Aminado si Carla Abellana na malaki ang naitulong ng kanyang mga pets para makayanan at malagpasan ang mabigat na pinagdaanan niya sa buhay noong nauwi sa hiwalayan ang ilang buwan pa lamang nilang pagsasama ng asawa niyang si Tom Rodriguez.
Ayon sa Kapuso actress, ang limang alagang aso ang nakasama niya at naging kaagapay sa mabigat na pagsubok na kanyang pinagdaanan.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa nakaraang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) press conference para sa kanilang Artists Against Animal Cruelty campaign, pati na rin tungkol sa enactment ng Administrative Circular No. 5 regarding the protection of animals in media and entertainment na ginanap sa Gerry's Grill Ali Mall, Cubao, Quezon City noong nakaraang June 22.

Lahad niya, "Sila kasi ang kasama ko 24/7. At the end of the day, sila ang uuwian ko, sila ang mga kasama ko, sila ang mga una kong nakikita paggising, sila yung laging tagasalubong.
“Minsan nakakaawa, kasi ayaw mong ipakita na affected ka or malungkot, pero mahirap ding pigilan at kahit pigilan mo, alam nila, e. Di ka man umiyak sa harapan nila o magalit, nararamdaman nila agad.
"Pag ganun, tanggapin mo na lang yung binibigay nilang lambing o pagmamahal. Napaka-important, kasi di naman laging may loved one ka, relatives, bestfriends na available. E, sila nandiyan, di nawawala sa tabi mo. No matter what, sila ang kasama mo."
CARLA THANKFUL FOR PETS DURING PANDEMIC YEARS
Ayon din sa Kapuso actress, napakalaking tulong din ng mga alaga niyang aso nung panahon ng Covid-19 pandemic.

Pag-amin niya, "Ako honestly, I don't know what l will do without the support of my pets, lalo na nung pandemic na kaming mga artista nagkakaroon kami ng lock-in tapings…
“Pag nagkakaroon kami ng separation anxiety sa aking mga pets pag nalalayo ako sa kanila isang buwan, dalawang buwan. Dun ko mas nakita pa yung need and importance ng pagmamahal nila."
CARLA ALARMED BY RISING CASES OF ANIMAL CRUELTY
Pero kung malaki ang naitulong ng mga alagang hayop sa mental health natin nung panahon ng pandemic, malungkot din na binalita ni Carla na mas dumami ang kaso ng animal cruelty nung pandemiya.
Dagdag niya, "I-share ko lang na nung pandemic, mas tumaas pa ang cases ng animal cruelty. In fairness, marami ang nag-alaga, mas marami ang nag-open to having pets, taking care of their pets, but if you see the records, you see the numbers, mas tumaas yung cases ng animal cruelty.
“Nakakalungkot, pero ang mas nakakalungkot, walang gaanong nagawa because of lock down for many months. Kawawa na di nare-report ng tama, di napoproseso ng tama, but in terms of mental health, aware naman siguro tayong lahat na there is animal support.
“Sa ibang bansa nga they really encourage, push na talagang mag-alaga ng pets particularly dogs, kahit nga birds or isda. Napakalaking tulong sa mental health kasi nalilibang ang attention mo and nakakatanggap kayo ng love, ng care sa isang living being na walang ine-expect, di nagdya-judge, nagagalit, yungmga ganung bagay.”
CARLA MORE APPRECIATIVE OF PETS’ UNCONDITIONAL LOVE
Marami ang nakakaalam kung gaano kamahal ng aktres ang mga alaga niyang aso, at kung gaano siyang kapursigido sa pagsulong ng kanyang mga advocacy para sa animal rights at animal welfare.
Pabirong natanong si Carla na kung papipiliin siya ngayon, mas mahal ba niya ang mga alagang aso kaysa sa tao lalo na sa mga nakasakit sa kanya?
Pag-amin niya, "Mas mahal ko ang mga hayop kaysa sa tao. Totoo yan, di ako hesitant, takot o nahihiyang sabihin.
“Ang mga animals, they do not judge, they do not hurt you, di sila nagagalit, they will love you unconditionally kahit na masaktan mo sila or binigo mo sila. Mas madali at mas masarap magmahal ng hayop. Kung papipiliin ako, hayop na lang kaysa tao."
CARLA HAPPY ABOUT AMENDMENTS TO ANIMAL WELFARE ACT
Isa sa isinulong ng PAWS at ng ibang animal welfare organization ay ang Circular No. 5 para sa proteksyon ng mga hayop na ginagamit sa media at entertainment industry tulad ng telebjsyon, pelikula at iba pang platforms. Masaya si Carla na na-amended na ang naturang batas para mapangalagaan ang buhay ng mga hayop na ginagamit sa entertainment industry.
Paglinaw ni Carla, "Ay, kulang! Kung tutuusin, kulang, although amended na ang ating Animal Welfare Act, which is something we're very grateful for.
“Nakikita ko yung need sa pag-amend sa kanya kasi di puwede na napag-iiwanan tayo ng panahon.
“Dapat talaga mas maging harsher pa yung penalties and all that. Hindi enough, parang tap on the wrist lang siya. Kung tutuusin walang gaanong impact o epekto sa mga criminals o gumagawa ng ganitong kasamaan sa hayop.
“Where we at right now sa Animal Welfare Act, more than enough na yun coming from bago yun ma-amend.
“Pero sana mag-progress pa siya, sana mas stricter yung implementation, yung punishment. But at least ito, parang another branch, milestone siya kasi involving the media and entertainment industry.
“In-apply na natin siya sa napakalaking industriya na malaki din naman ang naitutulong sa government and malaki din ang responsibilities sa mga tao, sa mga manonood.
“I see it as a necessity kasi media yan, e. It's where people get information, entertainment. Dapat nga tayo ang maging example, tayo yung nagpi-feed ng tamang information.
“Dapat tayo yung nagpo-promote ng good and ng tama. I'm glad na nagko-comply naman din yung mga major networks, mga producers, so sana ma-apply sa lahat. Tuluy-tuloy na yung pag-comply."
Tinanong din namin ang Kapuso actress kung marami na bang nakulong at naparusahan sa mga taong nanakit at kumitil sa buhay ng mga hayop dahil parang kaunti lamang ang nababalita na nalapatan ng kaukulang parusa sa mga lumabag.
"Ay, marami na! Di lang sila naka-publicize but sa tulong ng PAWS at ng ibang organization, ng shelters, napakadami na,” masaya niyang pahayag.
“Kung tutuusin, napakarami na ng cases of animal cruelty on a daily basis. Unfortunately, di lahat nakakapag-gather ng evidence or di nakakapagsulat ng affidavit. Yung mga witness ay di dumadaan sa tamang avenue or di sila nagpa-follow through.
“Yun ang problema kung bakit di na siya umaabot sa pagsampa ng kaso, so medyo napapabayaan.
“Pero in fairness, napakarami. Di lang siguro aware kung paano i-public, pero there are lot of pet owners, mga animal lovers advocates, regular people who are compassionate to animals na nagre-report talaga na umaabot sa korte yung kaso.
“Marami nang nakulong, marami nang nagbayad ng penalties, and thankfully, nandun yung support ng government. They take it very seriously din. Di yan sinasantabi lang ng korte, napakadami nang nakulong at nagbayad din."
