PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabiya Mateo's Search for Lost U.S. Father

"Even yung mga kasing-last name niya na taga-Chicago mine-message ko..."
by Rommel Gonzales
Published Jun 14, 2023
Rabiya Mateo and her long-lost dad
Rabiya Mateo on her biological father: "Gusto ko lang ma-meet siya kasi wala naman po akong kailangan sa kanya. I have money na, naka-provide na ako sa pamilya ko. I just wanna know him. And I just wanna know if he’s okay, kasi kung hindi, I’m gonna be the daughter that he needs."
PHOTO/S: @rabiyamateo Instagram

Nais makita ni Rabiya Mateo, 26, ang kanyang ama kaya muli niya itong hahanapin.

Ang biological father ni Rabiya ay isang Indian-American national na nagngangalang Mohammed Abdullah Syed Moqueet Hashmi. Habang ang kanyang ina na si Christine Occeña ay isang Ilongga.

Limang taong gulang pa lamang si Rabiya nang umalis ang kanyang ama, at mula noon ay hindi na niya ito nakita.

Anumang komunikasyon, ni sulat, ay wala raw siyang natanggap mula rito.

"Ang alam ko nasa U.S. po siya, last state niya was Chicago," kuwento ni Rabiya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"I tried to look for him, even yung mga kasing-last name niya na taga-Chicago mine-message ko.

"Pero sad ending talaga palagi. Like, they don’t know my dad."

Hindi raw siya nawawalan ng pag-asang muling makita at makausap ang kanyang ama.

Ani Rabiya, "Kasi in my heart I can feel na I'm gonna see him."

May hinanakit ba siya sa ama sa pag-iwan nito sa kanila ng kanyang ina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi, hindi na po galit, hindi na," sagot ni Rabiya.

ON PLAN TO LOOK FOR HER DAD

Noong Miss Universe 2020, na ginanap sa Hollywood, Florida, noong May 16, 2021, hindi pinalad si Rabiya na mauwi ang korona pero nakaabot siya sa Top 21 finalists.

Naisip noon ni Rabiya na hanapin ang ama habang siya ay nasa U.S.

"Pero during that time, iba yung priority, like meet and greet, compete. Yung mindset nasa competition dapat, I have to win.

"And nung kailangan ko nang umuwi, wala namang tsansa na kasi wala nang oras.

"So, siguro ngayon na I have the resources na, gusto kong maglaan po sana ng at least one month to be there and to look for him."

Nabanggit na rin daw ito ni Rabiya sa nobyo niyang si Jeric Gonzales.

"Kung papayagan ng schedule, I was… pinag-usapan namin ni Jeric, probably mga, during my birthday, November, kung papayagan ng management, gusto kong pumunta sa U.S.A.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rabiya Mateo and Jeric Gonzales: A relationship timeline

Nang manalo si Rabiya bilang Miss Universe Philippines 2020, umingay ang kanyang pangalan.

Hindi ba niya naisip na bakit hindi gumawa ng paraan ang ama niyang mag-reach out sa kanya?

"Marami din pong nagsabi nun," pag-amin ni Rabiya.

Sabay katuwiran niya, "Pero ako po, parang positive energy pa rin yung meron ako in my heart, na he has his reason kung bakit. And instead of judging him, I need to understand him.

"Kasi matanda na po ako, kung magagalit ako sa tatay ko, ako lang din po yung matatalo. That pain can turn me into a monster."

Wala raw siyang ibang intensiyon kundi maayos ang relasyon sa ama.

"So, ngayon, gusto ko lang ma-meet siya kasi wala naman po akong kailangan sa kanya. I have money na, naka-provide na ako sa pamilya ko, I just wanna know him.

"And I just wanna know if he’s okay, kasi kung hindi, I’m gonna be the daughter that he needs," ang nakangiting saad ni Rabiya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung sakaling hindi na niya matagpuan at muling makapiling ang ama niya, nakahanda ba ang kalooban ni Rabiya?

“I’m gonna be very sad about it pero ipapasa-Diyos ko na lang. If hindi ko na siya makikita, babawi na lang ako sa pamilyang bubuuin ko," sagot ng beauty queen-actress.

ON CHANGES IN MISS UNIVERSE

Sa kabilang banda, hiningan namin ng opinyon si Rabiya tungkol sa regulasyong pinapayagan nang sumali sa Miss Universe Philippines at sa Miss Universe ang mga kandidatang may asawa, may anak, at transgender.

"Alam niyo po, yung Miss Universe Organization, they’re all after inclusivity.

"Kasi yung tanong pag nagkaanak ka na ba, stop na ba yung pagiging matatag mong babae?

"Ngayon, they want to include everybody, and I know maraming magtataas ng kilay because iba yung nakasanayan nila. Iba yung nakasanayan natin," paliwanag ni Rabiya.

Dagdag niya, "Pero change is good, and this change is a powerful message.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So ako, personally, I’m all for it kasi hindi naman ibig sabihin na pag nanay ka, ikaw agad yung panalo. Still, you have to compete.

"And yung mga nanay natin, transwomen, you know, married women, they have a powerful story to share, and ganun po yung essence of beauty pageants, to be transformative."

Read: Miss Universe 1969 Gloria Diaz, hindi pabor sa pagsali ng mga misis sa Miss Universe

ON NEW kapuso PRIME-TIME SERIES

Nakapanayam ng PEP.ph si Rabiya sa mediacon ng Royal Blood noong June 9, Biyernes, sa Luxent Hotel sa Quezon City.

Ito ang bagong prime-time series ng GMA-7 kunsaan gaganap si Rabiya bilang Tasha.

Sa direksiyon ni Dominic Zapata, ang Royal Blood ay pinagbibidahan ni Dingdong Dantes bilang si Napoy.

Kasama rin sina Megan Young (bilang Diana), Mikael Daez (bilang Kristoff), Dion Ignacio (bilang Andrew), Lianne Valentin (bilang Beatrice), at Rhian Ramos (bilang Margaret).

May mahalagang papel naman sa serye si Tirso Cruz III bilang si Gustavo Royales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa cast din ng Royal Blood sina Ces Quesada (bilang Aling Cleofe), Benjie Paras (bilang Otep), Carmen Soriano (bilang Camilla), at Arthur Solinap (bilang Emil).

Kasama rin sa serye ang Sparkle Teens na sina James Graham (bilang Louie), Aidan Veneracion (bilang Archie), Princess Aliyah (bilang Anne), at ang child actress na si Sienna Stevens (bilang Lizzie).

Mapapanood ang Royal Blood simula June 19, weeknights, 8:50 p.m. sa GMA at 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes at 11 p.m. tuwing Biyernes sa GTV.

More hot stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabiya Mateo on her biological father: "Gusto ko lang ma-meet siya kasi wala naman po akong kailangan sa kanya. I have money na, naka-provide na ako sa pamilya ko. I just wanna know him. And I just wanna know if he’s okay, kasi kung hindi, I’m gonna be the daughter that he needs."
PHOTO/S: @rabiyamateo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results