PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Songwriter Lolito Go responds to statement of Moira dela Torre's camp

"I understand you needed to defend her image, her brand. Cash cow nyo yan eh."
by Erwin Santiago
Published May 29, 2023
lolito go moira dela torre feud
Lolito Go (left) on Moira dela Torre (right): "Believe it or not, I care for her. i am doing this para mauntog sya at mahimasmasan. Masyadong sheepish ang mga kaibigan at kamaganak ni Jason para ipagtanggol ang sarili nila."
PHOTO/S: Lolito Go Facebook / @moiradelatorre on Instagram

Patuloy na kumakalat ang apoy na nilikha ng Facebook post ng songwriter na si Lolito Go tungkol sa singer-songwriter na si Moira dela Torre.

Sa viral Facebook post ni Lolito ay ipinagtanggol niya ang estranged husband ni Moira na si Jason Hernandez, ngunit inakusahan din niya ng pagsisinungaling at ghostwriting si Moira.

Read: Songwriter unleashes a mouthful vs Moira dela Torre; defends Jason Hernandez

Hindi ito pinalampas ng kampo ni Moira.

Sa pamamagitan ng Facebook post ng vice president ng Cornerstone Entertainment, Inc. na si Jeff Vadillo ay ipinagtanggol nito ang hitmaker. Ang Cornerstone ang namamahala sa career ni Moira.

Mariing pinabulaanan ni Jeff ang ilang paratang ni Lolito, partikular na ang parte tungkol sa mga magkatuwang na isinulat na kanta o collaboration nina Moira at Jason.

Sabi pa ni Jeff: “Stop invalidating the work of a hardworking woman. She does not deserve this.”

Read: Cornerstone vice president defends Moira dela Torre against songwriter’s allegations

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas lamang ang ilang sandali ay sinagot ni Lolito ang mga pahayag ni Jeff.

Sa pamamagitan muli ng Facebook, isa-isang sinagot ni Lolito ang mga puntong inilatag ni Jeff na tinukoy niya bilang "sir."

Simula ni Lolito, "With all due respect, sir, di ko po sinabi sa open letter ko na better songwriter ako. At hindi ko po dinidiscredit si Moira.

"I actually mentioned na 'exceptionally gifted songwriter' at 'self-made' sya. Dagdag ko pa, one way or another, she'll make it to the top."

Pangalawang nilinaw ni Lolito ang akusasyon niya tungkol sa ghostwriting. May "resibo" raw siya sa mga ito ngunit hindi raw niya ipu-post dahil "inappropriate maglabas ng screenshots ng private convos."

Sabi pa niya, "Tanungin nyo na lang po si Moira kung totoong she asked for my services at kung totoong nagpresyo sya."

Kasunod namang sinagot ni Lolito ang isyu tungkol sa collab nina Moira at Jason, at ang pagbibigay ng kaukulang credit sa kanilang mga likha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin ni Lolito, "I never said Jason wrote those songs 'alone.' I only said Jason wrote most of Moira's hits to drive home the point na he is equally talented at hindi nya kelangang makiride or manggamit ng talent ni Moira like a lot of people are saying in social media. Thus, the rhetorical question: 'Sino ngayon ang manggagamit?'

"Sa isyu naman po ng hindi pagbibigay ng proper credit, di ko naman sinabing sa lahat ng instance ay hindi sya nag-aacknowledge.

"In one particular instance, my name was not included sa Spotify credit for a song na I wrote 95% of the lyrics and the melody of. Sabi nya, it was an honest mistake.

"Di nyo ako masisisi if I did not buy that alibi. Pakitanong na rin po sya tungkol sa bagay na 'yan."

Ayon kay Lolito, ito na marahil ang huling pagkakataong magsasalita siya sa isyung siya ang nagsimula.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero may pasaring siya sa mga namamahala sa career ni Moira: "I understand you needed to defend her image, her brand. Cash cow nyo yan eh. Pero wag din ninyong kunsintihin kung may nakikita na kayong red flags."

Sabi pa ni Lolito, ginagawa niya ito para na rin sa kapakananan ni Moira at dahil hindi maipagtanggol ni Jason at ng pamilya nito ang kanilang mga sarili.

Saad niya (published as is), "Believe it or not, I care for her. i am doing this para mauntog sya at mahimasmasan. Masyadong sheepish ang mga kaibigan at kamaganak ni Jason para ipagtanggol ang sarili nila.

"I took the initiative na kasi ganito ako noon pa man. I can't keep mum when injustice presents itself."

Inaasahang hindi rito matatapos ang isyu sa pagitan nina Moira at Lolito dahil hindi malayong gumawa ng legal na hakbang ang kampo ng singer kaugnay ng mga akusasyong ibinabato laban dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lolito Go (left) on Moira dela Torre (right): "Believe it or not, I care for her. i am doing this para mauntog sya at mahimasmasan. Masyadong sheepish ang mga kaibigan at kamaganak ni Jason para ipagtanggol ang sarili nila."
PHOTO/S: Lolito Go Facebook / @moiradelatorre on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results