Nagbago ang buhay ni Paolo Contis mula nang maging host siya ng daily noontime show na Eat Bulaga! noong Hunyo 5, 2023.
Read: Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar are the new 'Eat Bulaga!' hosts
Nakapag-adjust na ba siya?
“Actually, patulog na dapat ako ngayon. Nabago nang konti, nabago nang konti,” napapangiting sambit ni Paolo sa mediacon ng pelikulang Ang Pangarap Kong Oskars nitong Hunyo 23, Biyernes ng gabi, sa Cinema 3 ng The Block, SM North EDSA, Quezon City.
Anong oras ba siya kung matulog before and nowadays?
“Nanibago nga. Kasi, nang mga first few days, siyempre pagod ka pag-uwi ng mga alas tres, alas kuwatro.
“Nakakatulog ako kaagad. Lagi kong sinasabi sa sarili ko, idlip muna ako. Ang nangyayari, nagigising ako ng alas dose na.
“Twelve midnight na, tapos hindi na ako makatulog. So, sinusubukan kong i-adjust. Malaking adjustment siya, e.
“Hindi ko akalain na ganun kahirap. Siguro kasama na dun yung stress.
“You know, alam naman natin kung ano ang pinagdadaanan namin. So, merong stress yon, may pressure yon, di ba, more than the…
“Ine-enjoy mo na lang naman. Ako naman, nag-e-enjoy naman ako sa hosting. Pero siyempre, ang kalakip na stress and pressure niya, mas nakakapagod siya.
“So, pag umuuwi ka, talagang… drained ka.
“Right now I’m trying na ngayon, mabuo ko yung alas nuwebe, alas diyes para makatulog ako.
“Kasi 7:00 o’clock, nandun na ako sa studio. Inaagahan ko, kasi una, ayokong matrapik. Ikalawa, well… ano ba yun, medyo OA, pero dinadama ko muna yung lugar.
“Para by the time na dumating na lahat, kalmado na ako. Alam ko na ang gagawin ko.”
Read: New 'Eat Bulaga! host Paolo Contis appeals to the public: "I hope you give us a chance..."
PAOLO'S DEDICATION
Namaos ang boses ni Paolo dahil sa pagho-host sa revamped Eat Bulaga!.
“Tapos nung isang araw, nag-absent ako. Kasi, nilagnat, trinangkado talaga ako,” lahad ni Paolo.
“So, nag-absent ako isang beses. Pero the next day, OK na.”
5:00 a.m. naka-alarm si Paolo, at 6:00 a.m. siya umaalis ng bahay niya sa Makati City papunta sa studio ng Eat Bulaga! sa Cainta, Rizal. Ganoon ang dedication niya para sa Eat Bulaga!.
“That’s the only thing I can be proud of,” sabi ni Paolo.
Worth it ba ang stress at pressure na idinulot sa kanya ng pagho-host sa Eat Bulaga!?
“Oo naman! Pag nakikita mo yung ano… pag nakikita mo yung lahat ng katrabaho mo, as dedicated as you, then you have no reason to be as dedicated as them,” tugon ni Paolo.
“Una sa lahat, masaya sa loob. Masaya kami sa loob. Masaya yung staff. Masaya yung crew. Masaya yung cast.
“Sabi ko nga, tinanong kami kahapon kung bakit parang ang close namin.
“I think, yung pressure nga… to make it work, yung pressure to make it work… wala naman kayong ibang sasandalan kundi isa’t isa, e.
“So naging mabilis kaming pamilya. Sa kanya-kanya na lang namin kinukuha yung kumbaga positive things ikanga.
“Yung pagmamahal. Yung samahan. Sa kanya-kanya na lang namin. Kasi, pagdating mo sa labas — again, totoo naman, may stress talaga. Siyempre, biglaan yun, e!
“Alam naman natin. Hindi naman natin puwedeng sabihin na sobrang prepared kami.
“Wednesday nangyari yun. Thursday tinawagan kami. Friday nag-rehearse. Saturday nag-rehearse. Monday, nag-live.
“Talagang sinabak mo kami kaagad. May stress talaga yun. But right now, we really are enjoying it. We’re learning.
“Naniniwala ako na mas marami nang nakaka-appreciate ng at least dun sa work na ginagawa namin. Dun sa effort na ginagawa namin.
“And we’re hoping that eventually, ahhmm mas mapansin siya, mas tumagal… Makikita mo naman, ako, nag-e-enjoy ako dun sa mga taong natutulungan namin
“First hand na nakikita ko sa mata. Iba yung high niya. First time kong nag-host ng daily show and iba yung high na nararamdaman mo pag nakikita mong masaya yung mga tao.”
Read: Paolo Contis umapelang huwag isama sa bashing ang Eat Bulaga! staff, crew na hindi nag-resign
"LEGIT" DABARKADS"
Mas matimbang iyong fulfillment kesa sa stress o pressure bilang host ng revamped Eat Bulaga!?
“Definitely! Definitely. Definitely.”
Kapag binabanggit na iyong dating hosts ng Eat Bulaga! ang “legit” na Dabarkads, ano ang nararamdaman nila?
“Wala. Wala naman. I mean, it’s their ano naman, e… Again, hindi po sila’ng… kalaban namin,” pagmamatuwid ni Paolo.
“Wala kaming kalaban, wala kaming whatever. Kanya-kanya po ng perspective yan.
“We were called to work, that’s my job, and I’m doing the best that I can dun sa trabaho.
“Wala akong inapakang tao. Naniniwala akong wala akong inapakang tao.
“Nagpasintabi ako sa mga taong kinauukulan na kakilala ko. And I think that’s enough.
“And I believe everyone sa side nila knows that work is work also. I believe they’re professional enough to understand that.”
Bago ang mediacon ay nag-premiere screening muna ang Ang Pangarap Kong Oskars sa The Block.
Present doon ang co-hosts ni Paolo sa Eat Bulaga! na sina Buboy Villar, Alexa Miro, Kimpoy Feliciano, at ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi.
Nandoon din sina Kokoy de Santos, Patrick Garcia, Jason Abalos, Royce Cabrera, Adrian Alandy, at Roadfill Macasero.
Sa Hunyo 28, Miyerkules nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang Ang Pangarap Kong Oskars.
Co-stars dito ni Paolo sina Joross Gamboa, Kate Alejandrino, Faye Lorenzo, Yukii Takahashi, Long Mejia, Jon Santos, Gian Magdangal, Erlinda Villalobos, at Junjun Quintana.
Isinulat at idinirek ito ni Jules Katanyag, at prinodyus ng MAVX Productions.
