Bakas ang kasiyahan ni Cristine Reyes, 34, sa inilabas niyang video ng bonding moments nila ng nobyong si Marco Gumabao, 28.
Read: Cristine Reyes's ex-boyfriends and the one who made her fall in love again
Noong Linggo, June 11, 2023, ipinost ni Cristine sa Instagram ang pagbisita niya sa bahay ng pamilya ni Marco.
Tuwang-tuwa si Cristine sa pakikipaglaro sa mga alagang aso ng nobyo, at kasabay nito ang pakikipaglambingan niya kay Marco.
Habang sila ay nakaupo sa sofa ay masuyong hinagkan ni Marco si Cristine, at kitang-kita sa aktor ang sweetness niya sa nobya nang halikan niya ito sa pisngi.
Base pa rin sa video, ganun din ang sweetness ni Cristine nang gantihan niya ng halik sa pisngi ang nobyo.
Kasama rin sa video clip na binahagi ni Cristine ang pakikipag-bonding niya sa mommy ni Marco at kapatid na si Michelle Gumabao.
Magkakasama raw silang nagsimba at nananghalian.
Mahihinuhang mainit ang pagtanggap ng pamilya ni Marco kay Cristine, base na rin sa kumportableng kilos ng aktres.
Sa caption ng kanyang post, ibinahagi rin ni Cristine ang mensaheng nakuha niya mula sa Sunday service na dinaluhan nila ni Marco.
Aniya, "Sunday Reflection: What are the things that pushes you towards God and what are the things that pulls you away from Him?"
Nilapatan din niya ito ng hashtag "#ShakenButNotBroken."
March 1 nang unang mag-viral ang mga litrato nina Cristine at Marco na nagwu-workout sa Siargao.
March 21 nang iulat ng PEP.ph ang info mula sa isang source na nakakita sa dalawa na magka-holding hands habang tumatawid sa pedestrian lane sa isang high-end mall sa Makati City.
Read: Marco Gumabao, Cristine Reyes spotted holding hands in Makati
March 25 nang kumpirmahin ni Marco na nagde-date sila ni Cristine.
Read: Marco Gumabao reveals relationship status with Cristine Reyes
April 24 nang tuluyang kumpirmahin ng couple ang kanilang relasyon nang ibahagi ni Marco ang sweet photos nila ni Cristine sa Instagram.
Read: Instagram official: Marco Gumabao calls rumored girlfriend Cristine Reyes “my home”
