PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey de Leon on TAPE Exit and 'Eat Bulaga!' Call

Joey de Leon on one of their advertisers: "Three years ata ang in-advance nila."
by Arniel C. Serato
Published Jun 7, 2023
Joey de Leon reacts on TVJ disengaging from TAPE
Veteran comedian-host Joey de Leon cries on national TV: "Kaya ako naiyak, Julius, Cheryl, ako yung nakaisip nung title ['Eat Bulaga!'], e, ngayon ko ipagyayabang. Pero hindi ako kumibo.”
PHOTO/S: Courtesy: Frontline Pilipinas on YouTube

Masaya si Joey de Leon na humarap nang live sa primetime newscast ng TV5 na Frontline Pilipinas ngayong Miyerkules, June 7, 2023.

Tila may linaw na raw kasing matupad ang pangarap nilang umabot ng 50 taon ang noontime show nila nina Tito at Vic Sotto, ang Eat Bulaga!, sa ilalim ng siyam na presidente at lumibot sa apat na TV stations.

Ang Eat Bulaga! ay unang umere sa RPN 9 (1979-1989), lumipat ng ABS-CBN (1989-1995), tumawid ng GMA-7 (1995-2023). At ngayo'y posibleng mapunta sa TV5—kung maplantsa nila ang isyu sa trademark nito.

Read: TVJ officially transfers to TV5 after 'Eat Bulaga!' exit

Ayon kay Joey, may mga bago silang segment na i-introduce at mananatili pa rin ang mga sikat nilang portions nang sa GMA-7 pa napapanood ang noontime show nila.

Bago magtapos ang panayam nina Cheryl Cosim at Julius Babao, tinanong ng una si Joey ukol sa pagkalas ng TVJ sa TAPE Inc. matapos ang 44 taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

Tanong ni Cheryl, “Masakit ba ang hiwalayan? Did you expect it na aabot po sa ganito?”

Tugon ng beteranong TV host-comedian, “A, nagulat nga kami, actually, sa totoo. Well, ang hirap anuhin, e, hanggang ngayon naguguluhan nga ako bakit nangyari, e, pero...

“Well, sabi nga ng isang kaibigan namin yung tungkol sa rejection, ‘Rejection is God’s redirection.’”

Tanong pa ulit ni Cheryl, “At sabi nga po ni Tito Sen [Tito Sotto], ikaw daw ang mas umiyak, talagang naiyak po dito sa mga pangyayari?”

Tugon ni Joey, “Hindi ko alam kung gusto ko ikuwento pero umiyak ako nung second day [June1].”

Sa puntong ito ay tumulo ang luha ni Joey kaya nagmuwestra siyang time-out muna sandali.

Patuloy niya, "Sorry, totoo to. Dahil tumawag, nag-text sa akin si Susan Co. Si Susan Co, kilala niyo yung taga-Puregold.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyakin talaga ako, e. Nag-text sa akin, ang sabi niya, ‘Are you okay?’ Ang gulo, e. So, tinawagan ko.

“Tinawagan ko, sabi ko, ‘Okay, we’re okay.’ Tapos, binanggit ko, ‘O, kayo, okay ba kayo?’

"Ako naman bumaligtad kasi nabalitaan ko na parang nag-advance [payment] na sila ng malaking subscription ba tawag o ano, hindi ako marunong sa mga sales, e.

“Three years ata ang in-advance nila sa show namin [sa GMA-7].

“Biglang kinut ako, nagalit, sabi niyang ganun, ‘No, hindi importante sa amin yun. Hindi importante sa amin yun, bahala kami sa ginagawa namin. Ang gusto naming malaman ay kung okay kayo.’

"Umiyak na ako. Hindi ko alam ang mangyayari, e.

“Ang dami pa sumunod nun. Salamat sa lahat, hindi lang kina Susan, kina Vincent, at salamat sa lahat ng mga tao na nabasa namin, nagulat nga kami.

“Sabi ko nga kay Tito, ‘Ano ba to kung kailan tayo tumanda dun tayo pinag-usapan?’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kaya ang sabi ko, ‘To, ayos din to. Tayo na ang pinakamagandang halimbawa ngayon ng may pinagkatandaan.'

“Kaya ako naiyak, Julius, Cheryl, ako yung nakaisip nung title, e, ngayon ko ipagyayabang. Pero hindi ako kumibo. Sabi ko, 'Sige.'”

Dito muli niyang ikinuwento kung paano niya nabuo ang titulong Eat Bulaga!.

Kapansin-pansin naman ang "WOW LIMA" na nakasulat sa T-shirt ni Joey habang ini-interview siya.

MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran comedian-host Joey de Leon cries on national TV: "Kaya ako naiyak, Julius, Cheryl, ako yung nakaisip nung title ['Eat Bulaga!'], e, ngayon ko ipagyayabang. Pero hindi ako kumibo.”
PHOTO/S: Courtesy: Frontline Pilipinas on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results