PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Motorsiklo vs. kalabaw; pulis patay sa banggaan

Sugatan ang kalabaw, pero ligtas
by KC Cordero
Published May 24, 2023
Scene of the accident
Nasawi ang pulis na sakay ng motorsiklo nang aksidenteng bumangga ito sa kalabaw na tumatawid sa daan sa isang barangay sa Sorsogon.

Namatay ang isang pulis sa Sorsogon matapos makabangga ang minamaneho nitong motorsiklo ng isang kalabaw.

Nakilala ang biktima na si Police Senior Sergeant David Dela Rosa, 37, na naka-assign sa Castilla Municipal Police Station, at residente ng Burabod.

Naganap ang aksidente bandang alas kuwatro ng hapon ng May 19, 2023, sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Purok 1, Brgy. Del Rosario, sa bayan ng Pilar.

Read also: Story behind 3-month-old pony running along NLEX

Scene of the accident

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: 18 anyos na solong tagapagmana, natagpuang patay two hours after ikasal sa lalaking hindi gaanong kilala

Ayon sa mga nakasaksi, bumangga ang motorsiklo ni Dela Rosa sa kalabaw habang papatawid ang huli sa daan at hila- hila ng amo nito.

Nakilala ang may-ari ng kalabaw na si Joven Belen, 47, may asawa, construction worker, at residente ng naturang barangay.

Pabalik na umano sa kanyang himpilan sa Castilla MPS si Dela Rosa matapos magsagawa ng intel monitoring sa Brgy. Sogoy, na boundary ng bayan ng Pilar, nang maganap ang aksidente.

Read also: Hustisya para kina Marshall at Millions, mga asong pinagbabaril ng pulis

Photo of the carabao

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: GenSan vendors bistado sa paglalagay ng dugo ng baboy sa isda

Sa lakas ng pagkakabangga sa kalabaw, nagtamo ang pulis ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinangka pa siyang i-revive ng mga rumespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection-Pilar, at isinugod sa Castilla District Hospital, pero idineklara siyang dead on arrival.

Nagtamo rin ng mga sugat ang kalabaw, pero ligtas naman umano ito, ayon sa may-ari.

Read also: Mangingisda sa Occidental Mindoro, pinapak ng tiger sharks

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasawi ang pulis na sakay ng motorsiklo nang aksidenteng bumangga ito sa kalabaw na tumatawid sa daan sa isang barangay sa Sorsogon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results