PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene Budol: GMA-7 Drama Script Tough

"Iyakin lang ho ako, pero hindi ko naisip na magiging dramatic actress."
by Rose Garcia
Published Jun 21, 2023
Herlene Budol with leading men Benjamin Alves and Rob Gomez
Herlene Budol on giving herself a rating of 5 out of 10 in her skills as an actress and beauty queen: "Patay-gutom pa rin ako na mag-learn ba ng mga knowledge." Kahit alam ko ang isang bagay, pag-aaralan ko pa po.”

Unang nakilala si Herlene Budol bilang isang komedyante.

Pero binigyan siya ng pagkakataon ng GMA-7 na magbida sa Magandang Dilag, ang bagong Kapuso Afternoon Prime drama series.

Sa mediacon ng Magandang Dilag noong June 17, 2023, kinumusta si Herlene kung naitawid niya ang pagiging dramatic actress sa programa.

“Kayo ho ang mag-judge sa akin kung kaya ko ho,” sagot niya. “Kasi, parang ayoko namang buhatin ang sarili kong bangko.

"Basta sana po, matuwa po kayo sa mga eksena ko na drama. Na akala ko, hindi ko rin magagawa kasi, bilang komedyante nga ho, hindi ko rin naisip na komedyante pala ako, na nakakatawa pala ako.

"Lalo pa nung drama naman ho. Iyakin lang ho ako, pero hindi ko naisip na magiging dramatic actress," pahayag niya.

Aminado si Herlene na mahina siya pagdating sa memorization ng kanyang mga linya.

Bilang bida ng serye, malaking hamon ito para sa kanya.

"Yun nga ho, di ba, naikuwento ko nga dati na hirap ho ako sa script talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Di ba, noong college nga ho ako, hindi ako pumapasok kapag may recitation. Kasi nga, hindi ko kabisado.

"E, ngayon nga, obligasyon ko talaga to, kaya ginagawa ko yung best ko."

May hack daw na naisip si Herlene para makabisado ang kanyang script.

"Ang unang ginawa ko, lahat ng lines, tapos isusulat ko one by one. Pati po mga lines po ng mga kaeksena ko, isinusulat ko po.

"Ewan ko bakit ganun po ako magkabisado. Hindi ko po siya kayang basahin lang siya nang ganyan pa.

"Siguro po, Level 2 pa lang ang brain cells ko. So, we’re going to Level 10 soon," pabirong hirit ni Herlene.

Dagdag niya, "Yun po ang adjustment ko, isusulat. Matutulog, tapos kakabisaduhin. Napapanaginipan ko na nga ho."

ON JOINING MISS GRAND PHILIPPINES

Kasabay ng paglunsad ng bago niyang show ay lumalaban din si Herlene sa Miss Grand Philippines 2023, na gaganapin sa July 13.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paano niya nababalanse ang pageant at pag-arte?

"Sa tulong po ng mga taong nakapaligid sa akin, kagaya po ng manager ko, si Sir Wilbert Tolentino, at mga team ko po. At yung mga tao pong nakapaligid sa akin. Hindi ko po kayang mag-isa.

"Kung wala po siguro sila, wala po siguro ako kung nasaan ako ngayon. Kaya, di ba, nga ho, walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang. Kaya salamat sa mga taong nasa likod ko."

Saan niya mas gustong makilala—bilang beauty queen o actress?

"Sana po dalawa," sagot ni Herlene. "Kung bibigyan naman po ako ng pagkakataon na maging beauty queen pa.

"As Binibining Pilipinas first runner-up, as a beauty queen na po ako nun. Pero as an actress, sana magtuluy-tuloy po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"PATAY-GUTOM" AS AN ACTRESS-BEAUTY QUEEN

Pareho raw niyang nae-enjoy ang beauty pageant at showbiz.

"Dalawa ho talaga, naging passion ko ho, na hindi ko akalain na maguustuhan ko siya."

Kung ire-rate man daw niya ang sarili bilang beauty queen at actress, palagay ni Herlene ay marami pa siyang kailangang matutunan.

"Siguro nasa five pa lang ako kasi patay-gutom pa rin ako na mag-learn ba ng mga knowledge. Kasi, still learning pa rin ako every day. Kahit alam ko ang isang bagay, pag-aaralan ko pa po," saad niya.

Sa Lunes, June 26, na magsisimulang mapanood ang Magandang Dilag sa GMA-7. Leading men ni Herlene dito sina Benjamin Alves at Rob Gomez.

Sa kabila ng challenges na hinarap niya sa taping, masasabi raw ni Herlene na nag-enjoy siyang gawin ito.

"Lahat po talaga, yung mga eksena namin, behind the scenes. Sobrang nag-enjoy po ako sa Magandang Dilag na taping namin.

"And until now, konting-konti na lang, pero sobrang saya namin at wini-wish ko na hindi na matapos ito dahil nakabuo ako ng pamilya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung may pinanghihinayangan lang daw si Herlene, hindi na naabutan ng lola niya ang pag-alagwa ng kanyang career.

Naluhang sabi ni Herlene, "Sayang, hindi na niya naabutan to.

"Nay, I love you so much. Isa ito sa mga regalo ko sa yo. Sana nakikita mo ako ngayon. Sobrang happy ko ho."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol on giving herself a rating of 5 out of 10 in her skills as an actress and beauty queen: "Patay-gutom pa rin ako na mag-learn ba ng mga knowledge." Kahit alam ko ang isang bagay, pag-aaralan ko pa po.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results