Dabarkads are now officially Kapatid!
Tinuldukan na sa wakas nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—kilala rin sa tawag na TVJ—ang mga haka-haka ukol sa kanilang magiging bagong tahanan.
Umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa netizens ang balitang mapanood na sila sa bago nilang tahanan—ang TV5.
Sa kasalukuyan, nasa top trending topic list sa Phillippine Twitter ang #EatBulagaTV5.
Tweet ng isang netizen, "Excited na ako sa pagbabalik ng mga #LegitDabarkads sa #EatBulagaTV5. Ito ang comeback na gusto ko."
Saad ng isa, "One thing is for sure, TV5 will be very blessed now that it is Eat Bulaga, TVJ, and the dabarkads' new home. #EatBulagaTV5."
Hindi makapaniwalang sabi ng isa npa (published as is), "Grabe naalala ko sa TV5 pa ako nanonood ng wow mali dati, ngayon eat bulaga naman papanoorin ko. Nakakatuwa naman talaga.
"Sana dumami pa ang dabarkads at marami pa rin kayong tulong na maiabot sa mga Pilipino. Celebrate natin ang ang #EatBulagaTV5."
Sambit pa ng isa, "Ang saya naman. God bless TVJ with their OG casts on their new home and new station. Cheers for more years to come."
Noong May 31, 2023, inanunsiyo ng TVJ sa publiko ang pagkalas nila sa TAPE Inc., ang producer ng longest-running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga!.
Sumunod ding nag-resign sa TVJ ang Eat Bulaga! co-hosts nna sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, at Maine Mendoza.
Ngayong Miyerkules, June 7, 2023, isang pasabog ang inanunsiyo ng TVJ nang kumpirmahin nila ang paglipat sa TV5.
Ito ay matapos nilang makipag-deal sa MediaQuest Group, ang parent company ng TV5.
Read: TVJ officially transfers to TV5 after 'Eat Bulaga!' exit
Ikinatuwa ito ni MediaQuest President and CEO Jane Basas.
Aniya, isang karangalan para sa kanila na mapili ng TVJ na maging bago nilang tahanan.
"I'm honored that these pillars of the Philippine entertainment industry have agreed to work with us.
"Our partnership strengthens our ability to continue to deliver the best for Filipino viewers here a home and all over the world.
"I'm happy that Tito, Vic, and Joey will now call TV5 their home," pahayag ni Basas.
Read: TVJ noontime show sa TV5, 'Eat Bulaga!' rin ang title; It's Showtime, nasipa sa TV5 noontime slot
MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR
- TAPE execs Jon and Bullet Jalosjos divulge "questionable expenditures" in Eat Bulaga!
- Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out
- EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
- EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"
- Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."
- (UPDATED) Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE
- Tito Sotto says transfer to TV5 not a done deal; other options on the table
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon draws flak for “Francise M” joke
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon: “We’re not signing off… We’re just taking a day off!”
- FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'
- TVJ & Tony Tuviera applied as one group for Eat Bulaga! trademark
- Tito Sotto claims TVJ owns Eat Bulaga! trademark
- Kim Atienza, kinukuhang "Eat Bulaga" host?; Paolo, Buboy, Betong, kasado na?