PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta on TVJ's 'Eat Bulaga!' Exit

Sharon Cuneta on TVJ and the original Eat Bulaga! Dabarkads: "That is my family"
by Gorgy Rula
Published Jul 9, 2023
TVJ with Sharon Cuneta
Sharon Cuneta on Eat Bulaga's unexpected revamp: "You don't fix what's not broken, di ba? You don't reinvent naman if it's doing well. Leave it alone." Photo shows Sharon with original Eat Bulaga! hosts (L-R) Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon.
PHOTO/S: TVJ YouTube

Nadismaya si Sharon Cuneta sa ilang netizens na hindi natutuwa sa pag-guest niya sa pilot episode ng programang E.A.T. nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa TV5 noong July 1.

Read: Sharon Cuneta dismayed over TVJ split with TAPE Inc.: “You didn’t deserve that.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Megastar sa nakaraang launching ng bagong endorsement nila ng bunsong anak niyang si Miel Pangilinan na Insular Life Insurance, na ginanap sa Ayala Museum nung Biyernes, July 7, 2023

Kuwento ni Sharon sa ilang miyembro ng media, nakakatanggap siya ng bashing na tila hindi raw nila naintindihan ang relasyon niya sa TVJ lalo na sa dating Senador Tito Sotto.

Aniya, “Nakakatawa kasi alam mo naman yung comments minsan ng mga tao.

"I don't know kung... sabi ko, hindi na ba uso ngayon yung tumatanaw sa utang na loob? Kasi merong mga bashers na kung anu-ano... tinatawag kang balimbing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, 'Bakit?' I've been with Bulaga since I was 13, tapos kamag-anak ko yung mga Sottos. So, parang that's a no-brainer, di ba?

"Ang laki ng utang na loob ko, because without Tito Sotto, wala ako.

"Hindi niyo ako makikilala. Hindi ako magiging singer because siya ang nag-discover sa akin.

"So, I started... I was already 13 when Eat Bulaga! started. I started singing at 12, e.

"So, from RPN-9, nandun na ako.

"Wala pa sila Aiza [Seguerra] nung si Aiza pa siya. Siyempre, wala pa rin sila Ryzza Mae [Dizon], wala pang Little Miss Philippines, nandun ako lagi. Naka-uniform high school uniform pa ako noon.

"Nagulat lang ako dun. Sabi ko, dapat talaga matuto yung mga kabataan na tandaan yung pagtanaw ng utang na loob.

"So, nagulat lang ako. Pero wala. Hindi naman importante yun."

SHARON SADDENED BY TVJ'S ORDEAL

Nalungkot lang daw siya sa nangyari sa TVJ. Kaya isa rin daw siya sa umiyak noong nakabalik na sila sa TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi siyempre, I've also been in this business for a long time.

"I think nightmare yung matrato ka nang ganun, after loyalty and devotion to a show, na inalagaan mo at ipinagkatiwala sa yo.

"For 44 years, sila yung Eat Bulaga!, tapos biglang...yung walang kaabog-abog pumasok ka, hindi mo alam last day mo na pala dun.

“That must have hurt so much, that they've been in the business longer than I have.

"So, hindi lang yung mga nagmamahal sa kanya, yung mga tumitingala at rumerespeto sa kanila, must have been so grateful for everyone. Kasi, there are other noontime shows na nagbibigay ng kasiyahan, pero let's call a spade a spade.

"Ang TVJ, siguro matatawag na kasama nung pioneers pagdating sa... the longest running. So, hindi matatawaran yung following nila. So, ang pagka-Pilipino, yung may sarili silang style na iba sa ibang noontime shows. Masaya din.

“Pero iba yung TVJ, dabarkads na legit. Iba yung bond nila as a family. So, I think that shows very clearly, it sparkles di ba? Daily, when you see them together. Nagmamahalan talaga, hindi pera ang dahilan,” saad ng Megastar.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SHARON ECSTATIC ABOUT TVJ'S RETURN TO NOONTIME TV

Kaya nagpapasalamat siya sa TV5 na nagpatuloy ang programa nina Tito, Vic and Joey.

Pagbabalik-tanaw niya, "I cried! My God! Nung lumabas sila sa TV na umiiyak sila, umiyak din ako. Feeling ko you don't treat them like that. They didn't deserve that, and they don't deserve that.

"So, malaking pasasalamat ko sa mga nagbigay ng bagong tahanan sa kanila, ang TV5.

"Malaking pasasalamat ko sa lahat na nagmamahal sa kanila.

