PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljur Abrenica bonds with AJ Raval's family

Netizen: "Ang hilig ni Aljur sa biyenan na action star ha."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 11, 2023
Aljur Abrenica bonds with girlfriend AJ Raval's family
AJ Raval's (second from the right) family picture drew mixed reactions from netizens, with some joking that her boyfriend Aljur Abrenica (leftmost) has a thing for daughters of prominent action stars.
PHOTO/S: AJ Raval Facebook

Going strong ang relasyon ng magkasintahang Aljur Abrenica, 33, at AJ Raval, 22.

Ito ang dating ng pakikipag-bonding ni Aljur hindi lang kay AJ kundi sa buong pamilya ng sexy actress.

Sa Facebook nitong July 9, 2023, ipinost ni AJ ang larawan ng naging pagtitipon ng kanyang pamilya kasama ang mga kapatid niya, ama na si Jeric Raval, at nobyong si Aljur.

Walang inilagay na caption si AJ kung kaya't hindi matukoy kung saan ito kuha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umani ito ng iba't ibang reaksiyon mula sa netizens.

Ilan sa mga ito ay may pahaging na halatang mahilig daw si Aljur sa mga anak ng action star.

Komento ng isang netizen (published as is), "Pareng aljur, inisa isa mo ata mga anak ng action star ahahaha."

Sabi pa ng isa, "Ang hilig ni Aljur sa biyenan na action star ha HAHAHAHA."

Biro naman ng isa, "Aljur lng sakalam. Tirador ng anak ng mga action star!. Solid. Grace Poe kabahan kana!"

Saad pa ng isa, "Dati Aljur idol na idol kita. Hanggang ngayun parin naman. Pero dina masyado. Sana wag mo gayahin yung ibang artista na hate na hate ng marami.. na parang damit lang magpalit ng partner! Please!! Kung si Aj na. Siya nalang talaga."

Ang isa pang anak ng action star na tinutukoy ng netizens ay ang estranged wife ni Aljur na si Kylie Padilla, anak ng action star na si Robin Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Robin Padilla reveals daughter Kylie broke up with husband Aljur over third party

Noong July 2021, kinumpirma mismo ng ama ni Kylie na si Robin na hiwalayan na ang kanyang anak at si Aljur.

Third party ang itinuturong dahilan ng breakup nila.

ALJUR-AJ RELATIONSHIP

Matagal ding pinag-usapan kung ano nga ba ang totoong estado ng relasyon nina AJ at Aljur, matapos mahiwalay ng aktor sa kanyang estranged wife na si Kylie.

Maraming netizens kasi ang inuugnay si AJ sa hiwalayan nina Aljur at Kylie at siyang itinuturong third party.

Read: AJ Raval nagka-mental breakdown dahil sa matinding bashing

Noong huling bahagi ng September 2021, unang napansin ng netizens ang espesyal na ugnayan nina AJ at Aljur, matapos isiwalat sa publiko ng controversial social media personality na si Xian Gaxa ang tungkol sa umano'y "pasabog" niya tungkol sa Viva sexy actress.

Read: AJ Raval laughs off rumor linking her to Aljur Abrenica

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero noong October 5, 2021, kinumpirma ni AJ sa PEP Live na nanliligaw sa kanya si Aljur, at kasalukuyang nasa "getting-to-know" stage sila.

Read: AJ Raval reveals real score with Aljur Abrenica: "We care for each other."

Hanggang sa naispatan silang magka-holding hands habang namimili sa isang mall noong October 6, 2021. Naungkat din nooon ang naging pagbisita ni Aljur sa bahay ni AJ sa Pampanga.

Read: "Getting-to-know stage?"—AJ Raval, Aljur Abrenica spotted HHWW at a mall

October 15, 2021, mariing pinabulaanan ni AJ na siya ang third party sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.

Read: AJ Raval denies being the third party in Ajlur Abrenica-Kylie Padilla breakup

February 14, 2022, namataan silang magkasama sa isang event na ginanap sa isang resort sa Tanauan, Leyte.

Read: Aljur Abrenica, AJ Raval spend Valentine's together at a hotel in Leyte

February 20, 2022, inulan ng batikos si AJ nang mag-post siya ng beach video nila ni Aljur, at ni-like iyon ni Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kylie Padilla on AJ Raval being bashed because of romance with Aljur Abrenica: "I actually wanted to talk to her."

Hanggang sa mapabalitang nagdadalantao umano si AJ at ang itinuturong ama ay si Aljur. Mariin naman itong itinanggi ni AJ.

Read: Jeric Raval, diretsahang itinangging nabuntis at nanganak ang anak na si AJ Raval

February 14, 2023, kasabay ng selebrasyon ng Araw ng mga Puso, tuluyan nang kinumpirma nina AJ at Aljur ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng magkahiwalay na Instagram posts.

Read: Jowa reveal: AJ Raval, Aljur Abrenica confirm relationship via Valentine's Day posts

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval's (second from the right) family picture drew mixed reactions from netizens, with some joking that her boyfriend Aljur Abrenica (leftmost) has a thing for daughters of prominent action stars.
PHOTO/S: AJ Raval Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results