Matagumpay na inilunsad ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, and bago nitong catalogue nitong Huwebes, July 6, 2023, sa Blue Leaf Events Pavilion sa Taguig City.
Ang catalogue na may pamagat na Star Magic 30 ay naglalaman ng bonggang larawan ng Star Magic talents.
Layunin ng catalogue na muling ipakilala ang mga bituin na nasa pangangalaga ng Star Magic sa publiko matapos ang nagdaang pandemya.
Hindi rin kaila na nitong mga nakaraang taon ay may mga artista na umalis sa poder ng Star Magic sa iba't-ibang dahilan.
Sentro ng tema ng catalogue ngayong taon ang "star power elevation" ayon sa fashion photographer na si Dookie Ducay.
Sinikap ni Dookie at ng creative at production team na maitampok ang "individuality" "versatility" at "style" ng mga artista na kabilang sa proyekto.
Read: What is Ricci Rivero’s reaction to Andrea Brillantes claiming that he cheated on her?
PLAYING "FAVORITISM"?
Kung may mga natuwa sa latest catalogue ng Star Magic ay meron din namang mga fans na umalma at hindi nagustuhan ang finished product.
Isa ang fans ng aktres na si Janella Salvador sa mga nadismaya matapos makita ang front page ng catalogue.
Himutok ng mga tagahanga ni Janella: Na-etsapuwera ang kanilang idolo at hindi binigyan ng halaga ng Star Magic management.
Kabilang sa ABS-CBN stars na makikita sa front page ng catalogue ay sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Joshua Garcia, Jane De Leon, Kim Chiu, Gerald Anderson, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Arjo Atayde, Enchong Dee, at Shaina Magdayao.
May karapatan diumano si Jane na mapabilang sa front page dahil may napatunayan na rin ito sa showbiz at nanatiling loyal sa Star Magic makalipas ang maraming taon.
Sabi ng isang netizen sa Twitter, "Janella rose to the top not because of a love team! She made a name for herself by her talents and dedication to her craft!"
Hirit naman ng isa pang supporter ng aktres, "The Janella Salvador... can sing, dance, act, has a big heart but chose to stay in the sideline all these years because mgmt slept on her. Then again, enough is enough."
Ayon naman sa isang tagahanga, "Definitely one of the most loyal SM [Star Magic] artists that we have, yet they still can't give what she deserves that most???? stayed for a decade just to be disrespected like this. What wrong with you, Star Magic?"
Inakusahan din ng ilang fans ni Janella ang Star Magic na may favoritism pagdating sa mga talents na nasa poder nito.
"Umay kasi talaga itong favoritism ng SM [Star Magic] minsan. Sino pa mga talented sila yung hinde nabibigyan ng premium. Yung mga starlets at wala naman napapatunayan pa jusko. Ayoko na lang magtalk," hirit ng isang pang fan.
Kasabay ng paglabas ng mga mensahe para sa aktres ay ang pag-trending ng "Janella Deserves Better" sa Twitter.
Read: Awra Briguela bar brawl incident: A timeline
A DIG AGAINST STAR MAGIC?
Misteryoso naman ang naging post ni Janella sa Twitter nitong Sabado, July 8, 2023.
Makikita sa Twitter account ng aktres ang salitang "Ah k. Noted" na may kasamang star at magic wand emojis.
Marami naman ang nag-isip na marahil ay patama raw sa Star Magic ang maikli at matalinghagang post ni Janella.
Tulad ng inaasahan ay dinumog ng reply ang tweet ni Janella ng kanyang followers.
"Star Magic ba to teh," tanong ng isang follower.
"We love you @superjanella and everybody knows you are a superstar in your own right. Nobody can change that."
May nag-udyok din sa aktres na lumipat ng management at binanggit ang Sparkle ng GMA Network, Viva Artists Agency ng Viva Entertainment, at Crown Artist Management na pagmamay-ari ng auntie ni Janella at former Kapamilya artist, Maja Salvador.
Meron din namang followers ni Janella ang nagpaalala sa aktres na huwag damdamin ang nangyari kung sakaling sumama nga ang loob nito.
Taong 2012 ng maging aktibo sa show business si Janella. Opisyal siyang pinakilala bilang parte ng Star Magic nung 2013.
Ilan lamang sa mga proyekto na kung saan ay napanood si Janella ay ang Be Careful With My Heart, Oh My G!, Born For You, at So Connected.
Dahil sa angking talento at versatility ni Janella ay tinawag siyang "triple threat" ng dating Star Magic head na si Johnny Manahan.
Pansamantalang naudlot ang pag-angat ng showbiz career ng aktres matapos mabuntis ng kasintahang si Markus Peterson.
Isinilang ni Janella ang anak na lalaki na si Jude nung October 20, 2020.
Nung 2021 ay napanood si Janella sa Darna na kung saan ay ginampanan niya ang kontrabidang si Valentina.