Bumuhos ang pakikiramay ng mga artista sa pagpanaw ng beteranong ABS-CBN entertainment news reporter na si Mario Dumaual.
Kinumpirma ng pamilya ni Mario ang pagkamatay ng TV Patrol Star Patroller ngayong Miyerkules, July 5, 2023.
Read: Veteran ABS-CBN entertainment reporter Mario Dumaual dies at 64
Lubos itong ikinalungkot ng mga celebrity na nakakakilala at nakapanayam ni Mario.
Ilan sa mga naunang nagpaabot ng mensahe sa pagyao ng beteranong reporter ay sina Vilma Santos, Dianne Medina, Jed Madela, at Karylle.
Mensahe ng Star for All Seasons na si Vilma kay Mario (published as is), “Mario … SALAMAT !! Rest in peace. Our condolences and prayers [pray hand sign emojis].”
Si Jed, sinabing halos lahat ng kanyang career milestones ay nasaksihan ni Mario.
Aniya sa kanyang tweet, “Rest in peace, Sir Mario Dumaual [pray hand sign emojis]. You were always present in all my career milestones. Rest now…”
Inalala naman ni Dianne ang masasaya nilang kuwentuhan ni Mario tuwing nagkikita sila sa mga event at coverage.
Kalakip ng post ni Dianne sa Facebook ang video clip kung saan makikita ang pag-feature ni Mario sa TV Patrol sa papalapit noong kasal ng actress-TV host at ng asawa nitong si Rodjun Cruz.
Mababasa sa kanyang caption, “RIP Tito Mario Dumaual. Mamimiss kita sa mga events tito dahil lagi tayong nagkakasabay sa mga events and coverage tapos magkkwentuhan tayo lagi.
“This video I posted ang pinaka fave ko sa mga na feature mo about Me and Rodjun! Praying for you and your family.”
Sabi naman ni Karylle, masuwerte siyang makilala si Mario na inilarawan niyang “kind, sincere, at supportive man.”
Saad ni Karylle, “I’m fortunate to have known such a kind, sincere and supportive man [heart sign emoji]. Praying for him and your family. Our deepest condolences.”
Maging ang aktres na sina Lorna Tolentino, Cherry Pie Picache, Alma Concepcion, Kylie Versoza, Empress Schuck, at Almira Muhlach ay nagpaabot din ng pakikiramay sa pamilya ni Mario.





Ang singer na si Jugs Jugueta, actor-politician Alfred Vargas, at komedyanteng si Atak Arana ay inalala rin ang kabutihan ni Mario noong siya’y nabubuhay pa.