"Mahal na mahal ko sila, na talagang tumatanaw ako ng utang na loob na kung wala si Daddy Tito Sotto, wala yung Mama Helen ko, at kung wala si Tito Joey at Tito Vic ko...

"Tito Joey and Tito Vic made songs when I was starting pa lang with 'Mr. DJ,' yung mga first album, second album. Talagang noon pa, sila na ang magkakadikit, yung TVJ na yan.

"Kung wala si Sen. TIto Sotto, wala akong career, hindi nio ako makikilala. Ang laki ng utang na loob ko. So, hindi na kailangan i-explain yun sa mga malawak ang pag-iisip na nakakaintindi kung bakit nasa TVJ ako nung araw na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi puwedeng pabayaan ko yung mga minamahal ko, mga pinagkakautangan ko ng loob. Siyempre naman, when you're needed, then you do what you can, because they were there when you needed them," sabi pa ni Sharon.

SHARON HAPPY ABOUT END OF NETWORK WARS

Ang isa sa ikinatutuwa niya nung July 1 ay ang collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN, kung saan ipinalabas na sa GTV ang It's Showtime.

"Ang laking tinik na nabunot!," bulalas ng Megastar.

"When I started sa singing, wala yung network wars, e.

“Pag meron akong record noon? Nung panahon ng 'Mr. DJ,' 'Kahit Maputi'... tinu-tour namin yan. We can promote anywhere. And I think, nung pumasok sa ABS-CBN nung 1988, I still honor that.

"Pagdating sa akin? Kasi galing din akong GMA. Galing din akong IBC-13. So, Eat Bulaga! was on RPN-9 before, where I would also go regularly. Pero mostly GMA ang kinalakihan ko e, GMA Supershow di ba? Nag-BBC 2 pa ako. So, parang inikot ko na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya lahat na TV network na inikot niya ay hindi raw niya nakakalimutan ang nabuo niyang magandang relasyon.

"You can't tell me to forget about the relationships I have forged through the years. Saka yung, I never forget kasi kung saan ako nagsimula.

"Kasi yung kasabihan, si Jose Rizal yata yun di ba? Yung hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.

"I think meron ng mga hindi napapaalalahanan nun. Dapat paalalahanan natin. Yung mga anak ko lagi kong pinapaalalahanan. Kasi masakit yun, e. Yung tinulungan ka, tapos hindi mo naalala? Ang bastos mo naman," saad ng singer/actress.

Pero papayag kaya siyang mag-guest sa It's Showtime na katapat ng E.A.T. ng TVJ?

"Depende. Ayoko namang mag-feeling na...may kanya-kanya kami... siyempre matanda na ako.

"Ang dami nang dumaan. Nagkaroon na ako ng sarili kong shows, may mga serye ako. So, siguro, hindi ko iniisip yun.

"Pero kung kailangan nila ako, nandun ako. Ganun din naman ang showtime. Pag inimbita ako, nandun din ako;" tugon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinundan na rin namin ng tanong kung bukas din ba siya sa posibilidad na mag-guest sa revamped na Eat Bulaga!.

"That is my family," ang TVJ ang tinutukoy niya.

"Kasi, second father ko si Tito Sen. He's my Dad after my dad passed away.

"LIke I said, he discovered me. Kung wala siya, hindi ako naging singer. Hindi ako naging artista.

"This is TVJ, ang original. TVJ only," malumanay niyang sagot sa amin.

SHARON DEFENDS NEW HOSTS OF REVAMPED EAT BULAGA!

Pero may pakiusap ang Megastar sa mga tumitira sa hosts ng bagong Eat Bulaga!.

"Alam mo, sana tigilan din natin yung pamba-bash sa mga bagong host nung pumalit sa TVJ sa Siyete.

"Kasi, naghahanap-buhay lang naman yung mga kapwa ko artista.

"It's not their fault. Naghahanap-buhay lang. Offeran ng trabaho, bakit hindi mo naman tatanggapin. Pero, tigilan na natin yung mga hosts. Hindi nila kasalanan yun. It's not their fault. Let's not blame them and bash them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang sama ng loob ko dun sa...siguro ang dapat na ipinaglaban sila, hindi dapat ginulo yung set-up, kasi yun na, e. You don't fix what's not broken, di ba?

"You don't reinvent naman if it's doing well.

"Leave it alone," seryoso niyang pahayag.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta on Eat Bulaga's unexpected revamp: "You don't fix what's not broken, di ba? You don't reinvent naman if it's doing well. Leave it alone." Photo shows Sharon with original Eat Bulaga! hosts (L-R) Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon.
PHOTO/S: TVJ YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results