PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

E.A.T.'s TV5 Debut: Laughs and Tears

A show of star power, family reunion, numerous ads, and tears.
TVJ on TV5, EAT
A show of star power, family reunion, numerous ads, and tears. The TVJ were filled with mixed emotions as they returned to TV via 'E.A.T.' on TV5 a month after their controversial 'Eat Bulaga!' exit.
PHOTO/S: Maine Mendoza / TVJ Facebook

#BattleOfNoontimeShows
Ang It's Showtime, na binitiwan ng TV5, ay may grand comeback sa GTV, kapatid na istasyon ng GMA-7. Ang welcome hype ng TV5 ay ibinuhos sa E.A.T. ng TVJ, ang kinikilalang mga hari ng noontime programming na lumipat mula GMA-7. Ang Eat Bulaga!, the country's longest-running noontime show, ay lumalarga pa rin sa GMA-7. Lahat sila ay sabay bumulaga sa Free TV noong Hulyo 1, 2023.

Kaiba ang excitement sa tanghalian ng araw na iyon. Masasabing binigyan ng #BattleOfNoontimeShows ng bagong buhay ang TV! Dito sa PEP.ph, nagtalaga kami ng tiggalawang writers para tutukan ang bawat show. Ito ang kanilang maramdaming opinyon sa pinanood.

Si Khryzztine ay literal na kinilabutan nang makita muli ang TVJ sa telebisyon. Ganoon siya ka-fan! Gusto pa niyang bigyan ng "10 claps at 5 pandyak" ang hosts ng E.A.T. kahit nag-iisa siya sa harap ng TV.

Si Rachelle naman ay aprub sa strategy at styling ng pilot episode ng TVJ at Dabarkads, pero gusto sana niyang matanong si Vic kung paaano nito prino-process ang feelings na ilalabas o hindi ilalabas sa publiko. Hindi kasi naging masalita si Vic sa nagdaang kontrobersiya, pero marami itong ibinuhos na luha sa kanyang pagbalik-TV. At gusto rin sana niyang maibulong kay Joey na sana ay mawala na ang sexist humor. Lalo na't ang tindi na ng wit ni Joey nang wala ang laylay na iyon. Overall, thumbs up ang dalawa sa E.A.T. ng TVJ!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KHRYZZTINE BAYLON: The wait is finally over!

Sa wakas, ang isa sa kinagigiliwang noontime shows sa bansa ay nagbalik na sa telebisyon. Bagamat may bago na itong bihis at pangalan, hindi naman nawala ang nostalgia at ligayang hatid nito sa Dabarkads.

Napa-“memories bring back memories” ako habang pinapanood ang kilalang original cast ng noontime show na Eat Bulaga! na ngayo’y nasa TV5 na at kinilala sa bagong programa na may pangalang E.A.T..

Nakakasabik na muling makita ang mga pamilyar na mukha sa telebisyon. Biruin mo iyon, halos ka-edad na ng nanay at tatay ko ang TV show nila, pero naabutan pa naming mga Gen Z!

Napapaisip nga ako kung may magic ba ang TVJ—ang sikat na triumvirate na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—o isinanla kaya ang kaluluwa para lalong mahumaling ang tao sa kanila? Eme.

Pero ano nga kaya? Ah, basta! Bahagi sila ng makulay na kasaysayan ng telebisyon at alam kong hindi na mabubura yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dabarkads

RACHELLE SIAZON: Wow, Khryzztine! Fan na fan ka pala ng TVJ at Dabarkads!

Isang buwan ding silang hindi napanood sa telebisyon mula nang mag-alsabalutan sa Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.), ang producer ng longest-running noontime show na Eat Bulaga!

Nasubaybayan natin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang buong kuwento ng rollercoaster of emotions na dinaanan ng TVJ at Dabarkads nitong nagdaang tatlong buwan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mula sa takot at pangamba kung makakapagbigay-saya pa sila sa programang binuo, pinalaki, at pinasikat nang husto, hanggang sa pag-alma at pagtalikod nila sa mga pagbabagong dala ng pagpasok ng bagong management ng TAPE.

Narinig din natin ang panig ng bagong management ng TAPE, na pinangungunahan ng magkapatid na Jon at Bullet Jalosjos, na nagbigay ng detalyadong paliwanag na nasa gitna pa sila ng negosasyon sa TVJ nang biglang kumalas ang big three.

Ang tindi na isyu!

Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

Kita mo naman, apektado ang landscape ng Philippine TV mula nang mag-"exodus" ang TVJ at Dabarkads. Nagkarigodon ang mga TV network at may mga naisilang na bagong noontime show in a span of one month.

