Nagbahagi ng life lessons si Sunshine Dizon sa pagdiriwang ng kanyang ika-40 kaarawan nitong Lunes, July 3, 2023.
Sa Instagram, inisa-isa ni Sunshine ang mga bagay na natutunan niya mula noon hanggang ngayon.
Sabi niya, “So as they say, life begins at forty. Guess will be doing that starting now. Thank you for all the love and support.
“Promise that no matter how others may have painted a different picture of me, I will always strive to be a better human being in spite of and despite of.
“Thank you to those who has never left my side. To those who continued to believe.”
May maanghang din siyang banat sa aniya’y mga nag-judge sa kanya. Patutunayan daw niyang darating ang araw na maipapakita niyang "vindicated" siya.
Ipagdarasal na lamang daw niya ang mga taong nanira sa kanya para sa kanilang pansariling interes.
Dagdag ni Sunshine, “And to those who have judged me unfairly, believe me when I say I will be vindicated.
“And when that day comes I pray you find peace knowing you intentionally ruined one’s name for your own gain.
“I pray you sleep soundly at peace at night knowing ‘the all knowing’ knows the truth.
“Bilog ang mundo minsan sa taas minsan sa baba.
“Matutong sumabay sa agos ng buhay importante wala kang tinapakan at niyurakan.”
Ngayong kuwarenta na siya, isa raw sa pinakaimportanteng leksiyon na natutunan niya ay ang pagpili ng mga kaibigan.
Aniya, “Now that I’m forty the best thing I learned from life is choose your friends wisely and who you allow to come in your circle cause you never know when you’re actually raising a snake you treated as more than a family but will eventually swallow you whole.
“Ask while I can still smile because I’m blessed, you can never put a good woman down.”

