Kabilang sina Sofi Fermazi at Nicky Gilbert sa Batch 1 na pumirma ng exclusive contract sa NET25 Star Center noong June 26, 2023. Ang NET25 Star Center Batch 1 ay binubuo ng may 27 bagong artists ng NET25.
Ang NET25 Star Center ay ang bagong tayong talent management arm ng NET25.
Binuo ito ng presidente ng NET25 na si Caesar Vallejos at ng creative consultant ng network na si Wilma Galvante.

Ang aktor-direktor na si Eric Quizon at aktres na si Ara Mina ang naatasan bilang head ng NET25 Star Center.

Si Sofi ang kumanta ng jingle para sa Aliw Broadcasting Teleradio na "Pilipinas Ngayon Na!" Napili rin si Sofi ng NET25 para maging bahagi ng promotion ng katatapos lang na two-night concert ng international singer na si Bruno Mars sa Philippine Arena.
Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni Sofi ang kasiyahan at pasasalamat sa tiwalang ibinigay sa kanya ng NET25.
Ani ni Sofi, "A million thanks and congratulations to #BrunoMars Philippines Organization Marketing Team for selecting me to be part of one of the Filipino singers to promote his Manila concert, last day of concert today at the Philippine Arena.
“To my Artists Management and Net25 Star Center family, thank you for this opportunity. Check out my seven Bruno Mars recorded songs on my FB Page.”
Ang pitong kanta ni Bruno Mars na ni-record ni Sofi ay ang "Just the Way You Are," "Billionaire," "Versace on the Floor," "The Lazy Song," "Marry You," "When I Was Still Your Man" at "It will Rain.”
Nag-viral si Sofi sa social media nung kantahin niya ang jingle ni former Manila Mayor Isko Moreno during the presidential election noong 2022.
Si Nicky naman ay isa sa mga artists na kasama sa Summer Station ID ng NET25. Tampok din si Nicky sa TV commercial ng Insular Life at celebrity endorser ng Belinda bags.
Noong Oktubre 2022 nag-audition sina Sofi at Nicky para sa Batch 1 ng NET25 Star Center.
Sa pamamagitan ng Gleam Artists Management ay napag-alaman nina Sofi at Nicky na nakapasa sila sa audition kung saan out of 200 ay 27 lamang ang nakapasok sa Batch 1.
Sina Sofi at Nicky ay nadiskubre sa isang workshop na inorganisa ng Gleam Artists Management at MPJ Entertainment Productions na pinamamahalaan ng actor and director na si Perry Escaño.
Kinakitaan agad ng Gleam team ng potensyal si Sofi sa larangan ng pagkanta at pag-arte, habang si Nicky naman ay nagpamalas ng husay sa pag-arte, hosting, pagsasayaw at pagmo-model.
Dumaan sa matinding training sina Sofi at Nicky sa pag-arte, pagsayaw, hosting, personality development at pagkanta bago pa man sila isinabak ng MPJ Entertainment Productions sa iba’t ibang live events, television and social media shows.
Pormal na inilunsad sina Sofi at Nicky sa idinaos na media launch ng mga bagong talents ng MJP Entertainment Productions last August 2022.
Dito ay ipinakilala rin si Sofi at Nicky as hosts ng online shows na Millenials Lifestyle and Simply Exquisite, respectively.
Hopefully, makasama sina Sofi at Nicky sa youth-oriented show na gagawin ng NET25 para sa mga baguhang artist ng NET25 Star Center. Isa lamang ang youth-oriented show sa mga programang plano nilang simulan ngayong taon.
