Binigyang-linaw ni Wilbert Ross na wala siyang sama ng loob sa mga katrabaho sa ABS-CBN at Kapamilya noontime show na It's Showtime.
Kaugnay ito ng pagtatapat si Wilbert na naging biktima siya ng diumano'y power tripping ng isang boss sa It's Showtime, kunsaan napapanood ang all-male group na Hashtags kung saan siya kabilang.
Read: Wilbert Ross claims he's the victim of a power-tripping boss of It's Showtime
Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong May 18, 2023, may paglilinaw si Wilbert tungkol sa nagdaang isyu.
"Kaklaro ko lang yan, specific na tao lang siya, wala na siya sa Showtime, wala na siya sa ABS-CBN," diin niya.
Paliwanag pa ni Wilbert: "Maliban sa tao na yun, wala akong kahit na anong negative na natatanggap sa ABS or Showtime.
"Okay ako sa kanilang lahat, specific na tao lang.
"Gusto kong linawin kasi minsan sa article nagmumukhang the show itself and ABS.
"Sana ma-clarify na specific na tao lang, na wala na rin sa ABS at Showtime.”
Tinanong namin si Wilbert kung nagsabi siya noon kay Vice Ganda at kung tinulungan siya nito dahil malapit siya sa TV host-comedian.
"Alam niya yun dati, yun yung mga moments na hine-help niya ako na masali sa mga segments.
"Sobrang tulong sa akin ni Ganda kasi sobrang laki ng tulong niya sa akin emotionally dati na, 'Go lang. Alam mo naman na mayroon kang talent.' Yun ang lagi niyang sinasabi sa akin."
Hindi naman daw alam ni Wilbert kung umabot sa puntong kinausap ni Vice ang boss na iyon.
Paano nilampasan ni Wilbert ang pagsubok na iyon sa kanyang karera?
Sagot niya: "Nagbigay siya sa akin ng lakas ng loob na galingan pa, na ituluy-tuloy lang, na mayroon akong maibibigay.
"Pero aaminin ko, naapektuhan ako nung time na yun. Pero never pumasok sa isip ko to give up."
ON VEERING AWAY FROM SEXY PROJECTS
Nakapanayam ng PEP.ph si Wilbert sa mediacon ng Ang Lalake Sa Likod ng Profile,
na ginanap sa World Trade Center sa Pasay City, noong May 18.
Si Wilbert ay bida sa digital series na Ang Lalake Sa Likod Ng Profile, na napapanood sa YouTube Channel ng Puregold.
Kapareha niya rito si Yukii Takahashi, isang social media content creator na ngayon ay napapanood na rin sa FPJ's Ang Batang Quiapo.
Simula na raw ito ng pagbabagong image ni Wilbert, na unang nakilala sa sexy comedy roles niya sa Vivamax.
"Magpo-focus ako sa rom-com talaga, rom-com or full comedy at kung mayroon mang tsansa na iba.
"Depende yun sa Viva mismo kung papayagan nila ako. Pero for now, I want to be my name sa comedy industry.
"Lalo na ngayon — feel ko lang, di ko alam kung tama ako — kaunti lang, kaunting-kaunti lang sa mga next generations ang nagko-comedy."
May bali-balita ring magbabawas na ang Vivamax sa paggawa ng mga sexy movies matapos makipag-meeting sa sa MTRCB.
Hindi kaya ito ang rason kung bakit nagdesisyon na si Wilbert na mag-iba na ng image?
Sagot ni Wilbert, "Di ko alam sa Vivamax, pero ang alam ko lang sa akin since ang genre ko naman ay comedy.
"Alam naman natin na sa Vivamax, comedy naman talaga, so magpo-focus ako kung saan ako talaga."
Read: Wilbert Ross, umpisa na ng rebranding; titigil na sa paghuhubad sa Vivamax
ON TEAMUP WITH YUKII
Marami sa mga magkakatambal sa isang proyekto ang nagkaka-develop-an habang nagtatapos ng trabaho.
Posible kayang mahulog ang loob niya kay Yukii?
Sagot ni Wilbert, "Hindi siya dahil ka-partner ko. Depende sa tao na yan kung ka-partner mo man o hindi.
"Basta may mga moments na nagki-click kayo. Hindi specific kung partner kayo o hindi.
"Wala akong ganun, e. Trabaho lang kami, close kami ganun."

ON WORKING BEHIND THE CAMERA
Naibahagi rin ni Wilbert na abala rin siya sa mga proyekto na ang trabaho niya ay behind the camera.
Aniya. "Ang gusto ko lang naman mailabas ko yung creative freedom ko, yun talaga.
"Actually, nasabi ko sa mga interviews may dalawang full-blown scripts na akong nasulat, yung isa pini-pitch ko.
"Sana matuloy, hindi ko muna sasabihin ang direktor. Tinatapos ko yung third script ko ngayon, comedy naman, so yan."
Kasama si Sean Amador ay idinirek ni Wilbert ang music video ng kanta niyang "Langga."
Balak din daw niya subukang magdirek in the future. Sino ang mga artistang gusto niya idirek?
Sagot ni Wilbert, "For now, wala akong maisip, parang sarili ko na muna.
"Pero siyempre gustung-gusto ko yung mga batikang artista din. Pero dahan-dahan muna, step by step.”
