PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sabrina M. dismisses negativity after Rico Yan reveal

Sabrina M. says she attended the funeral of Rico Yan.
by Jojo Gabinete
Published Jul 7, 2023
sabrina m rico yan
Sabrina M. on revealing her secret relationship with late matinee idol Rico Yan: “Sobrang discreet kami talaga, at ewan ko ba nung presscon, bigla akong napaamin. Pero sobrang nakaka-proud naman na nagkaroon ako ng isang Rico Yan sa buhay ko. Kahit sino, magiging proud na may Rico Yan na naging parte ng buhay mo kaya super deadma na lang ako sa mga basher."
PHOTO/S: Noel Orsal / File

Kinilig si Sabrina M. nang sabihan siya ni Rico Yan ng "I love you" sa kauna-unahang pagkakataon noong nagsisimula pa lamang ang kanilang lihim na relasyon.

“Siyempre, kahit sino kikiligin kapag isang Rico Yan ang nagsabi sa yo ng ‘I love you’ dahil longtime crush ko siya talaga," kuwento ng dating sexy actress sa eksklusibong panayam sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Biyernes, July 7, 2023.

Paglalarawan pa niya sa pumanaw na aktor, “Napakabuting tao ni Rico at naramdaman ko talaga ang sincerity niya."

Ayon kay Sabrina (Karen Pallasigue sa tunay na buhay), nakilala niya nang personal si Rico nang mag-guest siya noon sa Magandang Tanghali Bayan (MTB), ang defunct noontime variety show ng ABS-CBN kung saan isa sa mga co-host si Rico.

Pumanaw si Rico, sa edad na 27, noong March 29, 2002.

Read: Rico Yan's 21st death anniversary: family, fans, Dominic Ochoa remember late actor

Lihim na lihim noon ang relasyon nila ni Sabrina para makaiwas sila sa mga intriga at para hindi mahusgahan ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, “Hindi kami nagdi-dinner sa labas kasi nga baka may makakita sa amin, at ako rin mismo ang may ayaw dahil sa mga issue na puwedeng lumabas."

Kumusta si Rico bilang boyfriend?

“Sobrang maasikaso si Rico. Palagi siyang nagtatanong ng ‘Kumain ka na ba?’

“Sinasabi niya na, ‘Huwag kang magpapagod sa work.’”

Ano ang tawagan nila ni Rico sa isa’t isa?

“Hon,” sagot ni Sabrina.

Ano ang mga bagay na ibinigay sa kanya ni Rico na pinahahalagahan niya hanggang ngayon?

Ayon kay Sabrina, “Mahilig akong tumanggi sa mga ibinibigay sa akin.

"Ayokong isipin niya na iyon ang habol ko sa kanya kaya madalas, tinatanggihan ko talaga ang mga ibinibigay niya.

“He was a very caring person talaga. Sobrang maasikaso at malambing na tao.

"Kahit sobrang busy niya, gagawa at gagawa siya ng way para magkita at magkasama kami."

Read: Sabrina M. reveals secret relationship with the late Rico Yan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE REVELATION

Marami ang nagulat nang aminin ni Sabrina sa isang press conference kahapon, Huwebes, July 6, ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Rico.

Ayon kay Sabrina, napilitan lamang siyang magsalita dahil may nagtanong sa kanya na nakakaalam ng kuwento ng pagmamahalan nila ng pumanaw na aktor.

Aware ang dating sexy star na marami ang nagdududa sa kanyang rebelasyon at may namba-bash pa sa kanya, pero iginiit niyang hindi siya nagsisinungaling.

Saad niya, “Hindi naman ako sinungaling na tao para gumawa ng story.

“Sobrang discreet kami talaga. At ewan ko ba nung presscon, bigla akong napaamin. Pero sobrang nakaka-proud naman na nagkaroon ako ng isang Rico Yan sa buhay ko.

“Kahit sino, magiging proud na may Rico Yan na naging parte ng buhay mo kaya super deadma na lang ako sa mga basher.

