Ibinahagi ni Ara Mina ang hindi magandang karanasan niya sa isang Filipino-American actress na naging co-star nito sa isang proyekto.
Sabi ni Ara, magkasama sila sa tent ng hindi pinangalanang Fil-Am actress.
Habang inaayusan daw si Ara sa harap ng salamin, sa harap mismo niya dumadaan ang aktres at nahaharangan ang salamin.
Katuwiran ni Ara, kahit hindi man siya kilala ng aktres na ito ay hindi ito dahilan para hindi siya irespeto.
“Nagmi-make up ako, dinadaanan ako sa harap. Ibig sabihin, the fact na mine-make-up-an ako…” lahad ni Ara sa PEP Live noong July 6, 2023.
“Sabihin na natin ano siya, Fil-Am or whatever, hindi niya ako naabutan, hindi siya nanonood ng TV, the fact na mine-makeup-an ako at kasama niya ako sa tent, siguro naman artista ako, di ba? So, huwag mo ako dadaan-daanan.
“Pero sinabi ko lang sa handler ko nun, ‘Sino ba itong kasama ko, dinadaan-daanan lang ako?’
“Kasi puwede namang dumaan sa likod ko. Dito talaga sa harap ko dumadaan?! Eto yung salamin. Sabi ko, ‘Hala!’”
Binanggit ni Ara ang sumunod na nangyari: “Next shoot, wala siya.”
Pero nilinaw niya, “Hindi ko siya pinatanggal, ha. Tinanggal siya [ng] production.”
Inusisa si Ara kung nasaan na ang naging co-star niyang ito.
Sagot niya, “Hindi na siya active sa pag-aartista, pero napunta siya sa ibang larangan. And I think may asawa na siya at may anak na siya.”
Read: Deborah Sun namedrops celebrities helping her: “Nabubuhay ako sa tulong ng tao.”

CONFRONTING THE ACTRESS
Sinabi ni Ara na pinagsabihan din niya ang aktres na ito.
Hindi lamang niya idinetalye kung nangyari ba ito sa mismong araw nang mangyari ang insidente o sa ibang araw.
Sabi ni Ara, “Kinonfront ko naman siya nung she asked me to talk to her, na nag-[apologize] siya sa akin.
“Tapos sabi ko, ‘Next time don’t do this.' If you’re not sure [about who the person is]—talagang nag-i-English ako, ibig sabihin may idea na kayo nag-i-English [yung co-star]…” may halong birong pakli ni Ara.
Pagpapatuloy raw niyang sinabi sa aktres, “’If you’re not sure, just smile or kaya say, ‘Hello, good afternoon, good morning po,’ like that.”
Paalala ni Ara sa mga baguhang artista, “Just be respectful with your co-workers. Because you don’t know the impact pag maganda ang pakikitungo mo sa production and mga co-stars...
“Kasi pag hindi maganda ang [pakikitungo] sasabihin ng production, ‘Wag na nating kunin yan kasi ang sama ng ugali niyan.’”
Paalala ni Ara sa aspiring artists, “If you want to last, kailangan marunong kang makipagkapwa dito sa trabaho.
“And you need a loooot of patience. Kailangan mo ng mahaaaabang pasensiya.
“Kasi iba-iba ang mae-encounter mong tao, iba't ibang character, iba-ibang level…”
Read: Ara Mina may bagong showbiz title: "Queen of all networks"
HAVING THE RIGHT ATTITUDE
Nagbigay rin ng reaksiyon si Ara nang may tumawag sa kanyang isang “ham” actress noon.
Ang “ham actress” ay tawag sa isang aktor o aktres na hindi magaling umarte.
Read: Ara Mina recalls being called “ham actress”; to celebrate 30th anniversary in showbiz
Naging hamon daw ito para galingan niya ang kanyang pag-arte at patunayang may ibubuga siya.
Sinabi ni Ara ang kahalagahan ng tamang approach kapag may mga negatibong komento mula sa iba.
“Kasi ikaw din ang mai-stress. Maaapektuhan ka. Tapos hindi makakapagtrabaho nang maayos.
“Kumbaga, work ka lang nang work.
“Baligtad din ang mundo. Minsan nasa taas ka, nasa ibabaw ka… You’ll never know...
“Kaya wag tayong manlalait. Wag din tayong mang-aapak ng tao, at saka dapat you care for your co-artists, production...
“Hindi dapat yung porke’t sikat ka ngayon, you can make an attitude na kahit maliliit na tao, e, aanuhan mo.
“Mamaya yung sisinghalan mo, balang araw yan mas sikat pa sa yo.”
Samantala, ipinu-promote ngayon ni Ara ang pelikulang Litrato na pinagbibidahan nila nina Ai-Ai delas Alas, Bodjie Pascua, Quinn Carillo, at Liza Lorena.
Ipalalabas ito sa mga sinehan sa July 26, 2023.