In five days ay nag-reformat ang Eat Bulaga! ng TAPE sa GMA-7; in one month may bagong show ang TVJ at naglipat-bahay sa TV5, at in one month ay hindi na-renew ang It's Showtime ng ABS-CBN sa TV5 kaya lumipat sa GMA-7-affiliated network na GTV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aaminin ko na... Nanonood ako ng noontime shows, pero hindi ko masasabing masugid na tagasubaybay ako.

Ang tanging masisiguro ko ay hindi man ako madalas manood, sinisikap kong regular na silipin ang paandar ng bawat noontime show dahil siyempre kailangan updated tayo. Hindi puwedeng pahuli dahil parte iyan ng trabaho natin sa entertainment media.

At sa pagpapatuloy ng kuwento ng TVJ kasama ang tinatawag nilang "legit Dabarkads," tinutukan natin ang first day nila sa kanilang bagong programang E.A.T. sa bagong tahanang TV5.

TVJ throwback photos on Eat Bulaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


RACHELLE SIAZON:
Pasiklab ang grand welcome ng TV5 sa TVJ at Dabarkads.

Big deal sa showbiz ang isang network transfer, pero kung bigatin ang mga artistang naglipat-bahay, sasabog at sasabog ang mundo. E, eto, hindi lang isa, kundi sampu silang nag-transfer!

Kahit maliit ang studio ng TV5, binonggahan ang production number na flash mob sa tapat ng TV5 building sa may Reliance Street sa Mandaluyong City, kunsaan inabangan ang grand entrance ng hosts.

May aerial shots din ng lugar kaya kita ang energy ng performers at ramdam ang excitement ng mga empleyadong naroon para sa big event.

TVJ

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pa-suspense pa dahil sinadya nilang magpadaan ng dark-tinted luxury SUVs na may plate number na "TVJ" o "TVJ to TV5" kaya aakalain mong doon na nakasakay ang TVJ. Iyon pala ay sakay sila ng Mercedes Benz G-Wagen na mismong si Tito ang nagmamaneho, habang si Vic ay nasa shotgun seat, at si Joey ang sa backseat.

Swak din ang energy nina Gretchen Ho, Kaladkaren, at Tito Mikee na nag-aabang sa driveway ng TV5.

Hinighlight nila ang hinanda ng TV5 na watch party sa ilang bahagi ng Metro Manila, pati na sa mga probinsya tulad ng Cebu, Zamboanga, at Butuan.

Kasali sa watch party sa Butuan si TV5 at MediaQuest Inc. chairman Manny V. Pangilinan.

May 51 percent stake ang MediaQuest sa TVJ Productions, na producer ng E.A.T., kaya full force ang pag-welcome ng Kapatid Network sa TVJ at Dabarkads.

Eksaktong 11:45 a.m. dumating ang van sakay sina Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Allan K, at Ryzza Mae Dizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May dala-dala pa silang mga kahon na props para sa lipat-bahay nila sa TV5. Galing ng idea!

Mainit ang pagbati nila sa TV5 execs na sumalubong sa kanila.

Lipat-bahay of Dabarkads

Pero mas agaw-pansin ang nakahilerang banners ng 19 ad sponsors na sumuporta sa bagong show ng Dabarkads.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ad sponsors: Ritemed, Alaxan FR, Ceelin Plus, Solmux, Immunpro, Lalamove, Cignal, Zonrox, Puregold, Aling Puring, Palawan Express, Hanabishi, Smart, Bingo Plus, Dartek, PLDT Fiber Unli Home, Kopiko Blanca, at McDonald's.

Tadtad din ang buong duration ng show ng portions na may special shoutout para sa mga ito.

Win-win ito para sa TVJ at sa advertisers lalo pa't maraming tumutok sa show. Sa TVJ Facebook page lang ay may lampas 350,000 ang peak number of real-time viewers.


KHRYZZTINE BAYLON:
Isa ako sa libu-libong nag-abang sa muling pag-ere ng kinalakihan kong noontime show. In fairness, sa opening pa lang ng kanilang programa nitong July 1, 2023, halatang masusi itong pinag-isipan.

Style fiesta ang peg!

Sinalubong ang mga hosts ng sayawan ng mga Tita’s of Manila na animo’y katatapos lang mag-Zumba. Complete props pa ang mga ito mula sa mga hawak na lobo, banner, at pompoms.

TVJ on TV5

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre, highlight ng kasiyahan ang pagdating ng mga hosts—Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, at Carren Eistrup.

Sakay sila ng isang puting van. Ang galing nga, pagbaba palang nila ng sasakyan sa harap ng TV5 Network sa Mandaluyong ay kinareer na ang pag-promote sa kanilang major sponsors.

