Nagkrus ang landas nina Ricci Rivero at DJ JhaiHo matapos ang pagsisiwalat ng huli tungkol sa tsikahan nila ni Andrea Brillantes.
Read: Andrea Brillantes and Ricci Rivero relationship timeline
Kay DJ JhaiHo nanggaling ang kumpirmasyon ni Andrea na nahuli niya umanong may ibang babae si Ricci sa loob ng condo unit ng basketball player at ito ang naging mitsa ng hiwalayan nila.
Sagot daw ni Andrea tungkol sa isyu via message: “LOL. Nakalimutan niya atang sabihin na hubad kong nadatnan yung girl.”
Read: Andrea Brillantes on girl she saw at Ricci Rivero’s place: “Hubad sa kwarto niya.”
Hunyo 30, 2023 nang ihayag ito ni DJ JhaiHo sa online show na Marites University kunsaan siya ay co-host.
Hunyo 26 at 27 ipinalabas sa Fast Talk With Boy Abunda sa GMA-7 ang panayam kay Ricci kunsaan itinuro niya na si Andrea umano ang kumuha ng video ng babaeng nakatapis ng tuwalya at kalalabas ng bathroom sa kanyang condo unit.
Bumisita si Ricci at dalawang kasama sa "Iskovery Night" ng Scott Media ni Isko Moreno noong Hulyo 6, Huwebes. Ang Scott Media rin ang may hawak sa online show na kinabibilangan ni DJ JhaiHo
Kuwento DJ JhaiHo, "Siguro wala silang idea at first na doon din yung studio ng Marites University.
"Pagpasok nila, nadaanan nila yung studio namin, may shoot kami. Pagdating po nila dun, nakita po nila kami sa studio. Hindi naman kami nakapag-approach, kasi dumiretso sila sa dressing room.
"Mula sa dressing room, dumiretso ng salang."
Dito ay sinubukan daw ni DJ JhaiHo na hingan ng reaksiyon si Ricci sa sinabi ni Andrea.
Lahad niya: "We tried to ask sa manager, sa handler, kung gusto ba niyang sumagot sa amin.
"Huwag na daw po. Kasi nakapag-judge na daw po kami.
"Hindi kami nagpang-abot. Kasi sarado. Pero nung dumaan siya, nakita namin. Kasi naka-open yung room namin."
Nakita ba siya ni Ricci?
"Nakita niya po. Kasi sa dressing room, may monitor na TV. May monitor po na TV, so nakita niya," malumanay na saad ni DJ JhaiHo.
Patuloya niya: "So yun po, sinubukan namin. Nagpatanong kami sa mga staff namin, ‘Itanong nyo naman, baka gustong magsalita.'
"Actually, minessage ako ng handler niya. Sinabi sa akin na parang, ‘We’re friends,’ messaging me as a friend, pero parang nakapag-judge naman na daw, ganun.
"Ang nangyari, in-explain ko sa manager niya na before ko kinausap si Andrea — as a friend din si Andrea dahil kasama ko sa Pangako Sa ‘Yo before."
Katuwiran ni DJ JhaiHo, hindi raw siya nagkulang sa pagkuha ng panig ni Ricci.
"Tinanong ko naman si Ricci nung June 15 bago siya mag-Fast Talk with Tito Boy. But he declined.
"So, nung sinasabi nila na parang kay Andrea lang ang hiningi kong side, sabi ko, 'Hindi! Mali yan!'
"Kasi yung first ko ngang tinanong, si Ricci pero nag-decline, di ba? So sabi ko, ‘Hindi niyo pwedeng sabihin na hindi ako humingi ng two sides.’
"Kasi sabi ni Ricci nung gabing tinanong ko siya, ‘Huwag na po muna, Mama Jhai. Ayoko pong palakihin yung isyu.’
"Basta after niyang magsalita sa Fast Talk niya with Tito Boy, yung mga lumabas na memes, kinuha ko tapos sinend ko kay Andrea. Tapos yun ang naging sagot."
