Malaman at maanghang ang patutsada ni Jako de Leon, anak ni Joey de Leon, kaugnay ng isyung kinasasangkutan ng Eat Bulaga!
May hirit si Jako ukol sa napapabalitang new hosts ng longest-running noontime show na umeere sa GMA-7. Tila may patutsada rin ni Jako sa Kapuso network.
Read: Joey de Leon: “We’re not signing off… We’re just taking a day off!”
Malinaw na ipinagtatanggol ni Jako ang panig ng amang si Joey, na isa sa tatlong haliging host ng Eat Bulaga!—ang dalawa pa ay sina Tito Sotto at Vic Sotto.
Pormal nang nagpaalam sina Tito, Vic, at Joey—kilala rin bilang TVJ—sa TAPE, Incorporated (producer ng Eat Bulaga!) noong May 31, 2023.
Watch: Eat Bulaga, NAGPAALAM NA!?
Dahil sa masalimuot na kaganapang ito, nangangahulugang hindi na lalabas sa Eat Bulaga! ang TVJ.
Nagbitiw at sumunod din sa kanila ang iba pang Dabarkads co-hosts.
Usapin pa rin ngayon kung Eat Bulaga! pa rin ba ang magiging pangalan ng noontime show sa GMA-7.
Ipinaliwanag ni Tito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang titulong Eat Bulaga! ay trademark na pagmamay-ari ni Joey dahil siya ang nakaisip nito.
Dahil dito, wala pang malinaw na kasagutan kung ito pa rin ang pangalan ng show sa GMA-7, o dadalhin ito ng TVJ sa usaping paglipat nila ng TV network.
Read: Tito Sotto claims TVJ owns Eat Bulaga! trademark
JAKO TAKES A SWIPE AT GMA AND NEW HOSTS
Ngayong June 4, 2023, iniulat na ng PEP Troika na pinangalanan na ng ilang press ang mga bagong hosts ng Eat Bulaga! sa GMA simula Lunes, June 5, 2023.
Ang mga lumutang na pangalan ay sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Mavy at Cassy Legaspi, at Alexa Miro.
May posibilidad din daw na makasama si Kim Atienza.
Read: Kim Atienza, kinukuhang "Eat Bulaga" host?; Paolo, Buboy, Betong, kasado na?
Ngayong linggo rin ng hapon ay sunud-sunod ang malaman na tweets ni Jako.
Una munang nag-tweet si Jako tungkol sa halos tatlong dekadang pag-ere ng Eat Bulaga! sa Kapuso network.
Tweet ni Jako (published as is): “For the past 28 long years, our Dabarkads and the REAL Eat Bulaga have been bringing in loyal noontime audiences to the Kapuso network. (Not to mention OFW audiences to PinoyTV)."
Pero nawalan daw ng tahanan ang Dabarkads nang mag-anunsiyo ang TVJ noong May 31.
Sabi ni Jako: “Until a couple of days ago when all of a sudden they apparently didn’t belong anymore.
"June ’23, the Dabarkads, creatives, staff, majority of its crew down to loyal security guards are back on the move to find a new place to call home once again for their historical show.”

Makahulugang hirit ni Jako: “End of the day, principles, loyalty, honor, & virtue hopefully are qualities that still matter.”
May iniwan din siyang mensahe para sa mga bagong hosts na papalit sa Dabarkads.
“And for all the ‘new’ hosts. Please, I’d appreciate it if you spare us the crocodile tears and pseudo-sentiments towards the show and the fans.
“Just do what your paid to do. Thanks!”
Ipinost din ito ni Jako sa kanyang IG Story at may dagdag na caption.
Aniya: “Sama nyo na Delicadesa, Dignity and Respect.”

Samantala, sinabi ni GMA Network Senior Vice President Annette Gozon-Valdes na “hands off” sila sa isyu ng TVJ at TAPE. Inc.
Giit ni Annette, internal issue ang nangyayari sa pagitan ng TVJ at TAPE. Inc. at wala raw silang kinakampihan.
Ang kontrata raw ng network ay with TAPE. Inc., na siyang bumibili ng block time sa TV Network para umere sa Eat Bulaga!
Kaya hindi nila hawak ang TVJ dahil wala silang kontrata kasama ang tatlo.
Samantala, sinabi rin ni Annette na willing ang Sparkle GMA Artist—talent management arm ang Kapuso networ—na magpahiram ng talents sa noontime show.
Sabi ng GMA executive, "Kung wala namang conflict at pumapayag yung talents, why not, di ba?
"Kasi it's really a separate business and kung mabibigyan naman ng trabaho yung talents namin, why not."
