PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jhong, Kim salute GMA-7 over "It's Showtime" move

Jhong Hilario credits GMA Network for launching his acting career.
by Bernie V. Franco
Published Jun 29, 2023
jhong hilario and kim chiu
Nagbigay ng mensahe sina Jhong Hilario at Kim Chiu sa GMA-7 executives. Simula ngayong July 1, 2023, Sabado, eere ang Kapamilya noontime show na 'It's Showtime' sa GTV Channel, na pagmamay-ari ng Kapuso network.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Kinilala ni Jhong Hilario ang malaking kontribusyon ng GMA-7 sa pagsisimula ng kanyang acting career.

Makahulugan ang mensaheng ibinigay ni Jhong sa contract signing ng GMA-7 at Kapamilya executives nitong June 28, 2023.

Ang contract signing ay para sa collaboration ng dalawang media giants—ang pag-ere ng Kapamily noontime show na It’s Showtime sa GTV Channel na pagmamay-ari ng GMA-7.

Read:

Sinimulan ni Jhong ang kanyang speech sa pagpapasalamat sa Kapuso top executives. Pagkatapos ay idinetalye niya ang malaking kontribusyon ng GMA-7 sa kanyang showbiz career.

Pahayag ni Jhong, “Sa mga boss po namin ngayon dito sa GTV, sa GMA, gusto ko munang i-flex, ‘no…

“Bago nagkaroon ng Sample King, may Streetboys muna na naggi-guest sa GMA before sa mga shows.”

Ang Streetboys ay ang '90s all-male dance group na kinabilangan nina Jhong at Vhong Navarro bago sila nagkaroon ng solo careers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And dahil may Jhong Hilario sa acting…” ani Jhong, na nabigyan ng break sa pag-arte dahil sa GMA Films, ang Kapuso film production outfit.

“Naaalala ko po GMA Films din po ang nag-build sa akin sa pag-acting.

“Andiyan na yung Pusod ng Dagat [1998], Jose Rizal [1998], Muro-Ami [1999]… Maraming salamat po.”

Si Jhong ay nagkaroon ng Best Support Actor nomination sa 2000 Gawad Urian dahil sa kanyang pagganap sa Muro-Ami.

Dugtong na mensahe ni Jhong sa GMA, “Sa inyo po na nagpatuloy sa amin sa aming tahanan, wala po kaming ibang gustong sabihin kundi maraming salamat, dahil hindi lang po ang It’s Showtime family ang inyong pinatuloy sa aming tahanan.”

Buong staff and crew raw ng noontime show at viewers nila ang “pinatuloy” ng GMA.

KIM CHIU to gma-7: “WALANG HANGGANG PASASALAMAT.”

Makahulugan din ang mensahe ng It’s Showtime co-host na si Kim Chiu na homegrown talent ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapakilala ni Kim sa harap ng GMA-7 execs, “Gusto ko talagang sabihin, ‘Magandang hapon, mga Kapuso. Kim Chiu po.’

“Wala po akong background ng pagiging isang GMA [artist], pero hello po, Kim Chiu po. Nagpakilala paulit-ulit, di ba? Kasi kinakabahan ako, e.

“Gusto ko po munang magpasalamat sa lahat po ng bumubuo ng GTV, sa GMA na pinatuloy niyo po ang aming bahay, ang aming show, na naghahatid ng saya sa lahat ng mga Madlang People.

“Ang dami nang pinagdaanan ng Showtime, ups and downs, and minsan hindi namin alam kung saan talaga kami mapupunta.

“Sobra lang ako nagpapasalamat. Thank you for giving us a home.

“Thank you for accepting this partnership. Walang hanggang pasasalamat sa inyo, for giving us this opportunity.

“Kaya maraming salamat, mga madlang Kapuso. Magkita-kita po tayo ngayong Sabado.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbigay ng mensahe sina Jhong Hilario at Kim Chiu sa GMA-7 executives. Simula ngayong July 1, 2023, Sabado, eere ang Kapamilya noontime show na 'It's Showtime' sa GTV Channel, na pagmamay-ari ng Kapuso network.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results