"Basta kahit ano mangyari, Eat Bulaga! pa rin."
Ito ang paninindigan ni Vic Sotto tungkol sa gagamiting title ng noontime show ng TVJ sa bago nilang tahanan sa TV5.
Maiksi ang pahayag ni Vic, pero bakas sa mga sumunod nitong salita na lubos niyang dinamdam ang sigalot sa pagitan ng TVJ at ng Television And Production Exponents Inc. (TAPE Inc.), ang producer ng Eat Bulaga!.
Dugtong ni Vic, "You can just imagine, after 44 years, minahal mo... More than half of my life sa Eat Bulaga!.
"Pagka-absent ako sa Eat Bulaga! parang may kulang sa buhay ko. Tapos kukunin lang ng kung sinu-sino? Aba! Hindi puwede."
Sabay hirit niya, "Hindi papayag si MVP. Huy!"
Ang tinukoy ni Vic na "MVP" ay si Manny V. Pangilinan na chairman ng MediaQuest Inc.
Dalawang beses pang inulit ni Vic na kung siya ang masusunod ay Eat Bulaga! ang gusto niyang gamiting title ng show.
Buong puwersang dumalo ang TVJ — o ang triumvirate nina Tito Sotto, Vic, at Joey de Leon — sa mediacon nila sa TV5 ngayong Martes ng hapon, June 20, 2023.
Kasama rin ng TVJ ang tinatawag nilang "legit Dabarkads" na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Allan K, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, at Carren Eistrup.
LEGAL ISSUE ON EAT BULAGA! TRADEMARK
Ipinaliwanag naman ni Tito na may legal issue pa rin kung magagamit ng TVJ ang Eat Bulaga! trademark.
Kaugnay ito ng sigalot ng TVJ laban sa TAPE Inc., na producer ng Eat Bulaga! sa GMA-7.
Ang TAPE Inc. ay pagmamay-ari nina Romy Jalosjos, na may 75 percent stake, at Tony Tuviera, na may 25 percent stake sa kumpanya.
Simula first quarter of 2023, aktibo nang namahala sa TAPE Inc. ang mga anak nina Romy na sina Jon, Bullet, at Soraya Jalosjos.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph kina Jon at Bullet noong June 3, 2023, sinabi nila na ang Eat Bulaga! trademark ay pagmamay-ari ng TAPE.
Pero ayon kay Tito, ilalaban pa rin ng TVJ ang Eat Bulaga! trademark.
"We are definitely working on the legal side na Eat Bulaga!. Si Joey nag-imbento nun, e," katuwiran ng dating senador.
"History and the law back us up. Ganun kasimpleng usapan. Therefore, it might take some time, but we will be able to use it. I'm sure of that.
"Ngayon, paano sa July 1, ang usapan namin kanina nila Jane and Jeny, isu-surprise namin kayo sa July 1."
Si Jane Basas ang president and CEO ng MediaQuest Inc., ang kumpanya na nagmamay-ari ng TV5.
Si Jeny Ferre ang creative head ng Eat Bulaga! at ng bagong noontime show ng TVJ.
Sa July 1, 2023 ang pilot episode ng bagong noontime show ng TVJ sa TV5.
ALTERNATIVE TITLE FOR TVJ'S NOONTIME SHOW ON TV5
Nang hingan ng clue si Tito tungkol sa gagamiting title ng programa sa July 1, nagpaunlak naman si Tito.
"Whether Eat Bulaga! or E-A-T, which can stand for 'Eto Ang Totoo,' whatever name it is, kami yun, e.
"So, whatever it is, we will strive to have it continue even past gold, past 50 [years]. Yun ang panaginip naming tatlo, e," saad ni Tito
Dagdag niya, "Right now, it is already the longest-running TV show in the world. Maghanap na kayo ng TV show na umabot ng 44 years."
Nang si Joey ang magsalita tungkol sa isyu sa title ng programa, idinaan niya lang ito sa biro.
"First time 'to sa show na maraming title. Bahala kayo," ani Joey.
Pero idiniin din ni Joey na siya ang nakaisip ng original title na Eat Bulaga! noong una pa lang ipalabas ang show noong 1979 sa RPN-9.
"Nung nagkagulo, ang una kong sinabi kay Tito, 'Di ka ba natatawa, Tito? Kung kailan tumanda dun tayo pinag-usapan. Di ba, nakakaaliw?'
"Ako nakaisip nga nun sa kusina pa ni Tito Sotto. Ngayon, tinatanong niyo yung title, puwede ibalik sa talagang original, yung I-T. It bulaga!
"Sabi ng misis ko, 'E, anong meaning nun? E, maganda na nga yung Eto Ang Totoo.' tulad ng sinabi ni Vic, eat eat pa e. Hindi po bastos, no. Ang meaning ng it it, isang thousand, isang tuwa
"Kaya halu-halo yung pakiramdam ko."
Tungkol sa legacy na nais ipagpatuloy ng TVJ ang pagiging pioneers nila ng longest-running noontime show, sang-ayon ni Joey, "Pero totoo yun, talagang gusto ko dumami ang istasyon [na napuntahan ng TVJ] para maging record."
NO LONGER RELYING ON TONY TUVIERA
Nilinaw rin ni Tito na hindi kasali si Tony Tuviera sa bagong show ng TVJ at legit Dabarkads sa TV5.
"Sa ngayon, wala," saad ni Tito. "Tony is still 25 [percent] owner of TAPE. E, we have disengaged with TAPE. So that's the correct answer."
Ayon pa kay Tito, ang TVJ Productions ang ka-deal ng MediaQuest para sa noontime show ng legit Dabarkads sa TV5. Si Tito ang chairman ng TVJ Productions.
Nang tanungin tungkol sa role ng TVJ pagdating sa pagpapaandar ng programa, sabi ni Tito, "Yes, it's a very different feeling. Mas magiging engaged kami hindi lang sa production kundi sa pamamahala minsan.
"Because we've always relied on a friend like Tony. We've never talked to the other people of TAPE, e.
"Si Tony lang naman kinakausap namin, e. We leave it at that all the time. Basta kami, sa production kami."
Ang tinutukoy ni Tito na "people of TAPE" ay si Romy Jalosjos at mga anak nitong sina Jon, Bullet, at Soraya—na tumayong bagong management ng TAPE na nakaaalitan ng TVJ.
Dagdag ni Tito, "But this time with MediaQuest, with Jane and company, especially the group of MVP, we will be more hands on pagdating sa parte na yun."
MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR
- TAPE execs Jon and Bullet Jalosjos divulge "questionable expenditures" in Eat Bulaga!
- Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out
- EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
- EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"
- Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."
- (UPDATED) Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE
- Tito Sotto says transfer to TV5 not a done deal; other options on the table
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon draws flak for “Francise M” joke
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon: “We’re not signing off… We’re just taking a day off!”
- FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'
- TVJ & Tony Tuviera applied as one group for Eat Bulaga! trademark
- Tito Sotto claims TVJ owns Eat Bulaga! trademark
- Kim Atienza, kinukuhang "Eat Bulaga" host?; Paolo, Buboy, Betong, kasado na?
