PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gary Valenciano on ABS-CBN, GMA-7 Collabs

"Pag nagsama yung mga tao from GMA and ABS, iba yun, e."
by Melba R. Llanera
Published Jul 9, 2023
Gary Valenciano reunites with Rayver and Rodjun Cruz at ABS-CBN dressing room
Gary Valenciano on reuniting with former Kapamilya stars Rayver and Rodjun Cruz: "Ngayon lang yata ito nangyari sa istorya ng Philippine television or the entertainment industry wherein dalawang magkaribal, dalawang magkaribal na stations nagsama."
PHOTO/S: @garyvalenciano Instagram

Naging viral ang instagram post ni Gary Valenciano nang dalawin siya ng magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz sa dressing room niya sa ABS-CBN.

Nangyari ito nang mag-guest ang magkapatid sa It's Showtime noong July 1, 2023. Iyon ang araw na nagsanib-puwersa ang ABS-CBN at GTV.

Read: 'It’s Showtime' gives its all in GTV premiere

Si Mr. Pure Enrgy ay isa sa hurado sa segment na "Tawag ng Tanghalan" ng Kapamilya noontime show.

Marami ang natuwa sa ibinahaging larawan ni Gary kung saan kasama din niya ang Kapuso stars na sina Mark Bautista at Christian Bautista na guests judges para sa "Tawag Ng Tanghalan Duets."

Reunion in It's Showtime: Erik Santos, Mark Bautista, Gary Valenciano, and Christian Bautista

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gary, nagpahayag ng kasiyahan ang Kapamilya singer sa naganap na pagsasama-sama ng mga artista sa Kapamilya at Kapuso Network sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine television.

"Alam mo na bilog talaga ang mundo. Ngayon lang yata ito nangyari sa istorya ng Philippine television or the entertainment industry wherein dalawang magkaribal, dalawang magkaribal na stations nagsama.

"Nangyari ito after na mangyari lahat sa ABS-CBN. Talagang ako puro thanksgiving lang.

"Yung mga nakita nyo sa video nung pagpasok ni Rayver sa kuwarto, yun na yun, e. Dati nung kasama pa siya sa ASAP ganun kami, e.

"Tapos sinama ko pa sila ni Rodjun sa isang concert nung 2008 maliit pa sila, pero sinabi ko kailangan nandun sila, Anime ang grupo nila."

Ang Anime ay ang all-male group sa ASAP na kinabibilangan nina Rayver, Rodjun, Emman Abeleda, Mico Aytona, John Wayne Sace, Sergio Garcia, at Mhyco Aquino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Patuloy ni Gary: "To see them grow, and even when they are with GMA, they've grown, tapos bumalik sa ABS, isang ano yan para sa akin.

"Naiintindihan ko kung bakit viral ang video na yun kasi alam din ng tao pag nagsama yung mga tao from GMA and ABS, iba yun, e."

Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

Isa sa mga haliging artists sa ASAP si Gary, habang sina Rayver, Rodjun, Mark at Christian ay bahagi ng All-Out Sundays, ang Sunday musical variety show ng GMA-7.

Bukas ba si Gary sa posibilidad na dumating ang pagkakataon na mag-merge ang ASAP at All-Out Sundays?

"Maybe merge, merge looks like a very good word kasi parang usung-uso yung merging.

"I mean, even dun sa TV5 may mga shows na rin ang ABS dun nung nag-merge. Iba, e, iba na ang takbo ngayon, at sana dumating nga yung pagkakataon na magsama "nga yung mga artists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isipin ninyo kung ano ang maaari naming gawin pag nangyari yun."

Sa interview kay GMA Network Chairman at CEO Felipe Gozon, nagbitaw ito ng salita na, "TV war is finally over," dahil sa pqgsasanib-puwersa ng ABS-CBN at GTV sa programang It's Showtime.

Naniniwala din naman dito si Gary.

"Yeah, I think so at sa mga darating na panahon I think mas maganda talaga pag ganito na medyo sama-sama kasi yung sakop ng balita, yung sakop kung ano ang nangyayari sa society ngayon, at sa kung ano ang nangyayari sa showbiz.

"Grabe ang sakop ngayon pag medyo nag-merge na ang dalawa."

Read: Vice Ganda bonds with Kapuso stars Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, Ken Chan, Rodjun and Rayver Cruz

GARY VALENCIANO ON MARIO DUMAUAL'S PASSING

Nakausap ng PEP.ph si Gary sa lamay ng namayapang betaranong showbiz reporter na si Mario Dumaual noong July 8, 2023, sa Loyala Memorial chapel sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang si Gary sa mga nagbigay ng tribute kay Mario.

Ayon kay Gary, napakalaking kawalan sa industriya ng namayapang showbiz reporter dahil sa pinakita nitong dedikasyon sa trabaho at magandang relasyon sa mga artista na tulad niya.

"Siguro sasabihin ko repleksyon ng maaring sabihin din ng mga artists tulad ko. Sobra ang support niya, at grabe yung mga hakbang na in-exert niya para humabol sa akin for interview.

"Na pag umaalis ako papuntang States, pumupunta siya talaga. Alam ko kung gaano ka-traffic mula ABS on the way to the airport and pabalik and that means a lot to me.

"Napakalaki talagang kawalan, pero naniniwala ako dahil sa kanyang examples marami sa mas kabataan ngayon, marami silang natutunan dun sa iniwan ni Mario Dumaual.

"He's one of a kind."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gary Valenciano on reuniting with former Kapamilya stars Rayver and Rodjun Cruz: "Ngayon lang yata ito nangyari sa istorya ng Philippine television or the entertainment industry wherein dalawang magkaribal, dalawang magkaribal na stations nagsama."
PHOTO/S: @garyvalenciano Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results