Very maka-masa rin ang gamit nilang kanta habang papasok ng studio. Sino ba kasi ang hindi alam ang kanta ng Pinoy rock band na Sandwich na “Sugod?” Very timely at relevant din ang lyrics ng kanta dahil sa catch phrase nitong “Kapatid.”

Narito ang chorus ng kanta:

“Sugod mga kapatid
Tayo ay magsama-sama
Iwagayway na ang bandera
Rock 'n' Roll
Hanggang umaga.”

Jusko, LSS malala!

Goosebumps naman ang pagdating ng iconic trio na TVJ. Ewan ko ba kung bakit, pero literal na kinilabutan ako habang pinapanood sila. Dagdag mo pa yung pagkanta nila ng Eat Bulaga! theme song. Ay grabe wala akong masabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


RACHELLE SIAZON:
Sa hallway pa lang ng TV5 bago pa makapasok ng studio ay napaiyak na si Joey de Leon at nahawa na si Vic Sotto. Si Tito ay naging emosyonal din, pero mas makikitang masaya siya habang pinagmamasdan ang life-sized photos ng Dabarkads na nakadisenyo sa wall.

Ano kaya ang sumagi sa isip nila noong mga oras na iyon? Sa TVJ, si Vic ang pinakakaunting beses na naringgan ng kanyang saloobin sa nangyaring Eat Bulaga! ending.

Tito, Vic, and Joey

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa mga luha ni Vic sa first day ng TVJ sa TV5, bakas na lubos itong nagdamdam at malalim ang hugot nito sa isyu.

Interesado akong mas malaman pa sana kung paano niya pinoproseso ang mga kaganapan. Pabirong sinisi ni Vic si Joey na nauuna sa pagiging emosyonal kaya raw nahahawa siya.

Malinaw na very attached ang TVJ sa mga salitang "Eat Bulaga!" dahil kakabit pa rin ang "E.A.T." sa bagong TVJ show sa TV5. Hindi naman kataka-taka dahil 44 years nga naman ang binuno nila para mabuo at mapasikat ang noontime show.

READ: Vic Sotto on Eat Bulaga! trademark: "Kukunin lang ng kung sinu-sino? Aba! Hindi puwede."

Simple pero malaman ang mga pahaging ni Tito na ang E.A.T. ay acronym para sa "Eto Ang Tunay" o kaya ni Joey na "Eto Ang Truth."

Waring ayaw nilang makalimutan ng publiko na may pinaglalaban pa silang Eat Bulaga! trademark. Gusto rin siguro nilang bigyang-diin ang journey na dinaanan nila sa loob ng higit apat na dekada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kay Vic naman nanggaling ang spiels tungkol sa patuloy na paghihintay ng TVJ sa "pag-uwi ng pangalang itinawag sa amin for almost 44 years."

Tila mahaba-haba pa ang lalakbayin ng legal issue na iyan.

Read: TVJ's new show on TV5 is called "EAT"; TVJ yet to reclaim Eat Bulaga! name

Ang mismong pagbansag ng TVJ sa kanilang grupo bilang "legit Dabarkads" ay isa pang patutsada na waring nagsasabing hindi orig ang pumalit sa Dabarkads hosts sa nilisan nilang show ng TAPE.

Liban sa mga ito ay wala silang direktang mensahe para sa pamilya Jalosjos o sa Eat Bulaga! na umeere sa GMA-7.

Read: Vic Sotto blurts out "Eat Bulaga!" while hosting new TVJ noontime show on TV5

TVJ with Maine Mendoza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KHRYZZTINE BAYLON: Pagdating sa hosting, gusto ko bigyan ng 10 claps at 5 pandyak ang mga host ng E.A.T.

In fairness ha, very natural talaga sila sa pagho-host at pagbibitaw ng spiels. Sabagay, noong nasa GMA-7 pa naman ay grabe na ang kanilang hosting skills.

Pero napansin ko lang, walang masyadong say ang mga co-hosts ng TVJ. Dahil ba pilot episode ito at ang TVJ ang gusto munang i-highlight? Ano nga kaya?


KHRYZZTINE BAYLON:
Sa usaping segments, personally masasabi ko na nakaka-miss din pala ang mga dating segment ng TVJ.

Sa bagong bihis kasi ngayon na E.A.T. ay wala ang sikat nilang segment na "Juan For All, All For One" maging ang exciting na "Bawal Judgemental."

