PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former 'Tawag Ng Tanghalan' contestant killed in hit-and-run incident

Mark Ken Mariscal pronounced dead on arrival after hit-and-run incident.
by Erwin Santiago
Published Jul 10, 2023
mark ken mariscal tawag ng tanghalan
Mark Ken Mariscal, former "Tawag ng Tanghalan" contestant, was killed in a hit-and-run incident in Davao City, Sunday, July 9, 2023. He was 28.
PHOTO/S: ABS-CBN

Patay ang 28-anyos na si Mark Ken Mariscal sa hit-and-run incident na naganap sa Davao City.

Si Mariscal ay nakilala nang maging contestant siya sa singing contest na "Tawag Ng Tanghalan" sa Kapamilya noontime show na It's Showtime noong 2019.

Ayon sa ulat ng SunStar Davao, nangyari ang insidente sa Cabantian Road, bandang 2:45 a.m., Linggo, July 9, 2023.

Base sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng Buhangin Police, si Mariscal ay pasahero sa motorsiklong minamaneho ng isang kinilalang si Ruben Borgonia.

Bumibiyahe ang dalawa pauwi sa Barangay Indangan nang huminto sila sandali sa tapat ng gusali ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) upang umihi.

Habang pababa ng motorsiklo ay nawalan umano ng balanse si Mariscal at natumba ito sa may kalsada.

Nataon namang may parating na puting sasakyan kaya sinubukan umano ni Borgonia na parahin ito. Ngunit hindi huminto ang sasakyan at sinagasaan si Mariscal.

Kaagad isinugod ng rescuers mula sa Central 911 si Mariscal sa Southern Philippines Medical Center (SPMC), ngunit idineklara na itong dead on arrival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman sa ulat ng ABS-CBN News, tututukan ng Buhangin Police ang kaso upang mahanap at matukoy ang driver na sumagasa kay Mariscal.

Hinihiling din nila sa mga taong may mahalagang impormasyon kaugnay ng insidente na makipag-ugnayan upang makatulong sa isinasagawa nilang imbestigasyon.

Wala pang pahayag mula sa pamilya ni Mariscal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Ken Mariscal, former "Tawag ng Tanghalan" contestant, was killed in a hit-and-run incident in Davao City, Sunday, July 9, 2023. He was 28.
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results