PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joel Saracho's top-notch performance in Virgin Labfest play

Virgin Labfest 18: Hitik now playing at Tanghalang Ignacio Jimenez.
by Jerry Olea
Published Jun 15, 2023
virgin labfest 18
"Tuloy Ang Palabas" and "Dominado Gonzales: National Artist" are two of the featured plays in the ongoing Virgin Labfest 18: Hitik at Tanghalang Ignacio Jimenez.

Nasa ikalawang linggo na ang Virgin Labfest 18: Hitik (VLF18) sa bagong tahanan nitong Tanghalang Ignacio Gimenez (TIG) o CCP Black Box Theater.

Tatlong linggo ngayong taon ang festival ng labindalawang bagong one-act plays, plus three “revisited” plays na itinanghal sa previous year ng VLF.

Read: Sold-out tickets sa Virgin Labfest 17, senyales ng pagbalik-sigla sa teatro

Ang labinlimang (15) dula ay kinumpul-kumpol sa limang set na may tigtatatlong dula. Hunyo 7-11 ang unang linggo ng VLF18. Hunyo 14-18 ang mid-week, at Hunyo 21-25 ang huling linggo.

virgin labfest 18

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahigpit na ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask sa loob ng teatro. Bawal magkuha ng litrato o video.

State-of-the-art ang Tanghalang Ignacio Jimenez. Mas malaki kumpara sa Tanghalang Huseng Batute na dating tahanan ng VLF.

Bahagi ng dramaturgical notes sa souvenir program ng festival co-director na si Tess Jamias, “We insist on art that questions, provokes and inspires.

“Performance-making is vital in the growth and shaping of our culture, our people.” Never forget, ikanga.

REBELasyon

Itinanghal nitong Hunyo 14, Miyerkules, ang Set B (2:00 p.m.) at Set C (8:00 p.m.).

Ang mga dula sa Set B: REBELasyon ay Tuloy Ang Palabas (akda ni Layeta Bucoy, idinirek ni Tuxqs Rutaquio), Dominador Gonzales: National Artist (akda ni Dingdong Novenario, idinirek ni George de Jesus III), at Ang Awit ng Dalagang Marmol (akda ni Andrew Estacio, idinirek ni Nazer Degayo Salcedo).

Ang Tuloy Ang Palabas ay inspired ng isang passage sa kabanatang “Bisperas ng Pista” sa nobelang Noli Me Tangere (1887) ni Dr. Jose Rizal. Ratsada ang balitaktakan dito ng dalawang karakter na sina Solita (Shamaine Buencamino) at Adeling (Rissey Reyes-Robinson).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

tuloy ang palabas

Bardagulan ng tsismis at katotohanan ang Dominador Gonzales: National Artist. Wagi ang one-liners ni DMon (Joel Saracho), partikular ang pagbulalas niya ng “Hitik!”

Complementary ang dynamics nila ng ex-lover na si Oliver (Riki Benedicto), at nakakadarang ang mga ngiti at hirit ng sariwang si Edward (AJ Sison).

dominador gonzales

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinimay sa Ang Awit ng Dalagang Marmol ng tinaguriang Kundiman ng Himagsikan na Jocelynang Baliwag. Patok ang nuances ng Direktora (Adrienne Vergara), na nawindang sa mga pagbubunyag ng Dramaturg (Kath Castillo).

Maayos sa timpla ang supporting characters na Aktres (Jasmine Balunes), Aktor 1 (Andrew Cruz), Aktor 2 (Enzo Lapresca), Pianista (Dane Hinol), Matandang Pepita Tiongson (Peewee O’Hara), ASM 1 (Don Jeremy), at ASM 2 (Cris Jay Malipot).

ang awit ng dalagang marmol

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

More or less ay 80 percent ng mga upuan ang okupado. Kabilang sa mga nanood ng Set B sina Direk Andoy Ranay, Direk Jerrold Tarog, CCP President Margie Moran-Floirendo, at young actor Noel Comia Jr.

JOEL SARACHO

Sakdal husay si Joel Saracho bilang title role sa Dominador Gonzales: National Artist. Nakakatawa, nakakatuwa!

