Ngayong Lunes, June 5, 2023, bago na ang mga mukha na sumalang sa entablado ng Eat Bulaga! Dabarkads.
Pinangunahan ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang bagong hosts, at kasama niya ang comedians na sina Betong Sumaya at Buboy Villar.
Kasama rin ang twins na sina Cassy at Mavy Legaspi, pati na ang dating Tropang Lol host na si Alexa Miro.
Halos 30 minutos ang itinagal ng opening number kunsaan nasaksihan ang solo song number nina Paolo at Alexa, at sinamahan ng dance showdown ng Legaspi twins.
Puno ang studio ng live audience.
Masiglang unang pagbati ni Paolo, "Dabarkads, tara!"
Sabay-sabay na hiyaw ng hosts, "Eat Bulaga!"
Maya-maya pa ay dugtong ni Paolo patungkol sa viewers, "Kayo po ang dahilan kaya tuluy-tuloy lang. Nandito tayo dahil gusto natin araw-araw masaya!"
Live ang telecast sa APT Studio sa Marcos Highway, Cainta, Rizal.
Ito ang unang araw ng pag-ere ng Eat Bulaga! mula nang kumalas ang pamosong Triumvirate na TVJ, o sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
Wala na rin ang paboritong Dabarkads na JoWaPao o sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros. Wala na rin sina Maine Mendoza, Allan K, Ryzza Mae Dizon, at Ryan Agoncillo.
Mabilis ang reaksiyon ng Eat Bulaga! fans na hindi maiwasang ma-miss ang kanilang mga sinusubaybayang idolo.
ON EAT BULAGA! PRODUCER
Ang TAPE Inc, ang producer ng Eat Bulaga!
Aktibong namumuno sa daily operations mula noong Marso ay ang magkakapatid na Jon-Jon, Bullet, at Soraya Jalosjos.
Sa unang arangkada ng exclusive interview ng PEP.ph, lumantad sina Jon-Jon at Bullet para ihayag ang kanilang panig tungkol sa pag-exit ng TVJ at ibang main hosts ng Eat Bulaga!.
Naganap ang interbyu noong Sabado, June 3, 2023, na rehearsal day ng bagong hosts ng noontime show.
Naroon sina Paolo, Betong, at Buboy noong Sabado ng hapon, pati na ang produksiyon ng Eat Bulaga! na karamihan daw ay nagpaiwan at hindi sumama sa "exodus" ng TVJ.
Abangan ang buong detalye sa PEP.ph.
WATCH! Part 1 of PEP Interview with Jon-Jon and Bullet Jalosjos:
MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR
- EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
- EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"
- Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."
- (UPDATED) Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE
- Tito Sotto says transfer to TV5 not a done deal; other options on the table
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon draws flak for “Francise M” joke
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon: “We’re not signing off… We’re just taking a day off!”
- FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'
- TVJ & Tony Tuviera applied as one group for Eat Bulaga! trademark
- Tito Sotto claims TVJ owns Eat Bulaga! trademark
- Kim Atienza, kinukuhang "Eat Bulaga" host?; Paolo, Buboy, Betong, kasado na?
