PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Awra Briguela Accused of Forced Strip and Harassment

Awra Briguela still detained at Makati City Police headquarters.
by Jojo Gabinete
Published Jun 30, 2023
awra briguela mark christian ravana
Mark Christian Ravana (right) on Awra Briguela (right): "Nakursunadahan niya siguro ako tapos hindi niya ako pinalabas ng bar. Unang-una talaga, hindi ako pumapatol. Naka-hands up pa nga ako. Sinundan talaga ako sa baba..."
PHOTO/S: Instagram / Frontline Pilipinas

Naka-detain pa rin sa Makati City Police headquarters ang 19-year-old TV and movie personality na si McNeal Briguela aka Awra Briguela dahil inaayos pa ng legal counsel niya ang piyansa para sa kanyang kalayaan.

Ito ay ayon sa imbestigador na may hawak ng kaso na nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Biyernes ng umaga, June 30, 2023.

Pinalipas ni Awra ang magdamag sa presinto matapos siyang dakpin ng mga tauhan ng Makati City Police (Southern Police District) dahil sa gulong kinasangkutan niya sa labas ng Bolthole Bar sa Poblacion, Makati City, kahapon ng madaling-araw, June 29.

Read: Awra Briguela, pinosasan matapos masangkot sa rambulan sa Makati

Physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, and direct assault ang mga reklamong isinampa laban kay Awra.

Nakunan ng video ang pagpupumiglas at pagsisisigaw ni Awra habang nilalagyan siya ng posas ng mga pulis na rumesponde para mapigil ang nagaganap na pisikal na pananakit sa pagitan ng magkabilang-panig na nag-aaway.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Awra Briguela faces physical injuries complaint after brawl in Makati; Zeinab Harake, other vloggers defend Awra

Isang Mark Christian Ravana ang nagsampa ng reklamo laban kay Awra dahil, diumano, pinipilit siya ng aktor na maghubad at ito ang pinagsimulan ng kaguluhan.

mark christian ravana

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mark Christian Ravana

Pahayag ni Ravana sa panayam sa kanya ng Frontline Pilipinas, “Nakursunadahan niya siguro ako tapos hindi niya ako pinalabas ng bar.

"Unang-una talaga, hindi ako pumapatol. Naka-hands up pa nga ako. Sinundan talaga ako sa baba.

"Then nagulat ako, may sumuntok na sa akin. Madami na ang sumuntok sa akin, lumaban lang ako."

Nadamay rin sa mga batikos ang Bolthole bouncer na si Angelo Niño Gulmatico, na nasugatan habang umaawat pero napag-initan ng mga nagtatanggol kay Awra.

angelo nino gulmatico

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Angelo Niño Gulmatico

“Umaawat lang po ako tapos sinapak po ako, nasaktan po ako.

"Si Awra po. Hindi na siguro mapigilan. Kung sinu-sino na siguro yung nasasaktan niya,” pahayag ni Gulmatico.

FEMALE FRIEND OF AWRA SPEAKS UP

Mariing itinanggi ng kasama ni Awra na si Zayla Nakajima ang akusasyon ni Ravana. Diumano, hinipuan siya ni Ravana at ipinagtanggol lamang siya ni Awra.

Sa isang social media post ay inilahad ni Zayla ang pambabastos na naranasan niya umano.

Bahagi ng kanyang salaysay (published as is): "...there's this one guy who creepily harassed me with two attempts. First attempt, he touched my bum and squeezed it—i was wearing bra-top at the time. Second and worse attempt, he tried to insert his barehands inside my bra.

"He is full-creep and been roaming around the club and everytime he gets near me, I avoid him and that's where i draw the line. I decided to go home and leave."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos daw ng naranasan niyang harassment at ng isa pang kaibigang babae, kinumpronta raw ni Awra ang lalaki "very calmly" para ipagtanggol sila.

Pero uminit daw ang pagtatalo ng dalawa hanggang sa humantong sa suntukan.

Ayon kay Zayla, ang lalaki ang unang sumuntok kay Awra at gumanti lamang ang kanyang kaibigang celebrity.

Inalmahan din ni Zayla ang pagkalat ng video kung saan pinoposasan ng mga pulis si Awra dahil naging negatibo ang dating nito sa publiko.

Pinuna rin ni Zayla ang paggamit ng ibang social media influencers sa insidenteng kinasangkutan ni Awra bilang content sa maling paraan.

zayla post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, inaasahang babalik si Ravanasa Makati City Police Headquarters ngayong umaga para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa reklamo niya laban kay Awra.

Deactivated na ang social media accounts ni Ravana dahil kinukuyog at pinagsasalitaan siya nang masasakit ng mga nakikisimpatiya kay Awra na naniniwalang pinrotektahan lamang nito ang kaibigan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Christian Ravana (right) on Awra Briguela (right): "Nakursunadahan niya siguro ako tapos hindi niya ako pinalabas ng bar. Unang-una talaga, hindi ako pumapatol. Naka-hands up pa nga ako. Sinundan talaga ako sa baba..."
PHOTO/S: Instagram / Frontline Pilipinas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results