Si DMon o Dominador Gonzales ay isang playwright, na sabi-sabi ay malapit nang kilalanin bilang Pambansang Alagad ng Sining. Ang mga dula ni DMon ay tumalakay sa mga pagsubok at paglalakbay ng baklang Pilipino, halimbawa’y Miss Gay Saigon at Currachina, Ang Baklang Walang Pahinga.

Meron bang partikular na taong pinatututungkulan o tinutumbok ang nagsulat ng dula?

Pag-amin ni Joel, “Hindi ko alam sa nagsulat kung meron. Pero ano naman yun, e, marami diyan, mga tsismis within the art community. Mga ganun, mga usap-usapan.

“Nobody specific, but it’s all talks sa loob ng industriya.”

Para kasing pinatatamaan ang multi-awarded writer na si Ricky Lee?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ahh hindi naman! Hindi! Malayo. Malayo actually yung kuwento,” pahayag ni Joel.

“Hindi naman siya. In fact, I don’t think may specific na National Artist. Parang it’s the art community.

“Ipagpapalit mo ba iyong dignidad mo bilang artist in being co-opted by the status quo? I think yun ang mensahe ng play.”

joel saracho

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakaaliw iyong tungkol sa kaso ni Roderick Paulate. Together forever!

“Sorry, Dick! Nasa script! Gusto ko nga siyang in-invite, e… alam na alam mo yung audience, pag may malakas na tawa dun sa part na yun,” lahad ni Joel.

“Ahh, maraming taga-showbiz na nandito.”

Ano ang pananaw niya sa pagtangkilik ngayon ng mga tao sa teatro?

“Buhay na buhay ang theater ngayon, ang mga performance. Sabay-sabay. Meron kang Ang Huling El Bimbo, merong Ibarra. Merong Pride plays,” saad ni Joel.

“Tapos ito. So ibig sabihin, ano na… nasabik talaga yung mga tao sa live performers.”

Pero ang pelikulang Pinoy, malungkot pa rin sa takilya.

“Ang pelikula, malungkot pa rin. Pero kasi, ang pelikula, meron kang alternative, e. Meron kang Netflix,” pagmamatuwid ni Joel.

“Andaming streaming platforms na mas mura. Sa halagang P200, P300, andami nyo nang makakapanood.”

Medyo mahal ang premium pass sa VLF18, huh! P3,000, pero may libreng souvenir program, unang pinapapasok, meron pang pa-juice minsan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ibang karanasan lagi ang theater,” sambit ni Joel.

NOEL COMIA JR.

Naging bahagi ng 2120 online edition ng VLF si Noel Comia Jr., na co-star ni Maja Salvador sa TV5 drama series na Niña Niño.

Pahayag ni Noel, “This is my first time watching Virgin Labfest in real life po. Kasi my first experience in VLF was in Blackpink directed by Jethro Tenorio, written by Mr. Tyron Casumpang. Online po yun.

“Nakaka-miss po yung ganitong face-to-face na live. Kasi, ramdam na ramdam mo po yung actors and yung story.”

Hindi ba masyadong mature for his age ang takbo ng mga kuwento sa VLF?

Napangiti si Noel, “Hindi naman po, kasi 19 na rin po ako. I feel like ano rin po, kailangan din po siyang mapanood ng maraming tao, especially ng mga kabataan.

“Kasi kahit na po may sensitive topics, importante pong malaman ng mga kabataan iyong mga ganitong sensitive topics para maging mas mulat sila sa ganitong world po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun po ang experience ko, very fulfilling as an actor na ma-experience ang Virgin Labfest, and it was so exciting.”

noel comia jr.

Kasama si Noel sa pelikulang Song of the Fireflies, na istorya ng Loboc Children’s Choir. Bida roon si Morissette Amon, at nasa cast din sina Rachel Alejandro at Krystal Brimner. Ang direktor nito ay si King Palisoc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Tuloy Ang Palabas" and "Dominado Gonzales: National Artist" are two of the featured plays in the ongoing Virgin Labfest 18: Hitik at Tanghalang Ignacio Jimenez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results