PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allan K, Ryan Agoncillo Challenge Jalosjos

“Paano bang hindi pinapapasok? Hindi ko maintindihan.”
by KC Cordero
Published Jun 11, 2023
Photo of Dabarkads
Sa pagkakaalam nlla Allan K at Ryan Agoncillo, hindi totoong hindi nakakapasok sa kanilang dressing room ang TAPE executives. "Maybe that instance na naka-lock. Siguro yun yung nagpe-pray kami or... I don't know. I have no idea kung kailan nangyari yun na hindi pinapapasok.”
PHOTO/S: @allan_klownz, @ryan_agoncillo Twitter

Pinabulaanan nina Allan K at Ryan Agoncillo ang pahayag ng top executives ng Television and Production Exponents Inc., ang producer ng Eat Bulaga!, na hindi pinapayagang makapasok ang mga ito sa dressing room ng hosts.

Sina Allan K at Ryan ay original mainstays ng Eat Bulaga!

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 3, 2023, idinetalye ng magkapatid na Jon at Bullet Jalosjos ang diumano'y kawalan ng respeto sa kanila ng Eat Bulaga! hosts at ilang production people na mataas ang posisyon sa show.

Si Jon ang president at CEO ng TAPE Inc., habang si Bullet ang chief finance officer at spokesman ng kumpanya.

READ: Jon and Bullet Jalosjos open up about being treated like outsiders by Eat Bulaga! hosts, production biggies

MJ Marfori during the interview

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi maintindihan nina Allan K at Ryan kung anong pinanggalingan ng alegasyon ng Jalosjos brothers.

Nakapanayam ng entertainment reporter na si MJ Marfori ang Dabarkads na sina Allan K, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon at Carren Eistrup sa OnePH noong June 8, 2023.

Dito naungkat ang tungkol sa isyung hindi pinapapasok sa dressing room ang mga executives ng TAPE Inc.

Tanong ni MJ, “Allan, ano ba yung totoo dun?”

Photo of Allan K

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Jon and Bullet Jalosjos open up about being treated like outsiders by Eat Bulaga! hosts, production biggies

Sagot ni Allan, "Paano bang hindi pinapapasok?

“Hindi ko maintindihan. E, they are free naman to pasok, labas-pasok, sa dressing room namin.

"Maybe that instance na naka-lock. Siguro yun yung nagpe-pray kami or... I don't know. I have no idea kung kailan nangyari yun na hindi pinapapasok.”

Hiningan din ni MJ ng pahayag si Ryan kung may maidadagdag ito sa sinabi ni Allan.

Ayon naman kay Ryan, "Ang totoo po kasi niyan, MJ, pag dumarating ako sa Eat Bulaga!, ang una ko talagang hinahanap, ito [Allan K].

"Totoo ito, nag-aalmusal kami ni Allan. Sabay kami hangga't maaari.

Read also: Wally Bayola on joining TVJ's 'exodus' from TAPE: “Kung saan yung TVJ, dun ako.”

Susog naman ni Allan, “Pag may naunang nag-almusal, nag-aaway pa kami.”

Natatawang sambit ni Ryan, “May ganun...”

Balik sa isyu, seryosong pahayag ni Ryan, “Hindi ako maka-comment sa hindi pinapapasok dahil, as far as I'm concerned, as far as the Dabarkads are concerned, ano kami, e, communal nga yung dressing room namin, actually.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So, I don't... I have no idea about who's getting locked out or not.

"But as far as I know, lagusan ang aming makeup room.”

Read also: Maine Mendoza on resigning from TAPE: “Wala sa amin pinilit.”

Photo of Dabarkads

Read also: Joey de Leon reveals TAPE wants Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Paolo Ballesteros, and Maine Mendoza out of “old” 'Eat Bulaga!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALLAN K ON CURRENT JOB STATUS: "JOBLESS"

May 31 nang tumiwalag ang TVJ sa TAPE Inc., at kasabay nila ang ilang original Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, at Ryzza Mae Dizon.

June 7 nang inanunsiyo ng MediaQuest, ang may-ari ng TV5, na lumipat na ang TVJ sa Kapatid Network.

Ayon naman kay Allan, "jobless" siya at ibang Dabarkads sa ngayon.

“But we’re looking forward to a better future na naghihintay sa amin diyan sa TV5.”

Tsika naman ni MJ, "Balita ko yung kontrata niyo raw, malapit na. Naku, nasilip ko kahapon! Sinilip! Oo, malapit-lapit na iyan."

Biro ni Allan, "Tsismosa."

Sagot naman ni MJ, "Oo, medyo ganoon talaga ang branding natin dito."

Dagdag pa ni MJ, "Ang nakakatuwa rito, yung mga studio niyo rito, inire-ready na rin."

Sa huli, sinabi ni Allan na naka-move on na ang Dabarkads sa pagkalas nila sa TAPE Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala, e. Nangyari, e," sabi lang ng comedian.

Ayon naman kay Ryan, na nagsabing kaedad niya ang 44-year-old noontime show, happy siya na nakatagpo ang kanilang grupo ng bagong tahanan sa TV5.

MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagkakaalam nlla Allan K at Ryan Agoncillo, hindi totoong hindi nakakapasok sa kanilang dressing room ang TAPE executives. "Maybe that instance na naka-lock. Siguro yun yung nagpe-pray kami or... I don't know. I have no idea kung kailan nangyari yun na hindi pinapapasok.”
PHOTO/S: @allan_klownz, @ryan_agoncillo Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results