“Grabe ka, Lord!”
Ito ang naibulalas ng aktor na si Enchong Dee sa kanyang Instagram account habang dumadalo sa 76th annual Cannes Film Festival sa France, na sinimulan noong May 16, 2023 at matatapos sa May 27.
Nasa Cannes si Enchong para i-represent ang pelikulang Topakk na kasali sa festival.
Last May 20 ay naibahagi ni Enchong ang kanyang larawan sa Instagram kasama ang award-winning Hollywood star na si Cate Blanchett.

Read also: Julia Montes gears up for new action-thriller film
Ang caption ng aktor sa kanyang post, published as is: “Day 3 thoughts:
“Ang mundo ng isang aktor ay hindi nananatili sa loob ng bansa. Malaki ang mundo. Malayo ang lalakbayin. Masarap matuto.
“Nakaka-excite gumawa ng pelikula na maipapalabas mo sa mga banyaga. Thank you Lord pina-experience mo to sakin.”
Pagpapatuloy pa niya, “Pangarap ko lang to dati na maka-attend ng @festivaldecannes but more so doing a world premiere for Topakk in Marche Du Film. Grabe ka, Lord.”
Read also: 10 Filipino Heartthrobs in their 30s Who Are Still Single
Ibinahagi rin niya na isinama siya ng direktor na si Adolf Alix Jr. para manood ng The New Boy, at nagkataong nasa likod lang nila si Cate, na isa sa mga bida sa nasabing pelikula.
Nag-post din si Enchong ng maikling video habang nagpapasalamat si Cate sa mga nanood ng The New Boy.

Nag-comment naman sa kanyang post si Direk Adolf.
Anito, “Happy to help. Glad you enjoyed your initiation to Cannes.”
Binati rin siya ng ibang celebrities, mga kaibigan at followers.
Bukod kay Enchong, tampok sa Topakk, na may international title na Trigger, sina Arjo Atayde, Julia Montes Sid Lucero, Sylvia Sanchez, Vin Abrenica, Pocholo Barretto, Kokoy de Santos, at Paolo Paraiso, sa direksyon ni Richard V. Somes.
Read also: Arjo Atayde, challenging ang roles sa dalawang bagong projects
