PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'Eat Bulaga!' relaxed amid battle of noontime shows

'Eat Bulaga!' is business as usual in three-way noontime-show battle.
Published Jul 2, 2023
eat bulaga hosts
Halatang hindi pressured ng producers ang new hosts ng Eat Bulaga! kahit pa kasabay ng kanilang first monthsary ang pag-ere ng TVJ sa TV5 at ng It’s Showtime sa GTV.
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso Facebook

#BattleOfNoontimeShows
Ang It's Showtime, na binitiwan ng TV5, ay may grand comeback sa GTV, kapatid na istasyon ng GMA-7. Ang welcome hype ng TV5 ay ibinuhos sa E.A.T. ng TVJ, ang kinikilalang mga hari ng noontime programming na lumipat mula GMA-7. Ang Eat Bulaga!, the country's longest-running noontime show, ay lumalarga pa rin sa GMA-7. Lahat sila ay sabay bumulaga sa Free TV noong Hulyo 1, 2023.

Kaiba ang excitement sa tanghalian ng araw na iyon. Masasabing binigyan ng #BattleOfNoontimeShows ng bagong buhay ang TV! Dito sa PEP.ph, nagtalaga kami ng tiggalawang writers para tutukan ang bawat show. Ito ang kanilang maramdaming opinyon sa pinanood.



Nagkakasundo sina Erwin at KC na relaxed ang atmosphere sa Eat Bulaga! ng GMA-7 sa first-month anniversary episode nitong July 1, 2023.

Ito'y sa kabila ng kasabay na pag-ere ng bagong show nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at ng "legit Dabarkads" sa TV5, at ng long-time rival nitong It’s Showtime sa GTV, ang sister station ng Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Watch: Which among E.A.T., Eat Bulaga!, and It's Showtime delivered the best episode?

KC CORDERO: Masaya at makulay ang opening number ng July 1, Saturday, episode na ang malinaw na mensahe ay isa itong "celebration" at lahat dapat ay "happy."

Habang iwinawagayway ng 402 studio audience ang mga makukulay na lobo ay kinakanta naman ng male hosts na sina Paolo Contis, Isko Moreno, Betong Sumaya, Buboy Villar, Kimpoy Feliciano, at Yasser Marta ang "Celebration" ng Kool & The Gang.

eat  bulaga

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagtuluy-tuloy ang party mood sa performances ng co-hosts na sina Glaiza de Castro, Winwyn Marquez, Dasuri Choi, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, kasama ang Music Hero Band at ang guests na sina Tuesday Vargas at Faith Da Silva.

eat bulaga

(From left) Yasser Marta, Tuesday Vargas, Music Hero Band vocalist, Faith Da Silva, and Kimpoy Feliciano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli ay nagsama-sama silang lahat para sa pagkanta ng "Happy" ni Pharrell Williams.

eat bulaga hosts

Eat Bulaga! hosts singing "Happy"

In fairness, punung-puno ng energy ang opening number. Nakatulong nang malaki ang participation ng audience, na nakatayo lahat habang iwinawagayway ang mga hawak na lobo, kaya naging buhay na buhay.

eat bulaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ERWIN SANTIAGO: Pagkatapos ng high-energy opening ay medyo sumeryoso ang atmosphere.

Ito ay nang pag-usapan ng hosts, partikular na sina Paolo at Isko, ang tinatawag na elephant in the room: ang pagtatapat ng tatlong noontime shows sa magkakaibang channels.

Kung tutuusin, ang Eat Bulaga! ng TAPE Inc. (Television And Production Exponents) ang dehado sa tapatang ito dahil walang ina-anticipate ang publiko na extra special sa kanilang Saturday episode, samantalang highly anticipated ang ilalabas ng It's Showtime at ng E.A.T. ng TVJ na nagkaroon pa ng launching at presscon.