Inabangan ko pa naman ang mga ito dahil sa isang interview ni Maine sinabi niyang ang mga kinagiliwan at minahal na mga segment ng Eat Bulaga! sa GMA-7 ay magpapatuloy sa bago nilang istasyon.

Gayunpaman, nag-enjoy ako sa bagong segment ng TVJ na "Da Bar: The Dabarkads Eatery." Parang may pagkakahawig din kasi ito sa "Bulagaan," isa sa sikat na segments sa Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Da Bar Dabarkads eatery"

Tumatak din sa akin ang nakakatawang jokes ng JoWaPao—ang trio na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballestero. Kuwela rin si Joey.

Aliw din ang panggagaya ni Paolo sa It's Showtime host na si Vice Ganda, habang si Ryan naman ay ginagaya ang misis na si Judy Ann Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kagandahan pa nito, ang segment host ng "Da Bar" na si Ryzza Mae Dizon ay hindi nagdadalawang-isip lumapit at makipag-communicate sa audience.

Sana lang, sa susunod na mga araw ay madagdagan pa ang mga segment na magbibigay-saya sa mga Dabarkads. Kung puwede nga sana, yung mga segment nila sa Eat Bulaga! ibalik na nila.

Over all, nag-enjoy at nasiyahan ako noong Sabado.


RACHELLE SIAZON:
Tamang-tama lang naman sa akin ang strategy ng TVJ na isentro sa lipat-bahay nila sa TV5 ang tema ng pilot episode ng E.A.T..

Importante kasi iyong maitahi ang journey ng kanilang Eat Bulaga! ending doon sa TAPE at sa kanilang E.A.T. beginning sa TV5.

Inabangan din talaga ng viewers kung gagamitin pa rin ng TVJ ang Eat Bulaga! na title dahil sa previous interviews ay sinabi nilang sila ang may karapatan dito.

Kaya kita mo, Khryzztine, sinadya nilang sa dulo ianunsiyo ang title na E.A.T. para may element of surprise pa rin at para tumutok ang viewers hanggang sa matapos ang telecast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So far, sapat sa akin iyong isang segment na pinakilala nila ang mga dapat abangan na segments sa E.A.T..

Habang may production number ay flinash sa LED screen ang titles ng gagawin nilang segments na kahawig sa mga pinasikat nilang segments sa Eat Bulaga! noon.

Una na rito ang "Babala 'Wag Kayong Ganuuun" na mala-"Bawal Judgemental" at iyong "Oo, Hindi, Pwede" na mala-"Pinoy Henyo."

Hindi talaga magagamit ng E.A.T. ang "Pinoy Henyo" at "Bawal Judgmental" dahil nakarehistro sa TAPE ang segments na iyan, base sa datos ng World Intellectual Property Organization (WIPO) na nakita ng PEP.ph.

Read: Jalosjos brothers on trademark war: "We have the papers to prove we own Eat Bulaga!"

Bago naman ang konsepto na "Vortas 5" na body-building contest para sa kalalakihan at "Password Please" na papremyo sa lucky home viewers.

Ang iba pang segments na aabangan ay "That's My Boyfriend," "Lock Baby Luck," at "Wala Ka Sa Apo Ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


RACHELLE SIAZON: Para sa pilot telecast, nagustuhan ko na nagpokus sila sa "Da Bar Dabarkads Eatery" na mala-"Bulagaan" nga ang format.

Dito ay hinati muli ang Dabarkads sa tig-dalawa o tig-tatlo na grouping para sa kani-kanilang talent portion na may halong skit at banter ng hosts. Bigay-todo sila sa kani-kanilang performance.

Bilang mga likas na komedyante, standout ang performance at natural na kakulitan nina Jose Manalo at Wally Bayola pagdating sa skit habang si Tito Sotto ay kunwa'y tine-test ang kanilang skill sa song interpretation.

Jose Manalo and Wally Bayola on EAT

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo may kaunting inip factor lang nang pumunta sa kung saan si Jose para kumuha ng microphones nila ni Wally, na sana ay mabilis na naihanda para maiwasan ang lag time.

Gusto ko rin ang mash-up nila Vic Sotto at Maine Mendoza sa "Da Bar." Kumanta si Vic ng "Awitin Mo At Isasayaw Ko" ng VST & Company, ang '70s disco band kunsaan miyembro sina Vic at Tito.

May comedy at modern twist dahil si Maine ay kumanta ng "Oops I Did It Again" ni Britney Spears, at ginaya niya ang signature singing voice nito na may nginig factor.

Maganda iyang "Da Bar" para ma-highlight ang galing ng Dabarkads sa live performance at impromptu banter.

Si Joey de Leon ay nagpamalas pa ng sariling composition na music riddle songs para sa talent portion nila nina Ryan Agoncillo at Paolo Ballesteros.

