PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kyline Alcantara defends Mavy Legaspi, new hosts of 'Eat Bulaga!'

Kyline Alcantara: "Work is work. They are just all there to work."
by Bernie V. Franco
Published Jun 12, 2023
Kyline Alcantara and Mavy Legaspi
Kyline Alcantara on Mavy Legaspi being a new host of 'Eat Bulaga!': “Alam ko naman po yung isa sa mga rason niya kung bakit niya tinanggap ito."
PHOTO/S: Bernie Franco / GMA Network

Ipinagtanggol ni Kyline Alcantara ang rumored boyfriend na si Mavy Legaspi sa matinding bashing na natatanggap nito at iba pang bagong hosts ng Eat Bulaga! sa GMA-7.

Sina Mavy, Cassy Legaspi, Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, at Alexa Miro ang bagong hosts ng Kapuso noontime show.

Subalit matinding batikos ang nakukuha nila at ikinukumpara sa original Eat Bulaga! hosts na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey d Leon—kilala rin sa tawag na TVJ.

Read: New 'Eat Bulaga! host Paolo Contis appeals to the public: "I hope you give us a chance..."

Ayon kay Kyline, na naging guest co-host ng noontime show bago mangyari ang isyu, ginagawa lamang ng bagong EB hosts ang kanilang trabaho at tanggap ng mga itong hindi nila kayang palitan ang original hosts.

Ani Kyline, “Work is work. They are just all there to work.

“They have so much respect for the TVJ and the original hosts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“’Cause malaki po silang parte ng mga buhay ng bawat Pilipino dahil nakatulong sila, nagpapasaya sila and now mako-continue pa po iyon, e.

“So, I’m really happy kasi I’m a fan of Eat Bulaga!

Iginiit din ni Kylie ang suporta niya kay Mavy dahil alam niyang wala itong masamang intensiyon.

“Alam ko naman po yung isa sa mga rason niya kung bakit niya tinanggap ito kasi gusto niya pong mag-improve sa isa sa mga talents niya, which is hosting.

“And I’m just so proud of him and I know Mav. Grabe talaga respect niya, of course, sa original hosts, and same with me dahil nakasama ko po sila.”

Ano naman ang maipapayo niya kay Mavy sa hosting stint nito sa kabila ng matinding bashing.

Ani Kyline, “As long as you know your intention, as long as you know your purpose doon sa show na yon, just keep going.

“As long as alam mong wala kang inaapakang tao, and alam mo naman sa sarili mo na you have respect and wala kang papalitan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi hindi mo sila mapapalitan, e. They’re icons already.

"So, yun lang naman po yon. Again sabi nga nila, work is work.”

Sa hiwalay na interview, sinabi ni Mavy na suportado siya at ang kakambal na si Mavy ng kanilang mga magulang na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa kanyang hosting stint sa Eat Bulaga!.

Read: Mavy Legaspi speaks up about hosting revamped 'Eat Bulaga!'

Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at iba pang reporters si Kyline sa presscon ng LUV IS: Love at First Read, ang upcoming Kapuso Wattpad-based series na pinagbibidahan nila ni Mavy.

REAL SCORE WITH MAVY: “DAHAN-DAHAN LANG.”

Nangiti naman si Kyline nang matanong sa totoong status ng relasyon nila ni Mavy, na madalas itanong sa kanya at sa kanyang leading man.

“Special friendship, super-duper friendship,” ngiti ng Kapuso actress.

“Kasi we’re taking things really, really slow. Ayaw naming madaliin yung kung anuman ang nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayaw naming madaliin, ayaw naming magkaroon ng peer pressure sa aming dalawa dahil lang love team kami. Kailangan dahan dahan lang.”

Samantala, ang LUV IS: Love at First Read ay mapapanood na sa GMA-7 simula June 12, mula Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara on Mavy Legaspi being a new host of 'Eat Bulaga!': “Alam ko naman po yung isa sa mga rason niya kung bakit niya tinanggap ito."
PHOTO/S: Bernie Franco / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results