Madalas mabatikos ang Kapuso actor na si Paolo Contis dahil sa mga kinasangkutang isyu sa kanyang love life.
Mas tumodo pa ang pamba-bash sa kanya nang tanggapin niya ang alok na maging host ng Eat Bulaga! na pinoprodyus ng Television and Production Exponents Inc. at umeere sa GMA-7.
READ: Paolo Contis, nag-react sa komentong “parang mall show lang” ang bagong bihis na Eat Bulaga!
Pero hindi raw naaapektuhan si Paolo ng sangkaterbang pamba-bash sa kanya.
"As I’ve said, bashing, wala, wala sa akin," saad ni Paolo nang hingan ng reaksiyon dito.
Sabi pa niya, "Hindi ko alam, paulit-ulit akong tinatanong. Hindi ba kayo naniniwala na wala akong pakialam sa namba-bash sa akin?
"Totoo, wala talaga. Kasi, alam ko naman ang mali ko."
Pinipili raw ni Paolo kung ano at kaninong feedback ang dapat niyang pakinggan.
"Like for example, ikaw, kapag nag-usap tayong dalawa, makikinig ka. Kasi, kilala kita.
"Pero yung iba na natatanggap ko na hindi ko naman kilala, bakit ko pakikinggan kung nakausap na kita?
"Kung nakausap ko na ang nanay ko, kung nakausap ko na ang malalapit sa akin. These are the people whom I listen to.
"But other than that, I strive to be better—without posting. Kasi, hindi ko siya style."
Binigyang-diin din ni Paolo na hindi niya style na ilagay sa social media ang kung anumang bagay para bumango ang tingin sa kanya ng iba.
"Hindi ako magpo-post ng magagandang bagay na ginagawa ko para lang i-win yung mga taong wala namang pakialam.
"Para lang mabawasan ang bashing, ano, tutulong ako? Para maawa sa akin, iiyak ako? Ang pangit.
"I don’t do it," saad ni Paolo.
Dagdag niya, "So, lahat ng bashing na nakukuha ko are just based on what, 10 percent of knowledge that they know of because it was posted.
"Hindi ko responsibilidad na mag-post to defend myself anymore."
Tahasan ding sinabi ni Paolo na nababasa niya ang lahat ng kritisismo sa kanya.
"Nag-eenjoy ako," kaswal na paliwanag ni Paolo.
"To be honest, oo, minsan magugulat ka na, 'Ano? Wow, saan galing yon? Sa yo ba nangyari?'
"But it’s the social media thing. Habang huma-high tech ang technology, yung mga tao, nagiging barbaric. Kasi, hindi sila masasapak sa mukha habang sinasabi nila yon.
"Subukan nilang sabihin sa harap ko yon kung ano ang mangyayari sa kanila. Kaya tumapang ang mga tao, e.
"Pero kapag tinanong mo ang ano—zero, zero! Ay, imbento, tigilan ako."
Pero kumusta ang reaksiyon ng mga taong nakapaligid sa kanya tulad ng kanyang pamilya at mahal sa buhay? Naapektuhan ba ang mga ito?
"Noong una," pag-amin ni Paolo tungkol sa epekto sa kanyang pamilya. "Actually, noong una, pati ang kuya ko, ang mommy ko.
"Tapos merong, 'Kaya na-stroke ang Mama mo.' Hindi… Bago ko nagkaroon ng kalokohan o pagkakamali, na-stroke na ang nanay ko.
"O, di ba? Ang mga tao, they will just invent things just to post."
Ayon pa kay Paolo, hindi talaga maiialis sa kanyang pamilya ang ipagtanggol siya.
"Pero ngayon, wala na. Tinanggalan ko sandali ng phone ang mommy ko kasi, not bashing related, it’s for her health. Siyempre, nanay yon. Eventually, baka ma-stress.
"Pero minsan ang Kuya ko, actually, pareho kami ng kuya ko, nag-e-enjoy.
"Pero si Kuya, minsan, patola. Reply nang reply sa mga kung kani-kanino sa mga P.M. [private message].
"Pero ano naman, noong una, unbothered… Pero don ako naba-bother kasi naba-bother sila."
Pinagtanggol si Paolo ng kanyang kapatid na si Carlo Contis noong unang linggong sumalang si Paolo bilang host ng Eat Bulaga!
READ: Paolo Contis, nakakuha ng emotional support mula sa kapatid sa gitna ng matinding batikos
ON FINDING A FRIEND IN JOROSS GAMBOA
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa mediacon at premiere night ng Ang Pangarap kong Oskars. Ginanap ito sa SM The Block, North Edsa nitong June 23, 2023.
Ipapalabas ang Ang Pangarap Kong Oskars sa mga sinehan sa June 28.
Sa pelikulang ito ng Mavx Productions, bida sina Paolo at Joross Gamboa bilang sina Bobby B at Direk DMZ.
Si Paolo raw mismo ang nagrekomenda na si Joross ang kuhanin ng produksiyon dahil bilib siya sa kakayahan nito bilang actor.

Ayon kay Paolo, may pagkakataong pati si Joross ay nadawit sa batikos sa kanya.
Kuwento ni Paolo, "Sinabi ko ‘yon kay Joross dati. Meron siyang pinost, tapos ginawa niya kong collaborator.
"And since ako, hindi ako nagpo-post na. E, naging collaborator. So, lahat ng mga bash, sa kanya napupunta.
"Sabi ko, tinext ko siya. 'Brod, kung gusto mo kong burahin as collaborator, okay lang ha.' Sabi niya, 'Okay lang, isa-isahin ko mamaya, magba-block ako.'
"So, friend siya," nakangiting saad ni Paolo.
More hot stories on PEP.ph:
- Bullet Jalosjos to new Eat Bulaga! hosts: "We don't want you to be a Tito, Vic and Joey."
- Isko Moreno on joining 'Eat Bulaga!' after TVJ exit: "Nagpaabiso ako in advance as a matter of respect."
- Kim Chiu now building owner in Cagayan de Oro recalls time when "walang-wala talaga kami"
- Vic Sotto on Eat Bulaga! trademark: "Kukunin lang ng kung sinu-sino? Aba! Hindi puwede."