Ryan, Paolo, and Joey channel Judy Ann Santos, Vice Ganda, and Tito Sotto for their Da Bar OOTD

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


RACHELLE SIAZON: Maganda na sana ang intention na maging malikhain sa pagpapatawa sa pamamagitan ng pagdaan nito sa kanta, kaya lang ay off-putting ang sexist humor ng kanta.

Ang isang riddle ay tungkol sa babaeng madalas katabi sa pagtulog ang alagang aso, pero kalaunan ay "binugbog ng asawa" dahil nahuling kasama niya ang kapitbahay na "katabi sa kama."

Ang isa pang riddle ay tungkol sa "lumang tao" na sina Maria Clara at Ibarra kunsaan sinuot daw ni Ibarra ang "panty na napakaliit" na para dapat kay Maria Clara. Nainis pa raw si Ibarra "sa nakalawit... itiketa."

Sa panahon ngayon na marami ang mulat sa isyu ng gender discrimination, iwasan na sana ang jokes na nakakalaganap ng prejudice at double standard mapa sa babae o lalake.

Higit sa lahat, hindi bagay ang ganitong jokes sa noontime slot kunsaan maaaring ma-pickup ito ng mga batang manonood.

Tall order din para sa mga artista, lalo na't sa lawak ng kanilang impluwensiya, na maging responsable sa mga bagay na maaaring gayahin ng mga umiidolo sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


KHRYZZTINE BAYLON:
Full force ang pamilya ni Vic na nanonood ng live sa studio ng TV5.

Nanguna ang asawa ni Vic na si Pauleen Luna, na nakisayaw pa sa impromptu number kasama ng Dabarkads.

Nasa studio rin ang mga anak ni Vic na sina Danica, Oyo, at Pasig City Mayor Vico. Kasama rin ang mister ni Danica na si Marc Pingris, at misis ni Oyo na si Kristine Hermosa.

Dabarkads with their families

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamilya ni Tito Sotto, spotted ang mga anak niyang sina Ciara, Diorella, Romina, at Gian Sotto. Kasama rin ni Gian ang misis niyang si Joy.

Nakita rin sa camera ang kapatid nina Tito at Vic na si Maru. Naroon din ang magandang asawa ni Joey na si Eileen Macapagal, pati na rin mga anak nilang sina Jako at Jocas.

O, di ba? Nagmistulang family reunion ang pilot episode ng E.A.T..

Bongga rin ang guest appearance ni Megastar Sharon Cuneta.

For sure, na-touch ang TVJ sa message ng Megastar sa kanila. Dagdag mo pa rito ang madamdamin niyang pag-awit ng dalawa sa kanyang hit songs na “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” at “Bituing Walang Ningning.”

Ang funny na habang binabanggit ni Sharon ang lyrics na “Balutin mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal,” hango sa kantang “Bituing Walang Ningning,” makikita ang Dabarkads na sina Jose at Wally na nasa buffet area at nagbabalot ng pagkain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kita rin ang saya ng iba pang studio audiences, relate na relate, dahil for sure isa sila sa mga Sharonians na maiintindiahn ang pagbalot ng tirang handa.

TVJ with Sharon Cuneta

RACHELLE SIAZON: Very family reunion nga ang vibe ng pilot telecast ng E.A.T..

Ang saya makita ang instant reaction ng mga kapamilya ng TVJ lalo na't nagsisimula sila ng bagong milestone sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gusto ko rin iyong madalas na nagpa-pan ang camera sa audience para kahit na wala silang special number ay ramdam ang presensiya nila sa studio.

Kitang-kita ang iyakan at tawanan.

Read: Pauleen Luna cries, Vico Sotto makes rare appearance at TVJ show pilot telecast

Solb ako sa pilot telecast ng E.A.T. dahil kahit na may portions na may kurot sa puso at nostalgia, mas nagpokus sila sa pagbibigay-saya at pagpapakita ng talento ng Dabarkads.

Sa mga susunod na araw, abangan natin ang paglunsad ng bago nilang segments. Ano ang bagong mga paandar para piliin ng audience na tumutok sa E.A.T. kaysa sa rival shows na Eat Bulaga! at It's Showtime?

MORE STORIES ON #EATBULAGAWAR

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Khryzztine Joy Baylon PEP.ph

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A show of star power, family reunion, numerous ads, and tears. The TVJ were filled with mixed emotions as they returned to TV via 'E.A.T.' on TV5 a month after their controversial 'Eat Bulaga!' exit.
PHOTO/S: Maine Mendoza / TVJ Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results