Pero maagap sina Paolo at Isko sa pag-set ng tone. Sinabi nilang wala silang planong makipagkumpitensiya sa kasabayang shows. Tulong at saya lamang daw ang gusto nilang ihatid sa mga manonood.

In fact, winelcome at kinongratulate nila ang mga katapat na programa bilang pagpapakitang friendly competition ang nangyayari ngayon sa noontime TV viewing.

At ang makikinabang daw nito ay ang mga manonood dahil mas marami na silang pagpipilian, na sabi nga ni Yorme ay "para nang buffet."

Na sa tingin ko ay totoo at tama. Dapat namang ang tao ang makinabang sa mga kaguluhang nagaganap.

Magandang wala nang maaring kampante sa alinman sa tatlong shows. Pahusayin, baguhin, iangat ang kanilang spiels at jokes, contests at games, prizes at guests. At biruin mo, mula Lunes hanggang Sabado, linggo-linggo, nasa kanila ang pressure to deliver the best entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Eat Bulaga! congratulates TVJ on its new noontime show, welcomes It's Showtime to its new home

paolo contis isko moreno eat bulagaPaolo Contis and Isko Moreno congratulate TVJ and It's Showtime

ERWIN SANTIAGO: Kapansin-pansing bagamat maraming hosts ang Eat Bulaga!, karamihan ng spiels, o ang mas madalas nagsasalita, ay sina Paolo at Isko, marahil dahil sila ang pinaka-senior at mas may experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga pagkakataon namang nagkakasapawan ang dalawa. Halimbawa, kapag nagsasalita si Paolo ay sisingit si Isko. Madalas ay hinihintay muna ni Isko makatapos si Paolo siguro dahil nauna namang naging host si Paolo sa Eat Bulaga!.

Pero sa isang noontime show na karamihan ng nanonood ay masa, tingin ko ay mas kuha ni Isko ang atensiyon ng publiko. Naging politiko siya at nangalap ng boto, alam niya makipag-usap. Natawag pa nga siyang Yorme, na binaligtad na Mayor.

Kumpara kay Paolo na hindi pa gaanong bihasa sa paghu-host ng live show—na ibig sabihin ay madalas hindi scripted ang susuunging interbyu—dahil ang training nito ay mas bilang aktor.

May mga moment din namang ang ibang co-hosts, partikular na sina Betong at Buboy, ang nagbibigay ng comic relief.

Dahil isang buwan pa lang silang magkakasama, understandable kung hindi pa ganung kasolido ang chemistry ng hosts. Malaking room pa for improvement. Kelangan lang magkasama pa sila nang mas matagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

KC CORDERO: Bumawi ang Eat Bulaga! sa pamimigay ng naglalakihang papremyo! Wala man ang famous former hosts, ang TVJ at Dabarkads; at hindi man todo ang promotions ng show, ipinagpatuloy naman ang tradisyon ng papremyo ng producers ng longest-running noontime show.

Pasabog ang cash prizes na ipinamudmod sa mga manonood kahapon, July 1!

Lalo pang nabuhay nang husto ang studio audience dahil matapos ng opening number ay namigay agad ang hosts ng tig-PHP1,000 sa lahat ng nanonood sa loob ng studio.

Ibig sabihin, sa opening pa lang ay PHP402,000 agad ang pinakawalang papremyo ng TAPE Eat Bulaga!

eat  bulaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Betong Sumaya hands out P1,000 each to studio audience.

May 100 televiewers namang nakatanggap din ng tig-PHP1,000 sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code na naka-flash sa screen.

Bukod dito, binanggit nina Paolo at Isko na sa araw na iyon ay mamimigay ang show ng limang smartphones.

Inanunsiyo: 20 winners ang makatatanggap ng PHP5,000; 2 winners ang makakakuha ng PHP50,000; at 1 winner ang pinakamasuwerteng tatanggap ng tumataginting na PHP100,000.

