PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sabrina M. reveals secret with Rico Yan

"After Claudine, naging kami, umabot din ng taon."
by Noel Orsal
Published Jul 7, 2023
sabrina m rico yan secret relationship
Sabrina M. on Rico Yan: “Sobrang bait na tao naman kasi ni Rico, napaka-gentleman at sweet. Kahit sinong tao, mapu-fall talaga kay Rico Yan. Mararamdaman mo sa kanya kung gaano siya ka-sincere sa yo."
PHOTO/S: Noel Orsal / Star Cinema

Isiniwalat ng dating sexy star na si Sabrina M. na nagkaroon sila ng secret relationship ng yumaong Kapamilya heartthrob na si Rico Yan.

Read: Rico Yan: remembering the matinee idol we lost in 2002

Sa kauna-unahang pagkakataon ay kinumpirma ni Sabrina ang mga kumakalat noong balita na nagkaroon sila ng relasyon ni Rico.

Ayon sa kanya, sila pa ni Rico nang pumanaw ang aktor noong March 29, 2002.

"Yes, kami pa noong time na yon," saad ni Sabrina nang makausap siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at ibang reporters sa pocket presscon para sa pelikulang Manang sa Pandan Asean Cafe sa Quezon City, kahapon, July 6, 2023.

Ang rebelasyon ito ni Sabrina at taliwas sa alam ng publiko na si Claudine Barretto ang huling naging nobya ni Rico.

Read: Claudine Barretto still celebrates Rico Yan’s birthday 21 years after his death

Patuloy ng dating sexy star, "About kay Rico Yan, ang image niya kasi is wholesome, habang ako naman ay nagpapa-sexy sa mga pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kapag na-issue kami sa isa’t isa, maraming sasabihin sa akin, kaya mas naging better na itinago na lang namin noong nagkaroon kami ng relasyon."

Dagdag niya, "Ito iyong first time na inamin kong nagkaroon kami ng relasyon. After Claudine, naging kami, umabot din ng taon."

Inilihim daw nila ni Rico ang relasyon nila para makaiwas sa intriga.

“Noong may mga lumalabas na issue tungkol sa amin, dinudurog na agad ako, kasi Rico Yan yan, e.

"Ang daming mga tanong tulad ng, 'Bakit siya pumatol sa isang sexy star?' at 'Bakit siya pumatol sa isang hubadera?'

"Rico Yan is Rico Yan. Bilib din ako sa kanya kasi hindi siya mapanghusga.

"Sa halip, talagang ipinagtatanggol pa niya ako. Minsan sinasabihan niya yong mga ibang reporter na hindi nila kilala kung sino si Sabrina M. kaya dapat wag nila itong husgahan.”

Proud daw si Sabrina na naging boyfriend niya si Rico.

"Siyempre, Rico Yan kasi yan. First time ko pa lang siyang makita, crush ko na siya," sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Sabrina, nagsimula ang ugnayan nila ni Rico nang magkasama sila sa defunct Kapamilya noontime show na Magandang Tanghali Bayan (MTB). Isa sa hosts si Rico, at nag-guest si Sabrina sa show.

Nang tanungin kung paano nila nailihim ang kanilang relasyon, ibinahagi ni Sabrina ang aniya'y naging set-up nila ni Rico.

“Nagpupunta siya sa bahay tapos nagpupunta rin ako sa condo niya. Mayroon kami sa mga resort na patago.

"Kasi si Sabrina M na ako noon, e, malaking issue yan kapag nalaman," sabi niya.

SABRINA CLAIMS CLAUDINE KNEW ABOUT HER AND RICO

Alam ni Claudine ang tungkol sa relasyon nila ni Rico?

Sagot ni Sabrina, "Yes, alam niya. Hindi pa kami nakakapag-usap at nakakapagkita ngayon.

"I think hindi naman magkakaroon ng problema kay Claudine kasi noong naging kami naman ni Rico, tapos na sila.

"Hindi ko naman pinanghimasukan si Rico during the time na sila pa ni Claudine.

"Wala na talaga sila noong pumasok ako sa buhay ni Rico."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON ATTENDING RICO YAN'S WAKE

Nakapunta raw siya sa burol ni Rico, pero pilit niyang itinago ang kanyang saloobin noon.

"Noong time na namatay siya, hindi ko makuhang umiyak kasi makikita ka ng mga tao at ng mga reporters.

"Mapapatanong na lang sila, 'Bakit umiiyak si Sabrina M. doon?' That time, may issue na about Rico, and ayoko nang dagdagan. Respeto na lang kay Rico Yan.

"Noong nakaburol na siya, ilang beses kong pinag-isipan kung pupunta ba ako o hindi dahil baka ma-issue.

"Mayroong mga incidents na nakahiga lang ako habang umiiyak, iniisip ko kung pupunta ba ako o hindi."

Lahad pa ni Sabrina, alam ng nakatatandang kapatid ni Rico na si Bobby Yan ang tungkol sa kanila ng yumaong aktor.

"Nandoon ako noong burol, nandoon din ako noong libing. Nakalapit ako noong ipapasok na siya.

"Inabutan ako ni Bobby Yan ng bulaklak para kay Rico.

"Aware si Bobby about the relationship. Napakabait nilang lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit hindi madalas, dumadalaw raw siya sa puntod ni Rico.

“Noong nagpunta kami sa cemetery, dumalaw naman kami, pero hindi madalas. May balak naman akong dumalaw, pero kasi malayo yong area niya.

"Kapag nandoon naman ako, puwede namang puntahan. Naging parte kasi siya ng buhay ko kaya hindi naman na talaga makakalimutan yon," saad niya.

Sinabi rin ni Sabrina na nagpaparamdam sa kanya si Rico Yan.

“Yes, nagpaparamdam siya. Dinadaan niya ako sa panaginip, para lang siyang nasa tabi ko.”

ON HER MEMORIES OF RICO

Ano ang magandang memories nila ni Rico?

“Sobrang bait na tao naman kasi ni Rico, napaka-gentleman at sweet.

"Kahit sinong tao, mapu-fall talaga kay Rico Yan. Mararamdaman mo sa kanya kung gaano siya ka-sincere sa yo."

Dagdag pa ni Sabrina, “Noong time na namatay siya at dinadaan niya ako sa panaginip, ang sinasabi niya lang ay sayang daw kasi nawala siya nang maaga, kami raw sana."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph sa mga kapatid ni Rico na sina Booby at Tina Yan upang kunan sila ng pahayag kaugnay ng mga rebelasyon ni Sabrina.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sabrina M. on Rico Yan: “Sobrang bait na tao naman kasi ni Rico, napaka-gentleman at sweet. Kahit sinong tao, mapu-fall talaga kay Rico Yan. Mararamdaman mo sa kanya kung gaano siya ka-sincere sa yo."
PHOTO/S: Noel Orsal / Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results