“Yung iba, personalan na kung mang-bash, pero dedma na lang talaga ako. What's important is alam at hawak ko ang katotohanan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nanghihinayang si Sabrina na nawala na ang mga litrato nilang magkasama ni Rico dahil sa matagal na panahong lumipas na matibay sanang ebidensiya ng kanilang pagmamahalan.

RICO YAN'S DEATH

Nasaktan daw nang husto si Sabrina sa nakakabiglang pagkamatay ni Rico sa isang resort sa Puerto Princesa, Palawan, noong Biyernes Santo, March 29, 2002.

Ayon kay Sabrina, nagkausap pa sila bago lumipad ang aktor sa naturang lugar.

“Nagpaalam siya sa akin na pupunta siya sa Palawan and he will see me after that,” salaysay ni Sabrina.

Malinaw na malinaw pa sa isip ni Sabrina ang huling pag-uusap nila ni Rico kaya iyak siya nang iyak nang malaman niya ang pagpanaw ng aktor, na nakarelasyon niya lingid sa kaalaman ng publiko.

“Sobrang sakit sa akin noong time na iyon. Nag-iiyak ako. Hindi ko matanggap. Lahat naman ganoon ang nangyayari, di ba?

“Gabi-gabi dumadalaw siya sa panaginip ko at talagang may mga message siya sa akin that time. Kahit sa panaginip lang, nagpaalam siya sa akin nang maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami ang hindi maniniwala, pero wala naman tayong magagawa kung ayaw nilang maniwala.”

Dinamayan daw si Sabrina sa pagluluksa ng kanyang inang si Mommy Baby na kasama niya noon sa pagpunta sa burol at libing ni Rico.

Nakiramay rin daw kay Sabrina ang mga kaibigan at kasamahan ni Rico sa trabaho na alam ang namamagitan sa kanila, pero tumanggi siyang magbanggit ng mga pangalan.

SABRINA M. SAYS SHE ATTENDED RICO YAN'S FUNERAL

Inihatid si Rico sa huling hantungan nito sa Manila Memorial Park sa Parañaque City noong April 4, 2002. Kabilang si Sabrina sa mga nakipaglibing.

Walang nagdudang may relasyon ang dalawa dahil sa akalang nakiramay lamang si Sabrina bilang kasamahan ni Rico sa entertainment industry.

rico yan funeral

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Sabrina, “Nung libing ni Rico, inabutan pa ako ng flower ni Bobby para mailagay ko sa kabaong ni Rico.”

Ang "Bobby" na tinutukoy ni Sabrina ay ang nakatatandang kapatid ni Rico na si Bobby Yan, na alam umano ang relasyon nila ng namayapang aktor.

Isang masugid na tagahanga ni Rico ang nagsabi sa PEP.ph na nakita nito si Sabrina sa libing ng kanyang idolo. Natatandaan din nitong kulay itim ang damit ng aktres at katabi ito ni Joey Marquez, ang alkalde noon ng Parañaque City.

“Totoo yon. Nag-iisa ako sa nakaitim noon saka ang mga miyembro ng family ni Rico,” kumpirmasyon ni Sabrina sa testimonya ng tagahanga ni Rico na nakakita sa kanya sa araw ng libing ng aktor.

Nang hingan namin si Sabrina ng mensahe para kay Rico, ito ang pahayag niya: “I know naman that he is happy now, kung saan man siya naroroon ngayon.

“Believe it or not, idinadaan niya sa panaginip ko na he is okay now at tanggap na niya ang pag-alis sa mundong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Napanaginipan ko siya noong nailibing na siya. Palagi niya kasing idinadaan sa panaginip ko ang mga message niya for me…"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sabrina M. on revealing her secret relationship with late matinee idol Rico Yan: “Sobrang discreet kami talaga, at ewan ko ba nung presscon, bigla akong napaamin. Pero sobrang nakaka-proud naman na nagkaroon ako ng isang Rico Yan sa buhay ko. Kahit sino, magiging proud na may Rico Yan na naging parte ng buhay mo kaya super deadma na lang ako sa mga basher."
PHOTO/S: Noel Orsal / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results