Chill din ang naging paglalaro ng games na nilahukan ng hosts, gaya ng "Ikaw Ang Pinaka," pero ang audience pa rin ang mag-uuwi ng premyo.

eat bulaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mavy Legaspi (center) plays for a studio contestant in "Ikaw Ang Pinaka" segment

ERWIN SANTIAGO: Isa sa pinaka-inaabangang segment sa Eat Bulaga! ay ang "G sa Gedli," na tila bagong version ng "Sugod Bahay" ng TVJ noon. Dito ay pupuntahan ng hosts ang masuwerteng viewer at bibigyan ng cash prize at iba pang papremyo.

Dito sa "G Sa Gedli" ay lumalabas ng studio sina Isko at Buboy upang maghanap ng mga ordinaryong tao—na karamihan ay mga maliliit na manggagawa—para bigyan ng pera.

Dati-rati ay sa paligid lang ng APT Studios naghahanap sina Isko at Buboy ng masuwerteng bystanders na bibigyan nila ng cash.

Kahapon ay dumayo sina Isko at Buboy sa Santolan, Pasig City, kung saan pinagkalooban nila ng PHP30,000 ang isang ginang na nagtratrabaho sa isang maliit na karinderya.

eat bulaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isko at Buboy kasama ang ginang na may anak na nag-aaral ng Criminology at laging nangungutang ng pambayad sa matrikula, at nangungupahan ng bahay.

eat bulaga

Napaluha ang ginang nang abutan siya ng PHP30,000 nina Isko at Buboy

Sa ganitong segment mas nagsa-shine si Isko, para sa amin. Gaya ng nabanggit namin, hasang-hasa ang dating mayor ng Manila sa pakikipag-usap sa mga tao dala na rin ng kanyang paglaki sa Tondo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naiintindihan niya ang mga malalalim na termino gaya ng "nangangamuhan"—na ibig sabihin ay tumatao sa tindahan na iba ang may-ari. Madali niyang nailalabas sa mga napipiling winner, na kadalasan ay mga mahihirap ngunit nagsisikap sa buhay, ang mga saloobin nila.

Sa tingin din namin ay nakakatulong ang paglabas nina Isko at Buboy upang mas maging pamilyar sila sa publiko bilang bagong hosts ng Eat Bulaga!.

Ang negative effect lang nito ay kinukuyog sila ng mga tao sa pag-asang sila ang mapiling bigyan ng papremyo.

eat bulaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ERWIN SANTIAGO: Bukod kina Tuesday Vargas at Faith Da Silva, guest performers din sa Eat Bulaga! kahapon si Andrew E. at ang bandang Aegis, na parehong patok sa masa.

andrew e. eat bulaga

Andrew E.

aegis eat bulagaAegis performing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-guest judge naman sa segment na "Hey! Mr. Rider," isang talent search para sa mga delivery riders, sina Klay Pineda at Kim Atienza.

eat bulaga

Kim Atienza (extreme left) and Klea Pineda (second from left) join the judging panel of "Hey! Mr Rider"

KC CORDERO: Sa kabuuan, walang gaanong bagong excitement sa Eat Bulaga! nitong July 1, kumpara sa mga karibal nitong noontime programs. Pero naitaas nila ang interes ng manonood dahil sa mga papremyo at game segments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit kung nais i-reclaim ng Eat Bulaga! ang pagiging No. 1 noontime show sa bansa, dapat ay gawin pa nilang mas kaabang-abang pa ang programa.

Hindi sila dapat maging pakete lamang ng 44-year-old noontime show na nilagyan lang ng bagong hosts. Kailangan nilang makasabay sa madalas na pagpapalit ng It's Showtime ng mga mga pakulo, at sa hukbo ng fans ng TVJ. Kahit sa noontime shows, totoo rin ang kasabihang content is king and community is queen.

KC Cordero

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Halatang hindi pressured ng producers ang new hosts ng Eat Bulaga! kahit pa kasabay ng kanilang first monthsary ang pag-ere ng TVJ sa TV5 at ng It’s Showtime sa GTV.
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results