“The end of an era.”
Ganito ang sentimyento ng maraming netizens kasunod ng nakakagulat na pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—o mas kilala bilang Tito, Vic & Joey—sa Eat Bulaga! ngayong Miyerkules, May 31, 2023.
Inere ang farewell ng tatlo via Eat Bulaga! YouTube channel at Facebook account.
Hindi umere ang kanilang segment na ito sa telebisyon—partikular sa home network nitong GMA-7—na ang ipinalabas ay old episodes ng noontime show.
Hindi raw kasi silang pinayagang umere nang live.
"Pumasok po kami ngayong araw para magtrabaho, pero di po kami pinayagang umere ng new management nang live. Hindi po kami pinayagang mag-live ng new management," sabi ni Tito.
Hindi malinaw sa kanilang pahayag kung sa mismong Eat Bulaga! sila nagpaalam o sa TAPE Inc. lamang dahil ito lamang ang sinabi ni Vic:
"Simula ngayong araw, May 31, 2023, kami po ay magpapaalam na sa TAPE, Incorporated.
"Karangalan po namin na kami nakapaghatid ng tuwa't saya, mula Batanes hanggang Jolo at naging bahagi ng buhay ninyo.
"Maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Hanggang sa muli! Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa."
Ang TAPE, Inc. ang nagpoprodyus ng Eat Bulaga!.
Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
NETIZENS REACT
Maraming netizens, lalo na ang loyal viewers ng Eat Bulaga!, ang nalungkot sa announcement ng triumvirate hosts.
Nagtatanong sila kung ano ang magiging kapalaran ngayon nina Tito, Vic, and Joey.
Lilipat ba sila ng TV station at bubuo ng sarili nilang noontime show? Dadalhin ba nila ang Eat Bulaga!?
Naiulat dito sa PEP.ph na may usap-usapang lilipat sina Tito, Vic, at Joey sa TV5. "Done deal" na raw ito dahil nagkapirmahan na ng kontrata noong Lunes, May 29.
Hindi lang malinaw kung dala nila ang titulong Eat Bulaga! at kung kasama rin nila ang co-hosts ng show.
Read:
- Eat Bulaga!, bubulaga na sa TV5 ngayong 2023?
- Tito, Vic & Joey magpapaalam na sa 'Eat Bulaga!'; paglipat sa TV5 "done deal na"?
Ang pamamaalam nina Tito, Vic, at Joey ay nag-ugat sa malaking hidwaan nila sa bagong management ng TAPE Inc., sa pangunguna ng may-ari nitong si Romeo Jalosjos at ang tatlong anak niyang sina former House Representative Romeo Jalosjos Jr., Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos, at Soraya Jalosjos
Read:
- EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
- Vic Sotto, nabayaran na ng TAPE; ilang Dabarkads, hindi pa umano nababayaran
JOEY'S CRYPTIC POST
Samantala, ilang saglit matapos nilang magpaalam online ay nag-post sa Instagram si Joey.
Hindi man nagbigay ng paliwanag, malalim at makahulugan ang post ng veteran comedian-host.
Ani Joey: “We’re not signing off… we are just taking a day off!”
Aligned din sa post ni Joey ang IG post ng anak niyang si Jako de Leon.
Ipinost ni Jako ang picture ng TVJ at may caption na hindi naglalaman ng pagtatapos.
Caption ni Jako: "Kahit saan man sila, kami, at tayo dalin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa. 44 YEARS, close to 14,000 episodes, 3 stations, and tens and millions of audiences AND COUNTING. See you on the NEXT round trip mula Batanes hanggang Jolo!"
Kung anu’t anuman, ang ginawang pamamaalam nina Tito, Vic, and Joey ay hindi nangangahulugang nagtatapos na ang kanilang trabaho bilang tatlo sa pinakakilalang noontime-show hosts.
