May reaksiyon si Kim Atienza sa nalalapit na pag-ere ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime sa GTV.
Ang GTV o Good Television ay isang free-to-air TV station na pagmamay-ari ng GMA Network.
Si Kuya Kim ay dating co-host sa It’s Showtime at matagal naging bahagi ng ABS-CBN News and Current Affairs.
Ngayon ay nasa bakuran na siya ng Kapuso network at may mga programang umeere sa GMA-7 (TiktoClock) at GTV (Dapat Alam Mo!).
Samantala, eere na ang It’s Showtime sa GTV simula July 1, 2023, kasabay ang pilot telecast ng noontime show nina Tito, Vic & Joey sa TV5.
Sa pamamagitan ng Twitter, kinuha ng ilang netizens ang reaksiyon ni Kuya Kim ngayong mapapanood na ang dating kinabibilangang noontime show sa GTV.
Sabi ng TV host: “I'm happy for them. @itsShowtimeNa will always be family regardless of stations.”
Reply niya sa isa pang nang-usisa: “Life is like that. Nothing is permanent. I'm happy for @itsShowtimeNa family.
“They will always be dear to me regardless of stations.”


Tweet ng isa pang netizen (published as is): “Ano kaya ang reaksyon ni Kuya Kim patungkol sa Papalapit na mapapanood ang It's Showtime sa GTV. since si Kuya Kim is one of the OG hosts nito.“
Sabi ni Kuya Kim, lahat ay makikinabang sa development na ito.
Aniya, “There's space for everyone. The more shows on free TV, the more options for people to watch.
“I'm happy for @itsshowtimena and happy for my station@gtvphilippines it's a win for both.”

Bukod kay Kim, ang isa pang former It’s Showtime host at former ABS-CBN artist na nakagawa ng programa sa GMA-7 ay si Billy Crawford.
Simula noong 2022 ay nagkaroon na ng collaboration ang GMA-7 at Kapamilya Channel.
Nagsimula ang pag-ere ang ABS-CBN movies sa Kapuso network.
Ngayong taon ay sinundan ito ng pagsasama ng Kapamilya at Kapuso artists para sa teleseryeng Unbreak My Heart na umeere rin sa Kapuso network.
