po pala ako so… hindi naman po araw-araw ang taping nitong Jack and Jill, puwede pa po akong mag-guest!
“Pakisabi niyo po sa mga producers, ok? Star Magic pa rin po ang management ko, pareho po kami ni Jake ng handler at manager, si Allan Real po, kami pong tatlo Star Magic po kami,” sabay turo sa mga katabi niya during the mediacon na sina Jake at Sue.
“Tawag po kayo, puwede pa po ako,” ang birong-totoong panawagan ni Sweet.
“Oh my gosh, siguro kung sabay? Siguro ang magiging dahilan ng pagpili ko is the material.
“You have to understand ang tagal ko nang artista, almost thirty years na akong artista, so kung nagawa ko na yung role na yun, medyo mas doon ako sa…
“Mas pipiliin ko yung magdirek na most likely dahil nga baguhan pa lang akong director, hindi ko pa nagawa kung ano man yung ididirek na iyon.
“To think na mas mataas ang talent fee ko as an artista kumpara as a director, pero to answer your question mas pipiliin ko yung hindi ko pa nagawa.”
Ang Jack and Jill Sa Diamond Hills ay mula sa TV5, APT Entertainment at Cignal TV at napapanood tuwing Linggo, alas sais ng gabi.
DIREK SWEET HATS OFF TO ARA
Unang beses nagkatrabaho nina Sweet at Ara (bilang direktor at artista) at puro papuri si Sweet sa aktres.
“Magaling si Ara dito,” bulalas ni Sweet.
Noong nabasa raw niya ang karakter ni Cleo Maharlika ng Jack and Jill Sa Diamond Hills, si Carmi Martin ang nai-imagine ni Sweet.
“Si Carmi Martin ‘to! E, nagawa na lahat. Sino pa ba ang puwedeng next Carmi Martin?
“At si Ara Mina na po yun, i-quote niyo po ako.
“In fairness kay Ara. Di ba yung lagi kay Tita Carmi, yung sexy nanay na nakakatawa, sabi ko, ‘Sh*t, sino pa?’
“Grabe isip kami ng isip nun, boom! Ara Mina.
‘At nagawa niya po.”
