PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Melai Cantiveros Resolves Marital Issues

Melai: "Once na nag-'I do,' parang nakipagpirmahan ka kay Lord."
by Rachelle Siazon
Published Jun 30, 2023 | Updated Jun 24, 2023
Melai Cantiveros and Jason Francisco
Melai Cantiveros's dealbreaker: "Kailangan wala talagang mga other parties, wala mga babae. Kung mga ugali lang, kaya pa yan. Kaya pa yan. Pero pag mga ibang usapan na yan, well, nasa couple na yun kung kakayanin nila." Melai and husband Jason Francisco have been married for almost 10 years.
PHOTO/S: @mrandmrsfrancisco Instagram

Inamin ni Melai Cantiveros na hindi maiiwasan sa buhay ng mag-asawa ang dumanas ng marital problems.

Nang mag-guest si Melai sa PEP Live, ikinuwento niya kung paano nila nalampasan ng mister na si Jason Francisco ang mga away nila.

Pareho silang 35 taong gulang sa kasalukuyan.

"Minsan, may mga time pa kami ni Jason na talagang di kami nag-uusap. Kasi, para maka-inhale exhale sa isa't isa," pagsisiwalat ni Melai.

"Pero at the end of the day, sa buhay namin, talagang mas pinili namin ulit na magsama, maging okay para sa mga bata."

Hindi raw talaga sila umabot sa hiwalayan.

Paliwanag pa ng comedienne-host: "Kasi normal naman yung mga away-away, mga ganon. Di ba, na-issue nga kami? Normal.

"Mag-asawa naman kami. Hindi naman kami magdyowa lang. Kung maghiwalay naman kami, bakit naman di namin sasabihin, di ba?

"At saka, kung magdyowa kayo, mag-away kayo, baka puwede pa kayo maghiwalay.

"Ang mag-asawa, malayo pa yan sa usapan. Kasi bakit? Dadaan pa kayo sa maraming mga annulment, mga ganon, mga case."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Melai Cantiveros shows "proof" of husband Jason Francisco's whereabouts

Isang bagay na natutunan ni Melai ay huwag magbilang ng away nila ni Jason. Hindi raw siya iyong tipong nagtatanim ng sama ng loob at nag-uungkat ng isyung tapos na.

Lahad niya: "Sa ilang years namin ni Jason talaga, wala akong iniisip na malaking challenge na napagtagumpayan namin.

"Kasi challenge naman is, iniisip ko talaga na kailangan naming pagdaanan, para mas mapagtibay ang relasyon namin.

"So, wala akong yung sinasabi na parang, 'Ay, napagdaanan namin yun.' Wala akong ganun kasi kailangan mong pagdaanan yun, e. Kailangan yun sa relasyon niyo din.

"And hindi ko bini-big deal lahat ng mga away namin kasi, lilipas at lilipas din ang away. Kung ibi-big deal mo yan, ikaw din mahirapan. Mamumblema ka rin sa buhay mo."

Ang mantra raw ni Melai: "Kalimutan na lang yung mga pagsubok na yun, napagtagumpayan naman na, move on."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, "Parang ganun kasi ako, mahilig ako mag-move on na lang. Ako, every away is, for me, pagdadaanan lang talaga."

Sumalang si Melai sa PEP Live nang ilunsad ang bago niyang proyektong Ur Da Boss, isang interactive game show sa PIE Channel.

Read: Jason Francisco opens up about overcoming marital problems with Melai Cantiveros

ON SANCTITY OF MARRIAGE

Ayon kay Melai, naniniwala siyang sagrado ang pagpapakasal kaya hindi ito basta pinapasok nang hindi handa sa responsibilidad.

Ikinasal sina Melai at Jason sa Holy Cross Parish sa General Santos City noong December 2013.

Mayroon silang dalawang anak—sina Mela, 9, at Stela, 6.

"Ang aming secret is siyempre si Lord," diin ni Melai.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi pa niya, "Once na nag-'I do, I do' ka dun sa altar, buong buhay mo na yun. Parang nakipag-usap ka sa Panginoon na 'I do.'

"Hindi lang siya yung dalawang words lang na sinabi. Hindi. Ito ay parang nakipagpirmahan ka sa Panginoon."

May pananagutan din daw sila bilang mga magulang.

"Dahil hindi lang kayo ang naka-at stake dito, ha? May mga bata.

"So, bakit ka magiging selfish sa love-love mo na hindi ka naman inutusan ng nanay mo para pumasok diyan? Di ba?

"Ikaw ang pumasok sa sarili mo diyan. So, panagutan mo yan.

"At hindi niyo lang pinapinasok na dalawa lang yan. May dalawang bata na ma-affect pag anong mangyari sa inyo.

"So, ang away is very normal lang sa magkaasawa. Nasa inyo lang kung pipiliin niyo pa rin ang magsama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Five cute moments of Ate Mela and Baby Stela Francisco

ON CHEATING AND OTHER dealbreakers

Nilinaw naman ni Melai na may boundaries din pagdating sa kung anong dapat hindi pairalin sa buhay mag-asawa.

"Siyempre nandiyan na yung kailangan wala talagang mga other parties, wala mga babae.

"Kung mga ugali lang, kaya pa yan. Kaya pa yan.

"Pero pag mga ibang usapan na yan, well, nasa couple na yun kung kakayanin nila," ani Melai.

Wala naman daw silang mga ganoong isyu ni Jason.

Paliwanag pa ni Melai: "Pero kami ni Jason, pipiliin talaga naming magsama para sa mga bata.

"Kasi siyempre kawawaan naman yung mga anak namin.

"Wala naman sila kinalaman sa away. Minsan nag-aaway lang kami sa malilit na bagay lang.

"Kasi siyempre, sila naman ang pinakaimportante, e. Hindi naman kami nagrelasyon lang na parang wala.

"Bumuo nga kami ng pamilya, bumuo kami ng mga anak. Kasi sila ang pinakaimportante sa buhay namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

More hot stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melai Cantiveros's dealbreaker: "Kailangan wala talagang mga other parties, wala mga babae. Kung mga ugali lang, kaya pa yan. Kaya pa yan. Pero pag mga ibang usapan na yan, well, nasa couple na yun kung kakayanin nila." Melai and husband Jason Francisco have been married for almost 10 years.
PHOTO/S: @mrandmrsfrancisco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results