Si Shane Bernabe mula sa Kamp Kawayan ni Bamboo ang tinanghal na The Voice Kids Season 5 champion.
Tinalo ni Shane si Rai Fernandez mula sa team ni Martin Nievera, at si Xai Martinez ng team ni KZ Tandingan.

Ginanap ang huling yugto ng singing competition noong May 21, 2023.
Sa total percentage of votes para sa performances ng tatlong finalists, nakakuha si Shane ng 51.05 percent.
May 40.65 percent naman si Rai, at 8.30 percent si Xai.

Read also: Lea Salonga tells Sharon Cuneta how she can have abs
Sa kanyang pagwawagi, nakapag-uwi si Shane ng premyong PHP1 milyon, at recording contract sa UMG Philippines.
Napahanga niya ang tatlong judges sa kanyang huling performance kung saan inawit niya ang “Sino Ang Baliw.”
Read also: Lea Salonga, nagsalita tungkol sa mga naging judge ng Idol Philippines

Read also: 20 things we'll miss about Sarah Geronimo in The Voice Kids PH
Nagpahayag ang kanyang coach na si Bamboo sa pambihirang performance ni Shane.
Anang rock star, “Grabe lang talaga!
“Ang paborito ko sa performance mo, yung mawawala ka lang.”
Sinabi rin ni Bamboo na isang “ready performer” si Shane.
“You’re already a champion. You did it. You owned it. Speechless si Coach.”
Si Shane ang ikalawang naging kampeon sa poder ni Bamboo.
Ang una ay si Elha Nympha na nagwagi sa Season 2 ng The Voice Kids.
Read also: WATCH: Elha Nympha's performance in Steve Harvey's Little Big Shots Season 2
