Iba raw ang sayang nararamdaman ni Vice Ganda sa kanyang buhay may-asawa.
October 19, 2021, sila ikinasal ni Ion Perez sa The Little Vegas chapel in Las Vegas, Nevada kung saan nagpalitan sila ng wedding vows sa wikang Pilipino.
Read: Vice Ganda reveals Las Vegas wedding with Ion Perez last year
Kuwento ni Vice sa Updated with Nelson Canlas podcast na lumabas ngayong araw, July 4, 2023, “Masaya naman. Masayang-masaya ako ngayon.
“Ibang klase yung joy na meron ako ngayon. Kung dati, happy ako, ngayon, joyful."
Ipinagdasal daw ni Vice ang kaligayahang ito noon pa man.
Dagdag pa niya, “Hindi siya superficial, malalim siya. Yung sayang binibitbit mo, hinahanap-hanap mo. Ganun siya kalalim.
“At saka yun yung ipinagdasal ko. Yung nararamdaman ko ngayon.
"At saka ito yung estado ng buhay ko na gustung-gusto ko. Malalim yung kasiyahan ko.”
Read: Vice Ganda on critics of relationship with Ion Perez: “The noise doesn’t matter.”
Sa Everybody Sing! nitong nakaraang July 1, 2023, nagkuwento si Vice tungkol sa pagkaduwag niya noon na magbahagi ng engagement photos and videos nila ng proposal ni Ion.
Engaged couples kasi ang mga contestant ng show na hinu-host ni Vice noong araw na iyon kaya biglang bumalik sa kanyang alaala ang kalungkutan niya.
Bahagi ng inilahad ni Vice, “Sa inyo, di ba, ang sarap, mayroon kayong mga remembrance, meron kayong pictures, tsaka mga videos.
“Ako, ang una kong nasabi sa mga kasama namin, ‘Burahin niyo yung mga videos,’ kasi ayoko siyang kumalat kasi takot na takot ako.
"’Pag kumalat lang yan, iba-bash lang nila si Ion, iba-bash na naman nila ako, hindi nila i-o-honor yung love.’ Parang nakakainggit kasi ang ganda ng nangyari sa inyo."
Read: Vice Ganda emotionally recalls engagement to Ion Perez: “Ang duwag-duwag ko.”
Read: Vice Ganda-Ion Perez love story: A timeline
