Director Wenn Deramas changes his style for Robin-Ai-Ai movie

by Archie de Calma
May 3, 2008
"Nakakahinayang kasi kung hindi mama-maximize yung chemistry ng dalawang lead stars by coming up with situations na mas susundan ng mga manonood at doon matatawa, kesa sa gags o yung comedy na more visual ang dating," explains director Wenn Deramas about his approach while directing his latest movie starring Robin Padilla and Ai-Ai delas Alas.

Nagbago muna ng style ang comedy director na si Wenn Deramas sa forthcoming Viva Films movie na Ikaw Pa Rin (Bongga Ka, Boy!), na tinatampukan nina Robin Padilla at Ai-Ai delas Alas. Aminado si Direk Wenn na tipong animated ang characters at situations sa mga nakaraan niyang pelikula, kaya medyo mas realistic ang atake niya sa direksiyon ng nabanggit na pelikula.

"Nakakahinayang kasi kung hindi mama-maximize yung chemistry ng dalawang lead stars by coming up with situations na mas susundan ng mga manonood at doon matatawa, kesa sa gags o yung comedy na more visual ang dating," paliwanag ni Wenn sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Gustong samantalahin ng comedy director 'yong maibibigay ng dalawang lead performers ng pelikula para maka-relate ang mga tao.

"First time kasing nagsama nina Binoe at Ai-Ai," sabi ni Direk Wenn. "Mas nakakakiliti yung may love story pala involving them. Medyo risky nga lang dahil baka mag-expect ang mga tao sa tulad doon sa dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang sa akin lang, hindi puwedeng ganoon nang ganoon yung putahe, kahit ba sinasabing patok pa rin. Kailangang sumubok ng bago. Palagay ko naman, may ibang klaseng katatawanan itong nagawa naming bagong pelikula."

Pinaandar nang husto ni Direk Wenn ang creativity niya sa team-up movie nina Ai-Ai at Binoe. Mayroon pa itong malalim na mensahe despite its comic nature, tungkol sa utang na loob.

"Yung character kasi ni Robin dito," kuwento ni Direk Wenn, "yung talagang ginagawa ang lahat para sa mga mahal niya sa buhay. Maski nga sa ibang tao, tulong siya nang tulong. Kaya ang tanong dito ay kung hanggang saan tatanawin sa kanya bilang utang na loob ang mga nagawa niya sa ibang tao. O doon sa mismong family niya at mga kaibigan, hanggang saan yung utang na loob niya sa mga ito para pati ang kanyang saloobin at personal matters of the heart ay mapanghimasukan?" pagbibigay detalye niya tungkol sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MASTER OF SPOOFS. Forte ni Direk Wenn ang lampoon o spoofs ng mga dating pelikulang pumatok. Ang Sukob na idinirek ni Chito Roño ay isang horror movie, at gumawa si Direk Wenn ng spoof nito, ang Pasukob na nagtampok kina Ai-Ai at Rufa Mae Quinto.

"Nagkausap kami talaga ni Chito tungkol doon. Nakarating nga kasi sa akin na nagtampo siya dahil hindi man lang ako nagsabi sa kanya na gagawin ngang spoof yung movie niya, which, obviously, hindi niya nagustuhan yung ganoon.

"Hindi naman kasi ganoon ang iniisip ko. I have been doing a lot of lampoons and spoofs of different movies, na wala namang problema. Dahil comedy naman ang approach ko, and besides, it's like paying homage to blockbuster movies na seryoso ang approach. Ginagawa naman maski sa Hollywood yung lampoons or spoofs ng kung anu-anong seryosong pelikula na nagustuhan ng mga tao," pahayag ng direktor.

But just the same, na-realize ni Direk Wenn na out of respect, mas mabuti nga yung kinakausap muna yung mga direktor na gumawa ng mga seryosong versions, lalo na't hindi naman niya ka-close ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NEXT IN LINE. Ilulunsad na rin into solo stardom ang comedienne na si Eugene Domingo, na regular fixture sa mga pelikula at palabas ni Direk Wenn. Siyempre, si Wenn din ang magdidirek ng pelikula ni Eugene na may pamagat na Demetria.

"Viva ang magpo-produce ng Demetria, at happy siyempre ako. Parang lumaki sa guidance ko as a direktor ang pangalan ni Uge, di ba?

"Ang next in line diyan, baka si John Lapus na. Nakikita natin kung gaano kasigasig si Sweet sa trabaho niya, at naghahanap lang ako ng producer na magsusugal doon sa story idea niya. May gusto akong story idea ni Sweet na okey lang daw sa kanya na gawing digital movie. Sabi ko sa kanya, huwag na munang digital. Mas okey siguro kung mainstream, 'tapos may backup ng malaking producer," pagtatapat ni Direk Wenn.

Isa-isa na ngang nakalinya ang mga artista ni Direk Wenna na dahil sa husay niya sa comedy ay napapaangat niya. Hindi kami magtataka na pati si DJ Durano na iniitriga sa kanya ay mai-launch na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Why not?" bulalas ni Direk Wenn. "Kahit hindi ako ang direktor. May isang indie movie na ino-offer kay DJ at talagang bida siya. Sexy nga lang, na palagay ko, kakayanin naman niya.

"Ako naman, I just want to go on with what I'm doing. Sa TV, nabibigyan ako ng chance na sumubok ng ibang klase, gaya ng Maligno. Nagda-drama rin ako minsan sa Maalaala Mo Kaya. By 2009, gusto kong gumawa ng pelikulang drama, yung mabigat talaga ang tema. Para maiba. May ambisyon din akong ganoon, para na rin lang sa self-fulfillment," pagwawakas ng direktor.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nakakahinayang kasi kung hindi mama-maximize yung chemistry ng dalawang lead stars by coming up with situations na mas susundan ng mga manonood at doon matatawa, kesa sa gags o yung comedy na more visual ang dating," explains director Wenn Deramas about his approach while directing his latest movie starring Robin Padilla and Ai-Ai delas Alas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results