Nakapanayam ng press si DJ JhaiHo sa Beautederm HQ sa Angeles City, noong Hulyo 7, Biyernes ng gabi.
Read: Awra Briguela bar brawl incident: A timeline
ON ANDREA ACCUSING RICCI OF THIRD PARTY
Nang usisain kung aware si Andrea na ibubulgar ni DJ Jhaiho ang tungkol sa kanilang usapan sa online show, inamin ng huli na hindi siya nagpaalam sa young actress.
Sabi ni DJ JhaiHo: "To be honest, kung papanoorin nyo ang Marites University, sinabi ko talaga dun,” paninindigan ni DJ JhaiHo.
"Sabi ko lang, 'Kailangan ko atang i-reveal to. Sorry, Blythe.'
"Kasi hindi ko lang nagustuhan yung about sa, 'We sleep together,' na parang feeling ko lang, kailangan kitang tanungin."
Ang tinukoy ni DJ JhaiHo na Blythe ay si Andrea na Blythe kung tawagin ng mga malapit sa kanya.
Ayon pa kay DJ JhaiHo, ni-repost pa raw ni Andrea ang isang meme tungkol sa pagkumpirma niya na nahuli niya umanong may ibang babae si Ricci.
"I’m sure, napanood na niya dahil sa friends kami sa Facebook, pino-post naman niya yung memes na ito ang naging statement niya.
"Sa private account niya yun, ha? Nakita ko naman yun.
"Tapos yung mga handlers namin sa Star Magic, nag-react naman sila dun. Wala naman silang ano sa inilabas ko."
Friends pa rin ba sila ni Blythe?
"Oo naman, yes, friends kami. Oo naman, friends kami," mabilis na tugon ni DJ JhaiHo.
"Like kakakita lang namin ng birthday ng anak ni Ate Dimples (Romana).”
Tila naka-move on nna si Andrea sa breakup nila ni Ricci base sa socmed posts nito.
Komento naman ni DJ JhaiHo, “Super! Super-move on siya. She’s very happy.
"Ang alam ko lang, parang ang tsikahan niya, 'Ano ba?! Tama na?! Ako nga, hindi na nagsasalita dahil ayoko na ng tsika. At gusto ko, peace for myself.'
"Parang yun naman ang sabi niya dun sa pagse-share niya, nakita ko. Parang wala sa kanya, parang she’s okay at happy naman."
Read: Andrea Brillantes posts cryptic message about "freedom" after breakup with Ricci Rivero
NO BAD BLOOD WITH RICCI
Naging crush ba niya si Ricci?
Sagot ni DJ JhaiHo, "Magkaibigan kami ni Ricci. To be honest, kasi dun sa Marites University, sinabi ko naman dun na pareho ko silang mahal ni Blythe, ‘Kailangan ko lang basahin ito.’
"Tapos dinefend ko pa siya. Sabi ko pa nga, di ba, 'Nung time na na-bash ako sa Twitter, you messaged me, Ricci. Na-appreciate ko yun, mabuti kang tao. Mabuti kang kaibigan.'
"Ito lang naman ang nalaman ko, sinabi ko dun sa show namin."
So, naging crush ba niya o hindi?
"Hindi ko siya naging crush," sagot ni DJ JhaiHo.
So, hindi siya makikipag-live in kay Ricci if ever?
Natawa si DJ JhaiHo, "Ano ba?! Hindi. Hindi siguro. Hindi siguro, ang ganda, no?! Hindi. Feeling ko, hindi ganun ang mga tipu-tipo ko.
"Guwapo naman talaga siya, pero iba ang tipo ko. Mas ano… hindi katangkaran nang todo-todo pero ganun."
Sa huli, nilinaw ni DJ JhaiHo na hindi raw sila magkaaway ni Ricci.
Wala rin daw siyang kinalaman sa kumalat na video ng babaeng nahuli sa condo unit ng basketball player.
Read: July 7 ratings game: 'Eat Bulaga!,' nanguna sa Visayas at Mindanao; E.A.T. panalo sa Metro Manila
