PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jessy Mendiola and Luis Manzano's Dates

Jessy Mendiola says she's ready to return to showbiz.
by Rommel Gonzales
Published Jul 9, 2023
Jessy Mendiola and Luis Manzano
Jessy Mendiola on quality time with Luis Manzano: "So nung isang gabi sabi ko, 'O, maaga si Peanut matutulog tonight, and wala kang work, mag-date kaya tayo?' Important din sa amin yun, sa mga newbie couples, or newbie parents, dapat you make time."
PHOTO/S: @jessymendiola Instagram

Kahit abala sila ni Luis Manzano, 42, bilang first-time parents, inihayag ni Jessy Mendiola, 30, na hindi nila nakakalimutan ang kanilang relasyon.

Read: 17 Filipino celebrity couples with big age gaps (female edition)

"Oo, kasi kahit sa bahay hindi na ako nag-aayos talaga, as in wala na akong time mag-make-up or mag-ayos ng hair.

"Wala kaming time, kasi si Luis also he has work, and siyempre, di ba, we have to understand also na busy din siya.

"But then, when we find time talagang we make the most out of it. So nung isang gabi sabi ko, 'O, maaga si Peanut matutulog tonight, and wala kang work, mag-date kaya tayo?'

"So, finally nakapag-date na kami after siguro… pero ano naman kasi, hindi namin pinapalagpas ang one month ng walang date.

"Important din sa amin yun, sa mga newbie couples, or newbie parents, dapat you make time."

Nakausap si Jessy ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang members ng media sa grand opening ng Manila Diamond Studio sa 5th floor ng EDSA Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City kahapon, Sabado, July 8, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Is Janella Salvador alluding to Star Magic in cryptic post?

MILESTONES OF BABY ROSIE

December 29, 2022 nang ipanganak ni Jessy ang anak nila ni Luis na si Isabella Rose Tawile Manzano.

Ano na ang mga “kakulitan” ni Baby Rosie o Peanut?

Sagot ni Jessy: "Naku! Ayaw na niyang magpababa ngayon! Ayaw na niya, tapos tumitili na siya, pag pinapaliguan namin siya, pag pinapalitan ko siya ng diaper naninipa na, malikot na talaga siya.

"Tapos nakakaupo na siyang mag-isa, tapos nag-start na siya ng solid food journey niya, so talagang parang mixed emotions kami, kasi bittersweet siya na, 'Wow, lumalaki na siya!'"

Nagugulat daw sila ng asawa sa bilis pumick-up ni Baby Rose.

"Yung progress niya amazing. But then, parang nakaka-sad ng konti, kasi parang, 'I don’t want you to grow up just yet.'

"Si Luis nga sabi niya, 'Anak magso-solids ka na.' Tapos sabi ko, 'Uh oh!' Para siyang naiiyak, kasi sabi niya, 'Ang bilis niyang lumaki.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos tiningnan niya ako, sabi niya, 'Number 2?' Sabi ko, 'Wait lang! Hello! Wala pang one year!'" bulalas pa ni Jessy.

Nae-enjoy daw niya talaga ang pagiging ina.

Dagdag ni Jessy: "Pero talagang ano, I’m just really amazed as a mother, as a new mother.

"Grabe, yung parang totoo pala yun, hindi mo alam kung paano mo sisimulan, gagawin mo na lang siya, ganun!"

Read: Celebrity godparents of Jessy Mendiola and Luis Manzano's daughter Isabella Rose

ON ATTENDING EVENTS AGAIN

Pinakaunang showbiz-related event ni Jessy ang dinaluhang mediacon para sa kanyang endorsement kasama si Alexa Ilacad.

Kumusta ang pakiramdam?

"Grabe, first ever event ko to after kong manganak, as in! Kaya parang wow, ganito pala ang events ngayon, back to normal," saad ni Jessy.

Very supportive si Jessy sa jewelry brand na may kaugnayan din sa kanilang wedding ni Luis.

"Magpo-four years na, tapos lahat ng milestones ko sa buhay sila talaga yung witness, tapos si Rosie din, nung ipinanganak ko siya, tapos ngayon na magpi-first birthday siya, inalagaan din nila, and I’m very grateful sa [jewelry brand] family.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natanong si Jessy kung ano ang alahas niya na maituturing niyang prized possession niya ngayon?

“Of course, my engagement ring and my wedding ring, they’re both by [this jewelry brand]!

"Pero alam niyo, dati pa mahilig na ako sa jewelry, and ngayon I make sure na yung mga jewelries na binibili ko or yung mga binibigay sa akin ng [brand] inaalagaan ko talaga kasi I want to pass them on to Rosie, to Peanut."

Read: 10 Filipino celebrities now based in Australia

READY TO GO BACK TO WORK

Ibinalita rin ni Jessy na handa na siyang magbalik-showbiz.

"Yes! Oo, actually, first ever event ko to since giving birth, and I told nga my… I told Luis, I also told my family, and of course my management, sabi ko sa kanila, 'I think I’m ready to go out there na, kasi six months na rin yung baby ko, so sabi ko I think it’s about time.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, di ba, kailangan din mag-work-work, kasi mudra na," at muling tumawa si Jessy.

"So, pag mother ka na, di ba, siyempre you have to prepare for your child’s future and all. So iyon, sabi ko I’m ready to work, I’m ready to be out there."

Kahit matagal nang hindi visible sa TV ay marami raw sa mga tagahanga ni Jessy ang patuloy ang suporta sa kanya.

"But actually, I’m very thankful, I’m very grateful, kasi kahit medyo nawala ako sa TV and sa movies, sa teleseryes, I’m still active through social media and people are still supporting me, my YouTube channel.

"And especially nung lumabas na si Peanut, parang everyone’s so supportive, palagi silang nakaabang.

"Yung monthly photos niya na may mga flowers, ganyan, nakaabang sila kung anong next color, ganun. So sabi ko talagang in fairness talaga, parang hindi nawawala talaga yung showbiz sa life ko."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola on quality time with Luis Manzano: "So nung isang gabi sabi ko, 'O, maaga si Peanut matutulog tonight, and wala kang work, mag-date kaya tayo?' Important din sa amin yun, sa mga newbie couples, or newbie parents, dapat you make time."
PHOTO/S: @jessymendiola Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results