PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jericho Rosales reacts to rumor that he and Kim Jones broke up

Jericho Rosales: "What you see is what you get."
by Melba R. Llanera
Published Jun 21, 2023
Jericho Rosales and Kim Jones
Jericho Rosales sees no need to explain himself when it comes to people claiming that he and wife Kim Jones have called it quits.
PHOTO/S: @manalojohn / @jerichorosalesofficial Instagram

May ilan pa ring naniniwalang hiwalay na ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones, at ayaw lang ng mga itong aminin sa publiko.

Taong 2022 nang unang lumutang ang bali-balitang iyon.

Diretsahang tinanong ng PEP Troika si Jericho tungkol sa isyu, pero hindi ito at sumagot at nagpaalam lang habang paalis ng event noong September 18, 2022.

Read: Jericho Rosales, napamulagat sa tsismis na hiwalay na sila ng asawang si Kim Jones

Makalipas ang apat na araw, naiulat ang palitan ng sweet messages sa Instagram nina Jericho at Kim nang magdiwang ang aktor ng kaarawan kaya tila nabigyang-linaw na sila pa rin.

Read: Jericho Rosales, wife Kim Jones shoot down breakup rumor

Pero pagpasok ng taong 2023, hindi pa rin nawala ang isyu.

Sa opening ng Kuya J's Restaurant sa Eastwood kamakailan, hiningan ng PEP.ph ng reaksiyon si Jericho sa sinasabing hiwalayan nila ni Kim.

"People are entitled to think what they think. I mean, ano ang gagawin ko? Tatawa lang ako," kaswal na paglilinaw ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw nang palakahin pa ni Jericho ang balita.

Aniya, "But it's okay, people are entitled to their own opinion, I'm really not that type of person na I really have to explain myself to anyone.

"What you see is what you get. As long as Iive in peace, in love and respect, yun na ang importante sa akin."

ON PRODUCING A MOVIE WITH KIM JONES

Ayon pa kay Jericho, abala sila ngayon ng misis na si Kim sa collabs nila.

Kilalang model at fashion influencer si Kim, at ipinagmalaki ni Jericho na sumabak na rin ito sa pagsusulat at pagdidirek ng short film at digital content.

"During pandemic, she transitioned from fashion to directing. She's also writing for scripts. She actually wrote one of my projects. She co-wrote it with me.

"She's directing now. She just finished directing two videos, you'll see it soon sa Instagram.

"Basically big fashion names, that's what she does, gumawa ng short films for fashion brands for now," paliwanag ni Jericho.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May binubuo rin daw si Kim na pelikula ngayon.

Dagdag ng aktor, "But we're also producing her movie, her film. We're working on it, she's writing, directing, and acting.

"Obviously, it's not gonna take three months, six months, it will take a year or two, parang ganun. That's what's keeping us busy."

ON REASSESSING HIS GOALS

Pansamantalang nanirahan sina Kim at Jericho sa New York nung 2022.

Read: Jericho Rosales gives sneak peek of New York City home with wife Kim Jones

Pagkukuwento ng aktor, tulad ng naranasan ng mga karaniwang tao ay marami ring naituro sa kanya ang pandemic.

"Nung pandemic kasi is time for lot of changes sa nangyari, and getting to know yourself.

"Ginamit ko yung time na yun para alamin at kilalanin ko nang maigi ang sarili ko bilang artist, kung ano talaga ang gusto ko, ano talaga yung goals ko ngayon, ano ang importante sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun ang mga natutunan ko, yun ang na-provide ng pandemic sa lahat. Time to reflect."

Ang paggawa at pagprodyus ng pelikula ang pokus niya ngayon kaya hindi raw muna siya tumatanggap ng TV work.

Read: Jericho Rosales realigns career compass, focuses on film/music projects

PEP EXCLUSIVE WITH JERICHO ROSALES

Noong April 2021, si Jericho ang nagwagi at nakakuha ng No. 1 spot sa PEP List of 15 Greatest Movie Actors from 2000 to 2020.

Read: 15 Greatest Movie Actors in Leading Roles, 2000-2020: No.1 - No.5

Sa exclusive interview ng PEP.ph noon, una nang nabanggit ni Jericho ang direksiyon na nais niyang tahakin sa kanyang showbiz career.

Read: Jericho Rosales reveals why he's not doing teleseryes now

Nagkuwento rin siya noon sa mga hamong pinagdaanan niya sa showbiz, at ibinahagi rin niya ang kuwento ng pag-ibig nila ng asawang si Kim Jones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jericho Rosales sees no need to explain himself when it comes to people claiming that he and wife Kim Jones have called it quits.
PHOTO/S: @manalojohn / @jerichorosalesofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results